37

4K 162 53
                                    

Cali
12:57 PM

Cali:
Temple

Ano buhay ka pa ba diyan?

Temple:
Oo pero muntikan na ako humimlay

Pabalik na kami diyan sa uni may pasok pa 'ko

Cali:
Oh ano sinabi sayo ba't bigla ka hinila?

Temple:
Sabi niya nung isang araw babawi daw siya sakin

Kaya eto nilibre akong lunch

Cali:
Buti hindi ka na nahihiya?

Temple:
Ang awkward nga kanina pagkahila niya sakin, first time namin magkausap sa personal na matino ako

Tapos sinabi ko na naiintimidate nga ako sa kaniya tapos ayon parang mas naging attentive siya sa bawat sinasabi ko saka lagi akong nginingitian pag nakikita niyang awkward ako

Kaya ilang minuto lang naging madaldal na rin ako, minsan nga ata nasusungitan ko na din

Cali:
Ang cute

Hala pano yan akala ko ba crush crush lang

Temple:
Wala naman akong sinasabing hindi

Naappreciate ko lang kasi ako tong nangulit ngulit lang sa kaniya na makipagclose tapos ngayon sobrang bait niya sakin, ang gwapo pa pota

Kada nagsasalita siya saka kaharap ako pakiramdam ko hindi ko deserve na makita siyang ganito

Dati sobrang confident ko sa sarili at itsura ko tapos ngayon kasama ko siya pakiramdam ko mukha akong alalay

Sa bagay magpapakaalalay naman talaga ako kung sa kaniya

Cali:
Ang landi mo nga

San na kayo niyan baka malate ka na

Temple:
Malapit na

Dala naman niya kotse niya

O diba mars may kotse san ka pa

Cali:
Ay pakilala mo nga ako para meron din akong kaibigang guwapo na may kotse

Mahina ako sa mga ganyan

Temple:
Meron akong kilalang may kotse, madami pa

Racer siya reto ba kita?

Cali:
Fuck you

Temple:
HAHAHAHAHA

oh my god I want to see your face rn

Napamura kita, nagmura si maria clara HAHAHA

Cali:
Masyado ka ng nag-eenjoy sakin

Magkuwento ka na lang ng nangyari

Temple:
Uni na

Ay shit

PUTANGINA BAKIT NAPAKAGENTLEMAN NIYA CALI?!!

Cali:
What happened?

Temple:
Pagbaba ko sa kotse niya didiretso na ako patakbo kasi nga palate na

Tapos hinawakan ako sa siko para pigilan, yun pala tinali niya sintas ko kasi natanggal

Tapos kinuha naman niya bag ko saka naunang maglakad, sinigawan ko siyempre late na ako yun pala hahatid ako sa room pagpapaalam daw ako kay sir Allen kung bakit nalate kasi kilala niya

Cali:
Nakaka-inggit naman

Gusto ko rin kiligin, abot dito kilig mo e

Silently praying for your happiness

Temple:
Thank you pero wag tayong ganyan

Wag, bawal kiligin, umurong, binawi

Friend tawag niya sakin, pinagpaalam ako kay sir Allen alam mo sabi niya
"sir, I'm sorry if my friend was late."

Cali:
Alexa play Bakit Papa by Sexbomb

Temple:
Wag susuko, kung hindi siya para sakin mga pinsan niya na lang

Nakita ko picture nilang magpipinsan, ulam lahat, kinulit ko ipakilala niya sakin

Sama ka sakin ha

Hanap tayo don

Cali:
Temple?!!

Ang landi mo parang namimili ka lang ng keychain sa magpipinsan, iniimpluwensyahan mo pa ako pero kelan ba para makapag-ayos ako

Sweet ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon