78

3.7K 98 22
                                    

Team Bulalo
9:13 PM

Chantelle:
Kailangan ko ng bagong kaibigan na ipapalit sa isa

Hindi ako nireplyan pero nakapag intramuros

Lois:
HAHAHAHA

Clara:
Gusto ko rin maglakad ng gabi sa intramuros😭

Chantelle:
Wag, bawal walang jowa don

Clara:
Weh? Totoo?

Bakit?

Lois:
Bagong patakaran para daw di mawala, sabi-sabi kasi my nanghihila daw don e

Kaya dapat may kasama ka, required na jowa

Clara:
Eh bakit nakapunta si Pol?

Chantelle:
HAHAHAHAHA

Clara:
Sorry pol

Pero seryoso bakit bawal mag-isa?

Chantelle:
Gaga naniwala ka naman

Temple:
Ako nanaman topic niyo

Mahal na mahal niyo ko no? Ang clingy

Chantelle:
Putangina mo pa din

Bakit hindi mo ko nireplyan?!

Temple:
Sige nga anong irereply ko sa sinabi mong ililibing mo ako kasama mga article ko

Lois:
Ayos ka na ba, nakakain kang lunch?

Temple:
Oo, kaso ewan kung lunch pa ba yon

3 kinain ko naman yung binigay niyo tapos kumain din kami sa la cathedral

Clara:
And your school works?

Temple:
Nabawasan ko naman yung ngayong araw😩

Pero madami pa rin

Clara:
Okayy

Pero magkuwento ka naman

Chantelle:
Oo nga buti buhay pa si Rion

Lois:
Nagtataka rin ako

Siguro gumana yung dasal ko

Chantelle:
Hala lois kanino ka nagdasal?

Lois:
Manahimik ka Chan

Temple:
Si kai saka stell?

Clara:
As usual sa mga medtech

Missing in action

Chantelle:
Yung pinapakuwento namin?

Temple:
Kung pano na buhay pa si Rion?

Clara:
Yung buong nangyari sana pero sige baka yan rin

Temple:
Wala bigla na lang yon dumating kanina, umupo sa harap ko

Saka ko lang napansin na may pagkain sa gilid ko tapos sabi niya si Lois daw nagdala kanina hindi ko naman napansin na dumating si Lois

Lois:
Seryoso hindi mo ako nakita na lumapit sayo?

Chantelle:
Halos manginig ka pa kanina hindi ka naman pala napansin

Clara:
Sinigawan mo si ry?

Temple:
Hindi ko siya kinausap kaya akala ko aalis rin

Pero nung mag aalas kuwatro na talagang naiiyak na ako-umiyak na pala may nag-abot sakin ng panyo saka tubig

Nandon pa pala siya, ang pangit ko pa naman umiyak baka labas pa uhog ko

Chantelle:
Hindi siya umalis simula ala una?

Nagskip ng klase?

Temple:
Wala naman daw siyang klase ng hapon

Clara:
Diba kasama mo siya sa intramuros?

Hinintay ka niya?

Temple:
Mag-aalas otso na ako natapos, hinintay niya ako hindi naman siya nagsalita

Nandon lang siya sa harap ko naghintay kahit na hindi ko naman pinapansin

Lois:
Gagong yon ganon pala galawan kaya andaming napaiyak

Temple:
Nakakahiya nga sa kaniya ako nagrant tungkol sa dami ng requirements habang umiiyak ako

Nagbreak down ako sa harap niya, he just let me cry

Tapos nung tumahan na ako dinala niya lahat ng gamit ko saka siya nagdrive pa intramuros

Para daw kumalma ako

Na effective naman, it was a moment of healing for me. Kanina parang gusto ko na lang sumabog at umiyak nang umiyak nang mas matagal pero kahit oras sa pag-iyak wala ako

Clara:
Paano ka pa aahon niyan kung ganiyan siya?

Girl hinintay ka niya ng almost eight hours

Lois:
Edi wag umahon, lunurin rin niya yung isa

Si temple pa

Chantelle:
Pikutin mo na

Temple:
Gago kayo

Sweet ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon