52

3.8K 106 40
                                    

Binaba ko yung phone ko at tinigilan na yung kakachat.

Kanina pa kasi palingon-lingon sakin 'tong katabi ko habang nagdadrive baka mabangga pa kami. Saka ko naman inabala ang sarili ko kunyari sa pag-inom ng frappe para hindi ako magsalita.

Simula pagpasok ko sa kotse niya hindi pa ako nagsasalita kaya siguro nagtataka siya. Ang awkward nga e, palingon-lingon lang siya kaya ako tahimik lang na nakatingin sa kalsada na tinatahak namin.

"Nagagandahan ka sakin?"
Iniharap ko ng kaunti ang ulo ko sa kaniya, kasi kanina pa siya tingin ng tingin.

"Oh I was just about to ask why are you not talking."

Pskskasdfgjkl kung alam lang niya kanina ko pa pinipigilan yung sarili ko na paulanan siya ng papuri, kung gano ko siya gustong amuyin saka kung gaano ko gustong hawakan yung buhok niya, mukhang anlambot.

Kung ganito kagwapo ba naman maghahatid sakin lagi bakit pa ako magmamadaling makarating sa uni?

Ang ganda ng ngiti haha, para akong lalagnatin.

"Patugtog ka nga." Sabi ko na lang para hindi masyadong tahimik, 15 mins kaya biyahe namin para na rin madistract ako.

"You don't want to..talk to me instead?"

"Patugtog ka nga kasi ang tahimik."

"Why? Pwede naman tayo mag-usap para hindi tahi-

"You heard me, put eraserheads."

"Okay, captain's order."
Itinaas niya ang kanang kamay bilang pagsuko, isa lang, kasi nagd-drive talaga siya.

Ilang saglit lang pumailanlang na ang 'alapaap' by e-heads.

Tignan mo susunod din kasi.

"Nginingiti-ngiti mo diyan?" I asked him but in a nice way.

"Wala, ang sungit mo ngayon."
Pero nakangiti pa rin siya, ang lakas ng trip sa lahat ng nasungitan ko siya yung nakangiti.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na kailangan mo nang maghahatid?"

"Hindi naman kita driver, buti nga andito na ako."

"Yeah if Gab didn't tell me, baka nalate ka pa."

"Ayoko nga mang-abala saka malay ko ba baka hindi naman tayo pareho ng oras ng klase."

"Hmm we have an assembly today, so sabay lahat. Saka abala? bakit ako ba abala sa'yo?"

"Hindi a, bat ka naman magiging abala?"

"See? Pano ka rin magiging abala sa'kin?"

"Oo na nga, andito na o kasama na nga kita sa sasakyan mo."
Sus kung alam mo lang, kung hindi lang kita lalayuan baka nagsawa ka na.

Ganto rin sakin sila Lois noon e.

Dahil wala na naman akong magawa, ayoko namang magphone baka pansinin na naman ni Rion kaya nagkalkal na lang ako ng gamit niya, he doesn't seem to mind.

Yung I.d niya yung pinakamalapit sa'kin nakapatong lang sa ibabaw ng bag niya kaya kinuha ko. Nakita ko pa ang pagtingin niya sa akin noong kinuha ko yung i.d sa rearview mirror.

Grabe kahit sa i.d picture ang gwapo pa rin hindi man lang nagpatawad. Bakit ako mukhang pagod na kambing kasi kakagaling lang namin sa math class last period pa nung kinuhaan ng id pic tapos pangit pa lighting. Bakit sa kaniya ang guwapo? Nakapahindi patas talaga.

November 26?

Sagittarius pa pala tong hinayupak na 'to nakakaloka

Help

Hindi. Okay lang yan temple aquarius ka wag kang panghinaan ng loob

"Anduga bakit ang guwapo mo dito sa id? Bakit ako mukhang pagod na kambing."

"Pagod na ano?" Bigla bigla na lang siyang tumawa ng malakas habang nagddrive.

Mas lalo tuloy akong sumimangot.

"Hindi nakakatulong yung pagtawa mo."

Patuloy pa rin siya sa pagtawa halos hampasin na nga niya yung manibela kasi parang mauubusan na siya ng hininga sa kakatawa, napahawak pa ng kanang kamay sa tiyan.

"Sige tawa lang, ako na happiness mo niyan."

"I'm sorry- I can't-" hindi pa niya natuloy yung sasabihin kasi tumawa nanaman siya, "bakit naman kasi kambing pa yung pinangdescribe mo and why do you look so sad while saying that?"

"Totoo naman kasi, para akong kambing na nightshift tapos hindi pa pinayagan makatulog sa umaga kasi may mga kailangan pang iararo. Ayan o tignan mo kaya 'yung eyebags ko dito."

Mas lalo pa siyang tumawa.

"Hindi ba kalabaw yung nag-aararo?"

"Ay binago na pala?"

Maya-maya natahimik nanaman kami kaya nakikinig na lang ako ng tugtog, naubos ko na din kasi yung iniinom ko.

"What time is your last period?"

"Ha? Wait tignan ko." Sabi ko na inangat na yung planner ko galing lang naman sa bulsa ng bag.

"You don't know?"

"Sinulat ko naman."

Kinuha niya sa isang kamay yung planner ko saka siya na yung tumingin.

"So you'll be out by 3. Prof mo rin pala si sir Hugh?"

"Ah oo? Ewan sino ba yon?"

"Si sir hugh? It says here H. De Leon."

"Ah baka nga."

"Hindi mo rin kilala mga prof mo?" Hindi makapaniwalang tanong pa niya at binalik sakin yung planner saka nagfocu sa pagmamaneho.

"Hindi niya rin naman ako kilala, quits lang kami."

"Wala ka ng gagawin after class?"

Napaisip ako don ng medyo medyo, sabi ko kasi lalayuan ko muna ito.

"Hindi ko sure? Baka mag-aya si Cali."

"Kung wala kang gagawin mamaya, sama ka sa'kin. Alis tayo, kasama naman si bobby, it's his idea."

Si bobby? Ay shit oo nga pala, nilalakad ako non.

Hala bobby pavoid!

"Sige tignan ko mamaya."

Lumingon siya sa gawi ko saka nginitian ako bago binalik ulit ang tingin sa pagmamaneho.

Why does he has to be this fucking adorable?!!

His phone rang tapos pagkakita niya bigla niyang pinatay.

"Sino iyon lods?"

"Vanessa." He said while his eyes' still on the road.

Sweet ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon