121

3.7K 82 9
                                    

|MAR 31|

Cali
9:45 AM

Cali:
Temple :<

Gusto kitang puntahan at damayan sa ngayon pero alam kong gusto mo munang mag-isa at iiyak yan

I want to go to you and hug you right now, but I know you want to cry your heart out for now

I'm sorry I read your messages late, pagkagising ko lang nabasa

Tomorrow can we go to you? Me, chantelle and stella, you won't be alone

Makikinig kami sa lahat ng sasabihin mo

You don't have to worry pol, hindi ka namin sesermonan kaya you can safely tell us anything

Hindi ko alam kung anong sasabihin sayo ngayon kasi hindi ko naman masasabi kung ano ba talaga yung tama at dapat na sabihin

At alam kong hindi advice ang kailangan mo

But what i know rn, you did the right choice of listening to urself

I love you, mahal ka namin, andaming nagmamahal sayo.

Hayaan mo pupunuin ka namin ng pagmamahal hanggang di mo namalayan na kaya mo na pala.

---•---
River
1:21 PM

River:
Ano gusto mo ba sugurin ko?

Sabihin mo kung sino tawagan ko na sila Avan para sa resbak

Temple:
Anong pinagsasabi mo?

River:
Iyakin

Akala mo ba hindi ko mapapansin, hindi ka lumabas maghapon ng kuwarto

Lumabas ka kanina dahil lang nandito si dad para sabay maglunch, namumugto pa yung mata mo

Buong araw ka nang umiiyak, anong problema

Temple:
Hindi ako umiiyak

River:

Alam lahat ng mga tao sa bahay, rinig na rinig namin yung iyak mo

Si daddy lang naman ang may hindi alam kasi wala siya dito lagi

Temple:
Sumbungero ka sige nga kung kaya mo

Mas marami akong alas kesa sayo

River:
Eh bat ka nga umiiyak?

Temple:
Wala nga

Okay na rin ako mamaya

River:
Basta pag nagbago isip mo kung may papabugbog ka sabihin mo sakin may kakilala akong taga frat

Temple:
Tarantado ka subukan mong magfrat River ako unang papatay sayo

River:
Kakilala nga hindi ako

Wala akong panahon dun

Dumaan akong store kanina sinabay ko na din bumili ng ice cream avocado flavor nasa freezer, kunin mo na lang kapag gusto mo ng kainin

Temple:
Geh kainin ko mamaya

River:
Tumigil ka na kakaiyak hindi bagay

Pangit ka na nga lalo ka pang pumapangit, lumalaki butas ng ilong mo

Kalimutan mo na yang iniiyakan mo

Ireto na lang kita sa kakilala ko

Temple:
Kakaltukan talaga kita

River:
Seryoso ate kumain ka ulit marami pang kinain si bruno kesa sayo kanina e

Temple:
Ginawa mo pa akong german shepherd

Sweet ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon