88

3.7K 86 26
                                    

"what do you want?"

"Kahit ano diyan basta wag heavy meal."

"Sige eto na lang nachos."

Kami ang magkatabi ni Kai, sa kabilang gilid niya ay si Cali

Maluwag kasi yung place, para siyang cottage na malaki or glorieta at may upuan sa tatlong sides tapos sa harapan videoke. Open siya saka may mga puno sa gilid ng glorieta.

Ang ganda lang kasi maliliit na lights yung nakapalibot samin. Ang ganda ng vibe.

We deserve this, afterall we finished a whole sem parang regalo na namin sa sarili namin.

5:20 na at kumpleto na kami

Mga nakapuwesto sa tapat ng videoke sila Alon, Frey, Alex saka Trev saka Akhil

Sa isang gilid sila Lois, Chantelle, Bobby, Ry saka Cielo

Tapos kami nila Kai, Cali at stella yung katapat nila

Hindi naman ganon kalalayo agwat namin, sakto lang para magkarinigan pag nag-uusap.

Kasalukuyang nilalabas nila Lois yung alak na inorder naka case kasi habang nag-oorder sila ng pulutan saka ng kakainin namin.

Itong si Cali, stella saka trevor ata balak kumain ng dinner dito puro heavy meal, ulam saka kanin inorder.

Palakad lakad pa yung iba para kumuha ng chips saka maglagay ng number sa videoke.

Sila Alon saka Chantelle pa lang ang nag-aagawan ng mic sigurado mamaya mag-aagawan na kami niyan pag nakainom na.

Habang umalis si Kai, Alex saka Stella para mag-order naghahanda pa rin sila lois sa lamesa.

Kanina pa ako lingon ng lingon sa mga shawarma sa labas ng cottage namin.

Nagulat na lang ako noong dumaan sa harap ko si Ry, binigay niya sakin yung binili niyang shawarma tapos binigyan na rin niya itong katabi kong si Cali.

Kahit nagtataka tinanggap na rin naman ni Cali yung inabot niya.

I mouthed 'thank you' on the other side of the cottage where he's seated, he just nodded in response bago nagbukas ng beer in can saka tulungan sila Lois at Cielo maglagay ng yelo sa mga inumin.

"Anong meron bakit binigyan tayo?" Tanong sa akin ni Cali at kumagat sa shawarma niya

"Ewan ko, napansin yata kanina pa ako tumitingin sa stall ng shawarma."

"Buti na lang ako katabi mo nalilibre rin ako sa pagkain."

"Sus sabihin mo lang kung anong gusto mong food ako bahala, kahit hindi na si Ry maglibre sayo. Ako na."

Nagliwanag naman ang mukha ng gaga, tuwang-tuwa sa sinabi ko.

"Talaga?"

"Oo kuha lang kita don sa kabilang cottage o kaya sabihan ko lang yung isa don ibibili ka non pustahan."

"Gago ka pol, wag mo nga akong kausapin."

Inirapan niya ako, nasa kabilang cottage lang kasi sila Sloan kasama mga pinsan niya sila Dova

Tinawanan ko na lang siya, tinalikuran na ako.

Ilang sandali lang, dumating na sila Kai kasama yung mga orders namin. Nagkuwentuhan na kami saka nag-usap.

Tapos ayon nag-iinuman lang dapat kaso naisipan naman nila Bobby na maglaro.

Yung laro namin para ring beer pong kaso wala kaming cups ngayon, sakto may mga parang maliliit naparang sticks na semento sa gilid ng upuan malapit sa ihawan.

Sweet ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon