40

3.9K 147 57
                                    

Bobby
9:34 AM

Temple:
Hoy gago ka kaninong duffel bag 'tong inabot mo sakin bakit bigla kang tumakbo?

Nangholdap ka ba? Kanino mo ninakaw 'to bakit dinamay mo pa ako?

Bobby:
HAHAHAHA

Kay Rion yan, ikaw magbitbit para mamaya pagtapos ng laban sure na sayo siya didiretso

You're welcome Temple

Temple:
Kay Rion pala baka kailangan niya

Pero thank you kahit nauna na yung you're welcome mo pagpalain ka anak

Babatiin dapat kita kanina bigla ka kasing tumakbo

Galingan niyo ha, wala akong kaibigang mahina sa bball, bano lang sa beer pong

Bobby:
Hindi mo talaga ako titigilan diyan ha

Pero salamat

---•---

Rion Isaac
9:35 AM

Temple:
Psst bb rion

Rion Isaac:
Hey, manonood ka?

Temple:
Siyempre duh

Walang manlalait sayo kapag pumalpak ka

Btw asan ka?

Rion Isaac:
Sa banyo

Nasa gym na blackhawks

Temple:
Hintayin mo ko sa labas ng banyo

Banyo sa gym diba?

Rion Isaac:
Bakit?

Nababanyo ka ba?

Temple:
Hindi sira

Nasakin bag mo tapos nakita ko rito tubig mo, ibibigay ko muna

Rion Isaac:
Pano napunta sayo?

Temple:
Inabot sakin ni Bobby naiwan mo daw sa bus

Rion Isaac:
Oh shit yea I forgot

Temple:
Pababy ka ha, may vitamins pa nga rito, di pa bawas sigurado nakalimutan mo rin inumin sumbong nga kita sa nanay mo

Rion Isaac:
I'll wait for you here

---•---

Bitbit ko ang duffel bag ni Rion na nagmamadaling hinahanap ang cr ng gym ng uni, nadaanan ko pa sila Chantelle na kakapasok lang pero nagpaalam akong ibibigay muna itong bag.

Pagkarating ko sa tapat ng cr sa gym natanaw ko kaagad si Rion, nakajersey na siya.

He's just standing near the bathroom's door, holding his phone handsomely.

Medyo napanganga pa ako, as in natulala ako kasi naman e.

NAKASPORTS HEADBAND!!

Mahina ako sa ganon, kung sa bagay medyo humahaba na rin kasi ang buhok niya.

Hindi tuloy maalis ang ngiti ko habang papalapit, noong hindi ko na matiis patakbo ko ng tinawid ang distansya namin para kaagad malapit sa kaniya

"You didn't have to run, mabuti hindi ka nadapa."

Nakangiti kong iniabot ang bag habang nakatitig sa kaniya. Hindi na ako masyadong nahihiya na harapin at tignan siya sa mukha, I got comfortable after our first lunch.

Lalo na ngayon.

Kinuha niya ang lalagyan ng tubig mula sa bag pagtapos ay inabot saglit sakin yung bag niya para makainom siya.

Mabilis ko namang kinuha yung vitamins na nandon at inabot sa kaniya.

"Inumin mo na, malapit na start ng game o."

"Hindi sakin yan."

"Ha?"

"Sa'yo yan, last time nung kumain tayo sabi mo nakalimutan mo dalhin vitamins mo kaya bumili tayo. Napadami binili ko kaya diyan na lang sa bag, para in case makalimutan mo ulit meron sakin."

Shet kaya pala pareho ng tatak ng vitamins ko. Mas lalo tuloy lumaki yung ngiti ko. Tangina kasing yan nakakakilig.

Iba yung atake lalo na mukha siyang bad boy sa itsura niya ngayon tapos bigla-bigla ang caring. Mahina lang ako okay?!

Kahit na sinabi niya yon tinanggap naman niya yung iniabot kong vitamin saka ininom.

I take those everyday, regularly. Hindi ko naman ganon kakailangan pero nasanay na kasi ako lalo na't low blood ako tas madalas mapuyat.

"Anong lasa?"

"Lasang pangbaby"

"Siyempre baby pa yung umiinom. Baby mo hahaha."

Kukunin niya sana ulit yung bag niya sakin pero nilayo ko sa kaniya. Yung tubig lang binigay ko.

"Mamaya ko na ibibigay sayo to, para pagtapos ng game sakin diretso mo hehe, hostage ko muna 'to."

Hindi naman siya nagreklamo at nginisian na lang ako.

"Malapit na magstart yung game, goodluck na! Hahanap pa ako ng mauupuan sa harap babye."

Bago tuluyang umalis para magtungo kila Cali ay humarap ulit ako sa kaniya.

"Galingan mo ha!"

"I will.."

Sweet ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon