125

3.8K 88 35
                                    

|JUL 29|

Keeno Arvin
4:38 PM

Temple:
Hoy bantot salamat sa paghatid

Keeno:
Last ko na hatid yan sawang-sawa na ako sa mukha mo

Temple:
Ah kaya pala crush mo ako

Keeno:
Sinong nagsabing crush kita?

Temple:
Kakaamin mo lang kanina sakin?!

Keeno:
Di ko sinabing crush kita

Sabi ko gusto, magkaiba yon

Temple:
Pero keeno tangina mo totoo ba yan o nagjojoke ka lang talaga?

Keeno:
Anong makukuha ko kung magsisinungaling ako?

Temple:
Huy hindi joke time?

Kelan pa?

Keeno:
I'm not sure when this started

Basta nagsimula ata nong hindi mo na ako gusto

Temple:
Ang lakas naman, sure ka na nagustuhan kita?

Keeno:
Bakit hindi ba?

Temple:
Hehe

Bakit kasi ngayon mo lang yan naramdaman?!

Ngayon mo lang din sinabi sakin

Keeno:
Kasalanan ko bang naisip kong hindi kita magugustuhan non

Ngayon ko inamin para wala kaagad tayong pag-asa

I know you like someone else right now, we're better as friends temple

Mas gusto kong kaibigan lang tayo kaya ko ngayon inamin, kasi alam kong wala akong pag-asa

Don't you think it's better this way?

Temple:
Hayyyyy

Pero hindi ka ba maiilang sakin?

Hindi mo ko iiwasan ganon kasi baka lumala you know or masaktan ka

Keeno:
Masyado ka naman na atang bilib at gandang-ganda sa sarili mo

Bakit kita iiwasan?

Temple:
Talaga? Promise yan a

Pero gago nakakaguilty pala tong ganito

Di ko yata keri

Keeno:
Ayos lang yan

Ako nga dati hindi naman ako naguilty nung hindi kita pinansin kahit alam kong gusto mo ako non

Temple:
Putangina mo ang pangit ng ugali mo!

Keeno:
Just kidding

Bakit ka ba nagiguilty? Don't be

I like you just the way you liked me before

Isipin mo na lang na I like you but not enough to make me act on it

Temple:
Bakit ang bait mo ngayon?

Nakakatakot baka bigla kang kunin ni lord ingat ka

Keeno:
Ikaw mag-ingat

Madaming inaatake ngayon lalo na yung laging nakataas yung kilay saka nakabusangot

Ingat ka tanga ka pa naman

Temple:
Ganyan ka ba makitungo sa mga babaeng gusto mo?

Keeno:
Kaya ayokong umamin sayo

Lumalaki yung ulo

Sweet ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon