107 |Feb 05|

3.6K 86 37
                                    

|FEB 05|

Rion Isaac
10:35 AM

Temple:
Hiii

Pupunta ako kila Nanay ngayon sama ka?

Rion Isaac:
Oh biyernes nga pala ngayon

Okay

Sunduin na lang kita?

Temple:
Okayyyy see u

Rion Isaac:
See you

1:37 PM

Rion Isaac:
Temple?

I'm sorry I can't come today

May pinasuyo kasi sa akin si Van

Kailangan ko samahan mommy niya sa check up

Wala kasing ibang sasama her parents are separated and her mom's condition is not okay

Van too

Is it okay with you? If not I can say no

Sunod ako?

Temple:
Mommy ni Vanessa?

Sige baka she needs you talaga

Rion Isaac:
Oo pasensya na biglaan

Pero susunod ako as soon as i can

Temple:
No need tho

Rion Isaac:
Sorry

---•---

Team Bulalo
1:49 PM

Temple:
Hii nasan kayo?

Clara:
Practice lang

Chantelle:
Uni pa

Stella:
May klase pa ako shet

Lois:
Umuwi ako samin bakit pol?

Temple:
Ah wala hehe

Trip ko lang magtanong

Chantelle:
Baliw

Nag aadik ka?

---•---

Keeno Arvin
1:50 PM

Temple:
Psst

Keeno

Keeno:
Wala akong mapapautang sayo

Temple:
Hindi naman ako mangungutang!

Keeno:
Oh ano?

Temple:
Busy ka? Puntahan mo naman ako sa bahay hatid mo ako sa elderly

Keeno:
Yung kotse niyo?

Temple:
Ginamit ni River

Sunduin mo na ako, magkocommute sana ako kaso marami akong bitbit

Keeno:
Gano karami?

Temple:
Limang malalaking plastic bags, pagkain nila nanay

Kahit ako na magdrive, kailangan ko lang talaga ng kotse

Keeno:
Hindi mo idadrive kotse ko, ayoko pang mamatay

Ako na lang, maghintay ka diyan

Temple:
Grabe ka naman parang ibabangga ko naman kotse mo

Keeno:
Hindi malayo

Nabangga tayo last time na hinayaan kita magdrive, nastuck pa sa kanal yung gulong

Temple:
Oo na, hindi naman na nga ako magrereklamo

Keeno:
Daan akong starbucks?

Temple:
Sunduin mo muna ako sabay na tayo mag-order

Kahit na hatid mo lang ako ngayon mamasahe na lang ako pauwi

Keeno:
Mamamasahe ka? Para makarating ka ulit ng antipolo?

Wag na, ako na maghatid pauwi

Temple:
Weee thank you

Sige sasabihin ko kay tita bumait ka ng plus 2

Keeno:
I'll drive na

Temple:
Okay boss ingat

---•---
Bobby
8:03 PM

Rion Isaac:
Bobby

I fucked up

Bobby:
Eto nanaman ba yung sinasabi mo kanina?

Kahit ako bro naguguluhan sa sitwasyon mo

Rion Isaac:
She didn't say anything again

She says she understands

She always says she's okay with it

Bobby:
Doesn't mean she's fine with it

Just okay and fine are two different things

Temple may say she's okay with it pero hindi ibig sabihin hindi mo na siya iintindihin

Rion Isaac:
I know and I understand

I somehow told her about my situation kay Van nong birthday ko

Pero hindi ako napapanatag

Bobby:
Nasan ka na?

Rion Isaac:
Hospital pa rin

Bobby:
Bakit pa rin?

Where's van?

Rion Isaac:
She had her panic attack

Hindi ko na alam gagawin ko

Bobby started to call
0:02

Call ended 2:09

Bobby:
Gago bat umiiyak

Tanga di ko alam sasabihin ko sayo

Hoy

Wag ka magpaawa sakin

Sweet ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon