chapter 21

36.4K 715 123
                                    

        A/N:  dedicated pala kela "Alyssa2Phenom" "MekJimenez18" "bluerhythm132" "huggybear22" sa twitter!

Nagising ako na ang bigat bigat ng pakiramdam.

I wish last night was just a bad dream.

Bumangon na ako at nagtungo ng shower.

Its 6 am in the morning. Automatic na akong nagigising sa ganitong oras. Body clock.

Pagkatapos maligo ay nag ayos na ako ng sarili, pero hindi maikakaila ang mugtong mata ko dala ng pag iyak.

Paglabas ko ng kwarto ay walang Alyssa na sumalubong sakin, walang luto niya ang naghihintay sakin sa labas ng kwarto ko.

It wasn’t a bad dream.

Kahit alam kong hindi panaginip yun, im still hoping na hindi totoo ang mga nangyayari.

Napaiyak nanaman ako.

I checked my phone. There were Misscalls, text messages. I scan all of them, wishing na kahit isa lang sakanila, may pangalan ni Alyssa.

Pero wala.

Galing lang sa mga kaibigan ko. sa mga kaibigan ni Alyssa. Sa parents ko. even that fudger L.A had the guts to call.

Hindi ko sinagot ang text messages nila. I never returned any of their calls.

Since wala naman ako sa sarili at ayokong lumabas, nag stay ako sa unit namin ni Alyssa. I turned off my phone. Ayoko ng istorbo. Ayoko ng awa nila. I want answers.

I know for a fact na hindi ako ang nag fule ng divorce papers.

Maybe Aly? Pero why would she kung hindi naman totoo ang kasal? She could just say it to my face and leave.

Pero hindi, she signed those papers. Prepared my dream date and set me up with LA. whom she thinks im still in love with.

So who? Who filed those Divorce Papers?

Pumunta ako sa kwarto ni Alyssa, at umupo sa kama niya. trying so hard to think kung nasaan na siya ngayon, kung anong ginagawa niya. kung sino nga ba ang puno’t-dulo ng lahat ng ito.

Wala sa sariling tumayo ako at binuksan ang cabinet niya.

Napaluha nanaman ako sa nakita ko.

Punong puno yung cabinet niya ng stolen pictures ko. may iba na hindi pa kami kasal.

Yung iba kuha sa paborito kong restaurant. Tumatawa ako sa ibang kuha, yung iba naman nakangiti lang ako, looking at someone pero hindi siya kasama sa litrato. It was too obvious na ako lang ang talagang gustong kuhanan.

Yung iba naman, kasal na kami, may stolen pictures ulit ako noong nag subic kami, may kuha din na nagshoshopping ako, ito siguro yung mga time na pinagbubuhat ko siya ng madami at talagang tinatagalan ko ang pamimili para magalit siya sakin.

Pero kaya pala hindi dahil busy siya kumuha ng mga litrato ko ng patago.

Pero ang pinakamalaki sa mga litratong yun, ay yung kopya noong kinasal kami.

Kinasal nga ba tayo?

Napailing ako ng maalala nanaman ang pekeng kasal na yan.

Kaya sinara ko na lang ang cabinet niya.

Lumabas ako ng kwarto ni Aly at nagtungo sa may kitchen.

Hindi naman ako marunong magluto. Kaya binuksan ko na lang ang ref at naglabas ng gatas. Kakain na lang ako ng cereal.

A Thousand MatchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon