chapter 23

37.7K 804 130
                                    

January 21

Dad! Mom! Mauuna na po sa Dennise' Haven, sunod  po kayo ha? Sigaw ni Alyssa sa mga magulang na nasa kitchen nila at kumakain habang siya ay palabas na ng bahay.

Alyssa, honey, relax ka lang, susunod kami ng Daddy mo doon. Tawagan mo na din ang mga kuya mo para sumunod na lang din!  Paalala ng Mommy niya sakanya.

Will do Mom! See you po mamaya! Bye Dad! Sigaw nito muli at tuluyan nan gang lumabas ng bahay.

Nakangiting sumakay si Alyssa sa sasakyan niya at inistart na ito. excited siya sa pagbubukas ng Foundation na pinaghirapan niyang itayo. At pati na din ang bahay na pinagawa niya na para sana sakanila ni Dennise pero hindi na nga sila umabot pa doon.

After ng blessing ng foundation ay yung bahay naman niya ang ipapabless niya. pero dahil sa ayaw din niyang malaman ng media kung saan siya nakatira ay close friends at ang family lang niya ang makakasama niya.

While on her way sa Foundation/Orphanage ay biglang tumunog ang cellphone ni Alyssa.

Yung Reminders pala niya.

Dennise' Birthday!!!

Napangiti siya ng malungkot. Pagkagising palang naman niya, alam na niyang birthday ni Dennise. hindi naman niya makakalimutan yun eh.

Isa sa mga dahilan kung bakit rush yung paggawa ng bahay ay dapat ito sana ang birthday gift niya kay Dennise. para naman hindi habang buhay ay nakatira sila sa isang condo unit.

Pangalawa yung Foundation. It was also named after her. 2nd gift niya kay Den.

Hindi naman niya tinatanggi na mahal pa niya si Dennise. pero nasa process na siya ng pagtanggap na hindi siya ang mahal nito.

She's happy! Yun ang importante.

Yun ang pinanghahawakan niya kaya nakakayanan niya yung sakit na dulot ng paghihiwalay nila.

Pagdating niya sa Dennise' Haven ay may mga bisita na mula sa kompanya nila ang nandoon.

Pero kahapon pa nakalipat yung mga bata na aalagaan nila, pati na din yung mga caretaker at ang ibang mamamahala sa Orphanage/Foundation. Siya pa din ang Presidente nun pero dahil hindi nga niya kakayanin na ihandle mag isa ng sabay sabay ay kumuha siya ng mapagkakatiwalaang mga tao.

Pagsapit ng 9am ay nagsimula na ang Blessing para sa Foundation. Syempre may cutting of the ribbon pa, at lahat ay inikot nila para mabless yung orphanage.

Pagkatapos ng blessing ay kanya kanya ng libot ang mga bisita ni Alyssa at syempre dahil nga isa sila sa mga pinakamayaman sa bansa ay madaming caterer silang hinire para ma accommodate ang tao.

May mga waiters/waitress pa na naglilibot na may hawak na mga tray na naglalaman ng pagkain at wines.

Syempre may Mcdo at Jollibee para sa mga bata. Kumpleto pa sa mascot.

Hindi halata na pinaggastusan ni Alyssa ang lahat. hahahaha!

Andyan din ang mga kaibigan niya syempre. Ang supportive friends niya na sina A, Maddie, Bea Del, Robi, Rex, Marge at Gretchen. Mula noong New Year ay naging part nadin ng barkada nila si Beadel. Dati pa naman na nilang kaibigan pero ngayon ay kasama na sa grupo nila. naging buntot kasi ito ni Maddie. Sa pagkakaalam niya, nanliligaw itong si Beadel sa baby ng barkada.

Nasa may Garden si Alyssa ngayon at nakikipagkwentuhan sa mga maliliit na bata na tutulungan nila. pinapalibutan siya ng mga bata at yung iba ay nakikipagaway pa sa kung sino ang bubuhatin o kakalungin ni Alyssa.

A Thousand MatchesWhere stories live. Discover now