chapter 15

39.4K 677 77
                                    

I Kissed her. She kissed back. How right the world was then.

Nagising akong may ngiti sa aking mga labi. Last night was surreal. Feeling ko may last night kiss syndrome pa din ako, hanggang ngayon ramdam ko pa din ang mga labi ni Dennise na sinasagot ang mga halik ko.

Biglang naramdaman ko naman ang paggalaw ng aking katabi.

Tinignan ko si Dennise na mas lalong sumiksik sa pagkakayakap sakin. nakapikit pa din ito. nakaunan ito sa aking braso, at sa kanyang ginawa ay hinigpitan ko din ang yakap ko sakanya.

Tumingin ako sa orasan sa gilid ng kama, 6am pa lang naman. Naunahan ko pa ang alarm clock sa paggising.

Dahil siguro sa ang gaan gaan ng pakiramdam ko.

No. walang nangyari samin ni Dennise kagabi. As much as I wanted, kailangan kong magpigil. Ayoko siyang pwersahin sa bagay na yun.

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sakin ni Dennise para makapag shower  na pero pagkatanggal ko ng kamay niya ay binbalik naman niya ito at yumakap pa lalo sakin.

Hmmmm. Saan ka pupunta? Stay here.

Napatingin naman ako sakanya, nakapikit pa din ito.

Babe, nagising ba kita? Im sorry.. shower lang muna ako.

Malambing na sabi ko sakanya at hinalikan pa ang ulo nito.

Anong oras na ba at atat na atat kana maligo?

Parang naasar na siya at minulat nito ang kanyang mga mata.

Eh. 6:15 palang naman babe, tsaka, shower lang ako, mag jojogging lang sana ako. kakamot kamot pa ako sa ulo ko na sumasagot sakanya.

Four times a week ako mag jogging. Syempre hindi naman kasi alam ni Dennise yun. tapos masarap mag jogging sa beach. Sand yung tatapakan eh, mas may thrill.

Fine! Sabi nito at kumalas na nga ng yakap sakin tapos tinalikuran pa ako.

Napakamot nanaman ako sa batok. Aish! Bilis naman magtampo nito sakin. wala pa nga ako ginagawa eh. hayyyy. Oo na oo na. wala ng magjojogging. Di ko naman matitiis tong isang to eh.

Kaya naman niyakap ko na lang ulit siya mula sa kanyang likod.

Humarap naman ito sakin. salubong nanaman ang kilay, ang aga aga palang.

Babe, yang kilay mo. Ang aga aga pa lang, salubong nanaman. Nakangiting sabi ko sakanya.

Akala ko ba mag jojogging ka? bat nandito ka pa din? Sagot nito sakin.

Niyakap ko naman siya palapit sakin kaya nakasubsob siya ngayon sa may leeg ko.

Hmm. Mas gusto ko dito sa tabi mo. Lets try to get some more sleep. Baba na tayo by 8am. Sabi ko sakanya at hinagod hagod ko pa ang likod niya para mas lalo siyang antukin.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin. kaya komportableng pinikit ko na ang aking mga mata..

---------

Kung makatitig ka sa asawa mo parang mawawala. Relax ka lang. haha! biglang sabi ni Gretchen at tumabi pa sakin.

Nakaupo lang ako dito sa may sand. Pinapanood sila Dennise at mga kaibigan niya na masayang nagswiswimming sa may beach. Hindi ko napansin na titig na titig na pala ako sa kanya.

A Thousand MatchesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt