chapter 16

44.9K 815 214
                                    

Nakapikit ang mga mata ko dahil sa sobrang kalasingan pero ramdam ko ang nangyayari sa paligid. Ramdam ko na hawak hawak ako ni Denden sa bewang, alam kong nahihirapan siya pero hindi ko alam kung bakit ayaw niya magpatulong na dalhin ako sa kwarto. Gustuhin mo mang ayusin ang lakad ko at dumilat ay hindi ko na magawa sa sobrang kalasingan.

Next time, wag kang iinom ng hindi mo kaya, at lalong hinding hindi ka iinom ng hindi mo ako kasama, mamaya ano nanaman ipagawa sayo ng mga loko loko mong kaibigan.

Naririnig kong sabi ni Denden habang pinapahiga niya ako.

Ramdam kong pinupunasan niya ang mukha ko ng basang bimpo. Pati na din ang buong katawan ko. ramdam ko ang pagpalit niya ng damit ko.

Hindi ko namalayan kung kelan ako nakatulog.

I love you Alyssa Valdez. rinig kong sabi niya.

Naramdaman kong may tumulo na luha sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung panaginip yun o totoo dahil sa sobrang kalasingan. Kung panaginip man yun, please naman, wag niyo na akong gisingin.

---------

Argh! Ang sakit ng ulo!... daing ko pagkagising ko kinabukasan. Grabe, parang pinupukpok ng sampung martilyo.

Hmmmm. Rinig kong ungol ng katabi ko.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko.

Nakita kong mahimbing na natutulog si Denden. nakayakap ulit siya sakin tulad kahapon. inikot ko ang paningin ko sa kwarto. At dahil sa ginawa ko ay lalo pa akong nahilo.

Automatic na napahawak ako sa ulo ko.

Shit. Im never drinking again! Sigaw ko sa isipan ko.

But then.... I remembered what Dennise did.

Binabawi ko na. bigyan niyo na ako ng isang truck na tequila!

Masakit man ang ulo ko ay napangiti ako ng maalala ang ginawa ni Dennise.

Damn! Ang sarap humalik ni Dennise! isa din yata yun sa dahilan kung bakit lasing na lasing ako.

Hindi ko tuloy alam kung maaasar ba ako kay Intal dahil sa sobrang sakit ng ulo ko ngayon, o matutuwa dahil sa hinalikan ako ni Dennise sa harap nila kagabi. Not just kiss. Full make out!

It just so happened na after ng halikan namin ay hindi ko na kinaya ang kalasingan ko.

Pinilit kong tumayo para magtimpla ng kape. Since may brewer naman dito sa hotel room namin. dahan dahan kong tinanggal ang kamay ni Dennise na nakayakap sakin at nilagyan ng unan ang pwesto ko para yun ang yakapin niya.

Nag brew muna ako ng brewed coffee bago pumunta ng bathroom para magshower.

Paglabas ko ay mahimbing pa din ang tulog ni Dennise.

Nagbihis na ako, shorts at shirt lang. kumuha na din ako ng coffee bago lumabas sa may balcony, umupo ako sa silya doon at tinanaw ang magandang tanawin habang humihigop ng kape.

3rd day na namin ngayon. Last day na ng vacation. Last day na ng pakiusap ko kay Dennise. napabuntong hininga nanaman ako sa naisip.

Sa ginawa ko, mas lalo akong nahulog sa kanya. kung mahal ko siya noon, ngayon sobra na sa sobra ang pagmamahal ko sakanya. tama nga ba na yun ang hiling ko kay Denden?

Kakayanin ko pa bang pakawalan siya?

Kakayanin ko bang mabuhay ng wala siya sa tabi ko? sa piling ko?

A Thousand MatchesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin