chapter 27

40.7K 783 114
                                    

Ouch! Aray aray!! Awwww!

Daing ni Dennise pag natatalsikan mantika habang pilit na nagluluto ng breakfast.

Simpleng bacon at egg ang nakasalang, tapos may wheat bread sa toaster.

Pero nga dahil sa hindi naman siya mahilig magluto ay sinusubukan niya. gusto niyang makabawi kay Alyssa at gusto niyang iprove na mahal niya talaga ito. no buts. no What ifs.

Pero dahil sa ingay niya ay nagising ang magulang.

Dennise? what the hell are you doing at this hour? Its 5am! And why are you cooking? You never cook! Hindi ka naman marunong sa kusina, and gods, anak! What happened to your arm? Agad agad na litanya ng mommy ni Den dahil nagising siya sa hiyaw ng anak at nagulat pa pagkakita dahil nagluluto ito which she never did in her entire life until now.

Kinuha ng mommy niya yung kamay ni Den na namumula yung ibang parte dahil sa pagkakatalsik ng mantika. agad agad din naman siyang kumuha ng ointment sa may cabinet nila sa may kitchen

Mommy... mahinang sabi niya at mangiyak ngiyak na.

Oh? Masyado bang mahapdi at napaiyak ka dyan? Medyo natawa ang Mommy niya dahil habang pinapahiran ng ointment ang kamay niya.

Umiling si Den. No Mom. It's just that. hindi pala ganun kadali magluto. Mahinang sabi ni Dennise sa Mommy niya.

at first hindi madali, pwede mo namang matutunan-

Mom. Den said as she cuts what her Mom was about say.

Naalala ko dati, pinagluto ako ni Alyssa, halos sunog yung luto niya pero still edible, she made an effort to cook for me, pero what did I do? I insulted her and walk away. Den couldnt contain her tears anymore that they started to flow.

Ssshhhh. Its all in the past. Tama na, eto ill teach you how to cook, okay? pag aalo ng Mommy Arlene niya sakanya.

Tinuruan naman ni Mommy Arlene si Den magluto ng simpleng breakfast. Yung pagprito ng bacon na dapat low lang yung apoy sa gas para pag uminit yung mantika at hindi siya matalsikan.

Here baby, use Teflon to cook eggs, and instead of using oil, use butter. What will you cook? Scrambled eggs? Her mom asked and Den nods. Okay, scrambled. Get 2 eggs and batter it. mag add ka ng 2 tablespoons of milk. And Den did just what her mom told her so.

6:30am na ng matapos ang cooking session ni Den at ni Mommy Arlene.

After packing what she cooked. Dali daling naligo si Dennise. its Sunday and she want to spend the day with Alyssa.

What she had in mind is a breakfast in bed surprise for her.

After dressing up, sumakay na sa sasakyan niya si Dennise, dala dala yung breakfast na niluto for Alyssa, nakalagay sa isang lunch box. she wore a long sleeve jacket para matakpan din yung mga talsik niya sa kamay.

When she arrived at the Valdez residence, nag doorbell si Dennise, kinakabahan at excited.

It was Aly's Dad who opened na gate at parang palabas din ito kasi naka pang jogging!

Dennise!! halatang gulat ito ng makita siya. What are you doing here anak? Gulat na tanong pa din nito sakanya.

Ah eh, si Alyssa po? Nahihiyang tanong ni Den dito.

She didn't know what call him even!

Oh. Si Alyssa? Mapanuksong tanong nito sakanya. she didn't tell you she doesn't live here anymore? Dugtong niya pa. Kumunot ang noo niya sa narinig at na disappoint.

A Thousand MatchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon