chapter 5

29.8K 541 58
                                    

Good Morning my lovely Dennise! Here’s your breakfast! Kumain ka madami ha? I love you!”

-          Ly

Yan ang note na bumungad sakin pagbukas ko ng pinto ng kwarto. I looked around, wala na si Ly, siguro pumasok na yun sa office niya. halos mag 1 month ng ganito. I don’t know how pero habang tumatagal, hindi na sunog ang mga luto si Alyssa.  Pero never ko pa inubos ang mga niluluto niya  sakin. Ayoko magbigay ng false hopes sakanya. kasi hanggang ngayon, galit at suklam pa din ang nararamdaman ko sa pagpilit niyang pagpapakasal namin, na kailangang iwan ko ang mahal ko na si LA.

Tinikman ko ang luto ni Aly at nagulat ako kasi sobrang sarap niya. saan kaya siya natuto magluto? Baka naman sa mga babae niya. napaismid ako sa naisip ko. akala niya makukuha niya ako sa pagluluto niya? HA! Dyan siya nagkakamali. Nilukot ko ang papel na ginawa niya at tinapon sa plato na halos hindi nagalaw at kinuha na ang bag ko at pumasok na sa office.

----

Maaga ako gumising para ipagluto si Denden. 1 month na kaming kasal ngayon kaya naman espesyal ang niluto ko para kay Den. lingid sa kaalaman ng lahat at pagkatapos ng office ko ay umaattend ako ng private cooking class para matuto magluto. Para naman hindi sunog ang ipapakain ko sa asawa ko, napapansin ko naman na hindi niya inuubos ang niluluto ko, baka nga hindi masarap. Pero di ako susuko. unti unti kong kukunin ang loob niya. hindi naman ako nagmamadali. Sooner or later, matututunan naman sana akong mahalin ni Dennise. Lahat gagawin ko para maipakita na seryoso ako sa kanya at mahal ko talaga siya. after ko nagluto ay iniwan ko ang cart sa tapat ng kwarto niya. at may ngiti sa labing umalis ng bahay, magpapareserve pa ako sa isang restaurant para naman makapag dinner kami ni Den for the first time na magkasama naman kami kumain at para pa icelebrate ang 1st month namin.

Good Morning! Clear my schedule today. Cancel all meetings and reschedule them instead.  Sabi ko sa secretary ko.

Yes Ma’am! Sagot niya sakin. At pumasok na ako sa opisina ko.

pagkaupo ko ay tinawagan ko si A.

hello A?

oh Alyssa bakit?

may alam ka bang restaurant na may rooftop? Ipapareserve ko sana yung place for tonight’s dinner. Tsaka kung pwede maghanda sila ng mga best sellers nila. lahat. in a buffet manner? Tapos closed doors. No one will know kung sino ang gagamit. Para hindi lumabas sa press yung tungkol sa amin ni Dennise. Today’s our 1st month as a married couple so I want it to be special. Ano meron ba? Tsaka gusto ko pag dumating kami dun, walang crew o employee na makakita samin.

Well, may kaibigan ako na may ari ng isang fine dining restaurant. I could ask her a favour. I’ll call you back. Tatanungin ko lang kung mamimeet ba nila ang mga demands mo. Hahahaha.

Thank you A! hahaha. Alam mo naman kasi ang media. Mainit sila sakin. Anyway tuloy ba this weekend yung racing? Sasali ako.

Oo naman. Tuloy yun. Pagusapan natin bukas. Sige na, tatawagan ko muna yung kaibigan ko. uraurada ka mag demand pwede mo naman sabihin sakin kahapon para mas maaga mapagplanuhan. Hindi yung ngayon tas mamayang gabi ni yung date niyo. Sandali pala, kumusta na kayo ni Den?

Well, ganun pa din. Pero im not giving up. Aalisin ko sa puso niya yung LA na yun at papalitan ko siya. I love her A. I really do. Hindi ko naman ineexpect na agad agad.

Okay. ang drama mo bigla. Sige na. bye.

Bye.

Pagkababa ko ng phone ay tinawagan ko naman si Daddy.

A Thousand MatchesWhere stories live. Discover now