chapter 9

34.9K 606 62
                                    

A/N: here's an update. sorry natagalan.. sana ma enjoy niyo. haha!

dedicated pala ito sa anak ko, Owiee_13. sorry hindi na ako nakareply kanina. busy kasi ako kanina kaya di ko napagtuunan ng pansin ang phone ko. :D

so here it is.. thank you sa unending support niyo sa dalawang stories ko. :D

OH AND LOOK AT THE MEDIA YOU GUYS! THEY LOOK GOOD TOGETHER! RIGHT? :D

-----------------------------------------

Naglalakad lakad kami ngayon dito sa mga souvernir shops ng resort. Kasama ko sila Maddie, Bea and Amy. Nasa likod lang naman namin si A at Alyssa na busy sa pagkwekwentuhan. Nakasunod lang sila.

Ang kukulit ng mga kasama ko, and yes, alam na nila ang tungkol sa amin ni Alyssa. Hinila ba naman ako agad kahapon pagkarating namin dito at sapilitang pinagkwento ako, hindi ko naman sinabi lahat, at hindi ko maintindihan ko bakit hindi ko sinabi na pinilit lang niya ako. hindi ko alam pero may small part sa utak ko ang nagsasabi not to ruin Alyssa's image to them. Si Maddie naman, ngiting ngiti lang sa tabi nila, yung ngiting nagsasabing "I know everything" pero hindi nakakainis kundi nakakailang.

Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi. Yung halik. Wala sa sariling nahaplos ko ang aking labi. Maya maya pa ay napailing ako. no hindi ako pwedeng magpadala sa aking emosyon. Halik lang yun. siguro nanibago lang ako kasi sa pagsasama namin mula noong gabing lasing ako after ng kasal, kagabi lang ulit naglapat ang labi namin.

Flashback....

Napapikit ako ng maramdaman ko ang malalambot na labi ni Alyssa sa aking labi. At alam kong nakapikit din siya. ni hindi kami gumagalaw na dalawa. parang ninanamnam ang sandaling iyon.

Ng makakuha ako ng lakas ay humiwalay ako. nakita kong ngumiti si Alyssa pero nakapikit pa din. I secretly smiled when I realized how beautiful she is at that moment.

Ly, balik na tayo sa loob. Nilalamig na ako. sabi ko sakanya.

Binuksan na niya ang kanyang mga mata at ngumiti sakin.

I was taken aback when her smile made my heart skip a beat.

Nauna siyang bumaba sakin inabot nanaman niya ang kamay niya sakin, kinuha ko naman ito at inalalayan akong makababa.

Pansin kong parang may gusto siyang sabihin. Tingin kasi ng tingin sakin habang naglalakad kami at hindi na nito pinakawalan ang kamay ko. hawak hawak pa din niya.

Speak up. Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin.

Nagulat pa siya sa biglaang pagsasalita ko. napangiti ako ng konti. Knowing that I make her nervous. The great Alyssa Valdez, flinches because of me. hahaha.

Ha? Ahhh. Hmm. Kasi. Den, ano, I-I just. Utal utal na sabi niya pero hindi nakatingin sakin. Nakayuko lang, at tumigil kami sa paglalakad..

Napangiti nanaman ako. ngayon ko lang nakitang kabahan siya. pero syempre hindi ko pinakita na ngumiti ako. okay calm yourself Den. si Alyssa lang yan. Sabi ko sarili ko.

Ano? May sasabihin ka ba? kung wala balik na tayo sa villa. Sabi ko ulit sakanya.

Nakita ko siyang nagpakawala ng buntong hininga.

Den, sabi nito at tumingin sakin, kinuha pa niya ulit ang isang kamay ko at hinawakan ito. Mahal kita, walang halong biro. Seryoso ako. mahal kita, higit pa sa inaakala mo. Let me show you something. Sabi ni Aly at hinila ako papunta ng villa. Tumigil ito sa hallway kung nasan ang mga kwarto. Parang hindi alam ang gagawin.

A Thousand MatchesWhere stories live. Discover now