CHAPTER 12

53 9 110
                                    

FEA'S POV



Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakita akong river, paikot ikot na ako sa riverside pero wala akong makitang abandoned house.



"What abandoned house is that Samantha talking about?" wala sa sariling turan ko. Ilang beses pa akong paikot ikot hanggang sa may isang bagay akong napagtanto.



It's so dark around and I can barely see anything. I started to feel 'takot' as I moved my head on different direction.



'How did I even came here??!!! Pano nangyaring hindi ko napansin ang ginagawa ko??!! Panu nangyaring napunta ako dito ng hindi man lang nakaramdam ng takot sa layo ng nilakad ko at sa dilim ng paligid ngayon?'



I have a freakin' Nyctophobia and I had it so bad na minsan ay nahihimatay ako. I always get so paranoid everytime na nasa madilim akong lugar. Laging pumapasok sa isip ko ang mga pwedeng mangyari o mga pwedeng lumabas tuwing nasa gitna ako ng dilim.



At nagsisimula na nga, nagsisimula nang maglayag ang isip ko. Nagsisimula narin akong panikipan ng dibdib. Nagsisimula naring umikli ang pagitan ng mga hininga ko.



Mas tumindi pa ang takot ko nang wala sa sariling nailingon ko ulit ang ulo ko at kasabay nun ay ang kaluskos ng mga dahon ng puno sa paligid ko.



Sinubukan kong kapain ang bulsa ko dahil alam kong dala ko ang inhaler ko pero bigo ako dahil walang lakas ang mga kamay kong gawin yun. Inaatake na ako ng asthma kaya mas tumindi ang takot ko.




Nagsimula nang tumulo ang luha ko dahil wala na akong magawa. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero hindi ko kaya.



'This is what my mom means when she said sobra kong sakitin'




Nawalan na ako ng pag asa dahil nararamdaman ko na ang panghihina ng katawan ko. Unti unti akong napaupo habang sapo parin ang dibdib at humihingi ng suporta sa katawan ng puno sa harap ko. Naupo na ako sa damuhan habang nakasandal sa puno. Tumingala ako sa langit at ipinikit ang mga mata ko and started a prayer. Ayoko pang mamatay, I still wanna live.


'Please...please.....save me....'



AKI'S POV

Wala akong ibang nagawa kundi ang sumandal sa pinto at umiyak nalang ng umiyak. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas dito at mapigilan si Samantha sa gagawin niya kay Fea.



'Fea please.... Wag kang magpapabilog sa kaniya. Wag mong hahayaang pagtripan ka niya.'



Napatayo ako bigla nang may kumalabog ng pinto mula sa labas. "Excuse me, may tao ba dito?" agad akong nabuhayan nang marinig ko yun.





"Oo, please tulungan mo akong makalabas." natutuwa man ay paiyak ko yung sinabi.




"Aki, jusko anong ginagawa mo dyan?" mas nabuhayan ang loob ko nang mapagtantong si Kief ang nasa labas.




"Kief, get me out of here." puno ng pagsusumamong sabi ko kay Kief.



"Double lock...." dinig kong sabi niya na tila nag iisip.




"Lumayo ka sa pinto, susubukan kong sipain." agad ko siyang sinunod. Kitang kita ko ang pagyuko ng pinto sa bawat sipa niya.
Maya maya pa ay tuluyan na itong bumigay. Agad akong lumabas at kumapit sa bisig niya at dun sandaling umiyak, hinahagod naman nito ang likod ko. Nang mahimasmasan ay agad ko siyang hinila pabalik dun sa bonfire.



Our Forgotten Pinky SwearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon