Prologue

613 20 2
                                    


BINABASA ko ngayon ang mga komento sa kwento ko, sa bago kong kwento na isinusulat. Nakakatuwa dahil kahit papaano ay may sumusuporta pa rin dito kahit ibang genre na ang isinusulat ko ngayon. Mystery/thriller. Sana naman maisulat ko ito nang maayos dahil hindi ko gamay ang ganitong genre. Nakasanayan ko na rin na puro erotic-romance ang sinusulat. Naisipan ko rin na magsulat ng bagong genre na kahit papaano magkaroon din ng iba alam.

Pinatay ko ang laptop saka nagsimula nang sagutan ang aking mga assignment.

Bakit nga ba mas inuna ko pa ang pagsusulat kaysa sa assignment, kaloka ka, self.

Nang matapos ay pinatay ko ang ilaw saka binuksan na lamang ang lampshade na malapit sa kama ko. Humiga ako at tinabihan si Kenny. Ang cute kong itim na pusa. Ngumiti ako saka ko siya hinalikan sa noo at natulog.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Mga alasingko pa lamang ay gising na ako. Naligo muna ako, nag-ayos sa sarili, at bago ako umalis ay pinakain ko muna si Kenny ng pagkain niya.

"Alis na ako, Kenny. Maiiwan na naman kita rito." Hinaplos ko naman ito saka ako lumabas ng kwatro ko.

Kumunot naman ang noo ko nang makita ko ang mga kasamahan kong nagtitipun-tipon sa sala. Na para bang may pinagkakaguluhan sila. Mga kasamahan ko rito sa pinag-uupahan kong boarding house ni Tita Susan.

Mukhang may bago na naman aapila sa bahay na 'to. Ganyan kasi sila lagi kapag may bago.

Malaki kasi ang boarding house na 'to. Siguro tatlong palapag ang taas ng bahay na 'to. Nasa first floor ang room ng mga lalaki at sa second floor naman ang sa mga babae. Kaya kapag nagkaroon ng oras kaming lahat ay nagtitipun-tipon kami sa malaking hapagkainan.

Hindi ko rin masyadong close ang iba kaya ilang talaga ako kapag nakikipag-usap sa kanila.

Pagbaba ko sa hagdan ay nakita agad ako ni Cath, iyon din ang paglapit niya sa akin.

"Aalis ka na?" Tinitigan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Hindi man niya sabihin ang kanyang nasa isipan ngunit alam kong hinuhusgahan na niya ako.

"Oo. Pakisabi na lang kay Tita Susan, hindi ako makakasabay sa hapag." Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

Tumango lamang siya bago niya ako tinalikuran para bumalik sa kumpulan nilang lahat.

Kibit balikat naman akong tahimik na lumabas sa boarding house ni Tita Susan. Ngunit kalalabas ko pa lamang ay bigla na lang akong may nakabunggong lalaki na naka-hoodie, dahilan para mapaatras ako.

Umangat ang panigin ko rito saka pinakatitigan nang maayos. Hindi ko maipagkakaila na may hitsura siya ngunit ang seryoso niyang mukha ang kapansin-pansin sa kanya. Para ka nitong papatayin sa mga titig niya.

"Sorry," hingging paumanhin ko. At akmang maglalakad na sana nang magsalita siya.

"You. . ."

Natigilan naman ako at tumingin muli sa kanya. Wala pa ring emosyon ang kanyang mukha.

"H-ha?"

"What's your name?" tanong niya dahilan para kumunot ang noo ko.

Bakit naman kailangan niyang malaman ang pangalan ko? Sino ba siya?

Magsasalita na sana ako nang magsalita siya muli. "I'm Midnight."

MIDNIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon