Chapter 3

88 4 0
                                    

Pagkatapos ng libing ni Klara ay naging tahimik na ang buong bahay. At hanggang ngayon hindi pa rin nahahanap kung sino nga ba ang salarin sa pagkamatay ni Klara.

Si Cath at Unnice na palaging maingay ay hindi na kumikibo. Nakatulala lamang. Matalik na magkaibigan sila ni Klara at halata naman dahil close na close silang tatlo. Nakakalungkot lang dahil may isang nagpaalam sa kanilang tatlo.

Palabas ako ng bahay para sana bumili ng pads dahil kaunti na lang ang stock ko. Ngunit noong paglabas ko ay iyon din ang pagboga ng usok ng sigarilyo ni Midnight, dahilan para mapapikit at mapaubo ako.

Nagulat naman ang mga kasamahan niya sa labas at mukhang nagtatambay na naman sila.  May upuan kasi sa labas ng boarding house ni Tita Susan, na pwedeng tambayan.

"Gago, pre, sinandya mo ba 'yon?" tanong ni Karl. Tumayo ito saka may pag-alalang tumingin sa akin. Nakangisi at umiiling naman ang iba nilang mga kasamahan.

Sinamaan ko ng tingin si Midnight, hindi siya makatingin sa akin dahil sa ginawa niya. Pero mapapansin mo na parang wala man lang pakialam sa ginawa.

Wala man lang sorry?! Tsk! Aasa pa ako riyan.

Nilampasan ko siya at magtutunggo na sana sa kabilang kanto para bumili ng pads nang pigilan niya ako. Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa malapulsohan ko. Winaksi ko naman iyon para matanggal iyon. Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ko iyon ginawa. Dahil na rin sa may kakaiba akong naramdaman sa sarili.

"Saan ka pupunta? Gabi na," malumanay niyang wika. Humithit pa siya sa sigarilyo saka niya ito itinapon sa lapag at inapakan. Binoga naman niya iyon, ngunit hindi na sa mukha ko kundi sa ibang direksyon na.

"May bibilhin lang," tipid kong sagot at saka tinalikuran siya para maglakad na.

Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang nakasunod lamang siya sa akin.

"Sasamahan na kita."

"Seriously? Pati ba naman dito, Midnight?" naiirita kong singhal sa kanya.

Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito.

Nagbuntonghininga naman siya saka nilagay sa bulsa niya ang dalawa niyang kamay.

"For your safety," kibit balikat niyang sabi pa.

"Ewan ko sayo."

Hinayaan ko na lang siya na samahan ako dahil alam kong kukulitin niya lamang ako kapag aayaw pa ako.

Tahimik lang siyang nakasunod sa akin sa likod, hanggang sa nakarating kami sa kabilang kanto. Bumili agad ako ng tatlong kahon ng pads nang makarating kami sa tindahan. Binayaran ko rin iyon at hinintay ang sukli ko. Nang mapa sa akin ang sukli ay nagpaunang naglakad na naman ako.

Kumunot naman ang aking noo nang mapansin kong hindi pa nakasunod sa akin ang lalaki, kaya naman luminggon ako sa pinanggalingan namin kanina at mas lalong kumunot ang noo ko nang makita kong may binibili rin siya sa tindahan at alam kong yosi iyon.

Umirap ako sa hanggin saka hinayaan na siya roon. Yosi na naman! Buti hindi pa siya nagkakasakit sa kahiligan niyang mag-yosi.

"Bakit ba ang hilig mong mag-yosi?" tanong ko agad nang makalapit siya sa akin.

"It's my hubby," walang pakialam niyang wika.

Mga linyahan na mahihilig sa yosi.

"Hindi sa nangingialam ako ha, bakit mo naisipang mag-boarding house subalit maayos naman ang hitsura mo at mukhang may kaya ka naman para mag-boarding house pa?" Hindi ko alam kung bakit natanong ko pa iyon. Pakiramdam ko tuloy ang pakialamera ko na.

MIDNIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon