Chapter 5

62 5 0
                                    


Umiiyak naman akong nagtitipa sa laptop nang i-a-update ko. Ngunit hindi ako makapag-focus at kusa na lamang naitakip ang dalawang palad ko sa mukha ko.

Dumagdag lang ang pag-iyak ko nang makita ko rin ang message ng amo ko sa pinagtatrabahuan ko. Hindi na ako pinapapasok. Walang hiya talaga ang lalaking iyon! 

Huminga ako nang malalim at nagtungo na lamang sa terrace. Sumunod sa akin si Kenny at kumandong sa aking mga hita pagkatapos kong umupo. Hinaplos ko naman ang kanyang mabalbon na balahibo.

"Paano na tayo ngayon, Kenny? Wala na nga akong silbe, wala pa akong trabaho."

"Meow." Kiniskis niya naman ang kanyang sarili sa akin.

Tumayo naman ako sa pagkakaupo at saka inilapag ko si Kenny sa kama. Kinuha ko ang phone ko dahil narinig ko iyon tumunog.

Pumikit ako nang mariin nang makita ko kung sino ang nag-text. Alam ko na kaagad kahit unknown number iyon. Sa mga linyahan pa lamang. It's my Dad!

"Huwag kang uuwi sa bahay hangg't may dumi ka pang ihahatid sa amin."

Sa panggigigil ko ay lumabas ako sa kwatro ko at nagtungo sa sala. Hinanap ko naman si Midnight. At nang makita ko siyang nakaupo na mukhang walang pakialam sa mga kasamahan namin dito na panay ang ingay.  Walang pasabi ko siyang hinila at dinala sa kwatro niya. Itinulak ko siya sa kama at pumatong. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa nanlalabo kong mga mata dahil sa luhang nababadyang tumulo.

Huhubarin ko na sana ang damit ko nang pigilan niya ako. "Ano sa tinggin mo ang ginagawa mo?!" inis niyang singhal na may pagtataka ang mukha.

"'Y-yung katawan ko na lang, huwag ang trabaho ko..." Nanghihina akong naitakip ang dalawa kong kamay sa aking mukha. "P-pagod na ako, Midnight. K-kaya sana naman huwag mo nang dagdagan pa."

Rinig ko ang pagbuntonghininga niya. Hinaplos niya pa ang buhok ko. Animong pinapakalma ako.

"I'm sorry, gusto lang naman kitang tulungan."

Bumangon siya kahit nakapatong pa rin ako sa kanya. Kumapit ako sa leeg niya upang ibalanse ang aking sarili. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa kahihiyang ginawa ko.

Ngayon ko lang napansin na isang kahihiyan ang ginawa ko sa kanya.

"Kung gusto mo akong tulungan bakit kailangan mo pa akong ipatanggal sa trabaho ko? Sino ka ba?" Kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para mapangiwi siya.

"Hindi mo ba ako nakikilala?"

Kilala? Wala naman akong masyadong naging kaibigan na lalaki.

"Hindi. Sino ka ba at kung umasta ka parang pinapalabas mo na magkakilala tayo." Umalis ako sa pagkapatong ko sa kanya. Inayos ko ang sarili ko at umupo nang maayos.

Nakakahiya talaga ang ginawa ko!

"Matalino ka kaya alam mo na 'yan." Humiga naman siya pabalik at tuminggin sa kisame. "Sabihin mo na lang sa akin kung interesado ka nang maging writer ko."

"Hindi ka ba nandidiri sa akin, Midnight? Alam ko naman buong mundo alam na issue ko. Hindi ko alam kung bakit kinakausap pa rin ako ng mga tao rito kahit nakakadiri ako." Yumuko ako at pinaglaruan ang kamay ko.

Kunot naman ang kanyang noo na binalingan ako. "Bakit naman kita pandidirian?"

"D-dahil sa nangyari sa akin. . ." kinagat ko naman ang aking labi at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Kaya mo ba ako binasted at pinagtutulakan dahil lang doon?"

Gulat naman akong napatigin sa kanya. Ano raw? Binasted ko siya? Kailan pa? Hindi ko maalala, sa dami ng lalaking nasa paligid ko ay hindi ko na sila maalala pa. Sa ngayon din kasi hindi na rin ako nakikisama sa iba dahil sa nangyari sa akin noon.

"Binasted?" gulat pa rin.

Umiling siya at saka umupo rin nang maayos. "Hindi kita pinandidirian, Irrah. Tanggap pa rin kita hanggang ngayon. Hindi mo rin kasalanan ang lahat." Ginulo naman niya ang buhok ko na may ngiti sa kanyang labi. "Go, I'm still waiting for your update."

Hindi ko alam kung bakit mapanggiti ako bigla sa sinabi niya. Pakiramdam ko nakahinga na ako nang maayos dahil sa pagpapagaan niya sa akin.

"Binabasa mo ang mga gawa ko?" ngumuso ako. Kahit alam ko naman dahil sinabi niya iyon sa akin noon.

"Of course. I'm still your number 1 supporters!"

"Fine. Since wala na akong trabaho dahil sa kagagawan mo. I'm in."

"Ikaw din ang editor at ikaw din ang nagma-manage?" tanong ko sa kanya nang makarating kami sa isang sekretong publishing house company niya. Hindi siya masyadong kalakihan, parang kasing laki lang ng kwatro namin sa boarding house.

Kompleto rin ang kagamitan. Kinarer niya talaga ang pagiging editor at gumawa ng sariling publishing house. Nakaka-proud naman ang lalaking 'to.

"Yeah."

"Wow, wala kang kasama?" Umiling siya. Grabe naman. Nakaya niya talagang mag-isa?

"Hahanap pa ako ng ibang mga taohan ko rito, iyong makakapagkatiwalaan ko." Nagkibit balikat siya at saka niya tinap iyong upoan na malapit sa lamesa. Animong pinapaupo niya ako roon. Sumunod naman ako at saka umupo rin siya sa isang upoan na kaharap ko.

"So, magsisimula ka pa lang?" Pinagkrus ko ang aking mga braso sa aking dibdib.

"Yeah. Actually matagal na 'to, nawalan lang ako ng ganang buksan ito noong binasted mo ako." Ngumisi naman siya sa akin upang ngumuso ako.

So kasalanan ko pa? Wala rin naman kasi akong alam na nililigawan niya ako noon. Siguro sa rami noon nanligaw sa akin ay hindi ko na maalala pa.

Hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumahagi muli sa ganitong sitwasyon. Sa nakakadiring nangyari sa akin noon ay baka hindi ko na masikmura pa. Hiyang-hiya ako sa sarili ko hanggang ngayon.

"Gusto mo ako ang unang mag-published ng book dito sa Publishing House mo?"

Iyon talaga ang tumatak sa utak ko, kaya siguro ngayon lang niya bubuksan ang publishing house na ito dahil gusto niya ako ang unang magpa-published ng book dito. Kaya siguro siya nandito para hanapin ako at imbitahin.

Buti pa siya, nakakaya na niyang makapagtayo ng sariling business. Kung hindi lang ako nagka-issue maaari pa rin ba akong manatili sa puder ng mga magulang ko? Galit pa rin ba sila sa akin?

"Yeah. Baka kapag nalaman iyon ng mga readers mo, magkakandarapa sila na bilhin agad ang book mo."

"Hindi mo ako ginagamit?"

Nawala ang mga ngiti niya sa kanyang mga labi at saka siya nagbuntonghininga. 

"I told you, hindi kita ginagamit."

Pauwi na kami nang may bigla akong naalala. "Midnight, may tanong pala ako."

Hininto naman niya ang sasakyan niya sa 'di kalayuan sa boarding house namin.

Bumaling siya sa akin na may kunot ang kanyang noo. "Ano 'yon?"

"'Yung about sa pagkamatay ni Klara? May alam ka ba?" Inobserbahan ko ang reaksyon niya ngunit wala man lang akong nakita roon. Parang wala siyang pakialam doon pero sa mga mata niya ay makikita mong meroon.

Hindi ko maintindihan. Hindi ko rin mabasa ang mga mata niya.

"Wala, pero pinapakiramdaman ko kung sino ang may gawa noon. May kutob na ako kung sino, ngunit hindi pa ako sigundo," wika niya habang nakatingin sa labas ng boarding house sa 'di kalayuan.

"Hindi ko alam, pakiramdam ko lahat ng mga isinusulat ko ngayon ay nagkakatotoo. Hindi man sila ang character sa isinulat ko ngunit kapag may pinapatay ako ay sa reality nangyayari." Kagat ang aking labing nagkatitigan kami ni Midnight. "Midnight, gabi-gabi ang nangyayaring patayan sa isinusulat ko, at gabi-gabi ring nangyayari ang palaging may pinapatay dito sa bayan." Hindi ko mapigilan kilabutan.

MIDNIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon