Chapter 4

84 6 0
                                    

"Paano mo nasabing 'yong mga taong iyon ang pumatay kay Klara?" tanong ko kay Cath.

Hindi rin naman kasi sila nagsabi o nagsalita kung sinu-sino ang pumatay kay Klara. Nang tanunggin sila ay wala man lang nagsalita sa kanilang dalawa. Kaya paano nasasabi na 'yong mga taong iyon ang pumatay kay Klara? At bakit nga ba naroon ang mga taong iyon sa likod ng boarding house ni Tita Susan? Sino nga ba sila?

Napagmasdan ko ang pagtulo ng kanyang luha at umiiling na hindi makatinggin sa akin.

Buti na lang nang nawala ang mga taong iyon doon kaya nagmamadali kaming pumasok sa kwatro niya, kwatro niya ang pinagtunguan namin dahil mas nauna ang kwatro niya sa hagdan kaysa sa akin. Mas pinili ko kasi na sa huli ang kwatro ko.

"Nakita ng dalawa kong mga mata. . . hindi, kaming dalawa ni Unnice."

"Ang ibig mo bang sabihin nandoon kayo nang patayin si Klara?" nagugulat kong tanong.

Kung nandoon sila, bakit wala silang ginawang paraan para tulongan ang kaibigan nila?

Tumango siya, nanginginig na ang kanyang kamay. "K-kasi. . . k-kapag nag-ingay kami ni Unnice, baka. . . k-baka kami rin ang patayin nila."

"Anong nangyari? Can you explain it to me?" Ang gulo niya.

"P-pauwi na kami noon mga bandang ten, tapos biglaan silang dumating sa pinagdadaraanan namin. T-tumakbo kami ngunit naabutan kami, si Klara. . . s-si Klara ang una nilang biktema."

Hindi ko alam kong paniniwalaan ko ba siya. May kakaiba kasi sa sarili ko na nagsasabing pananiniwalaan ko o hindi paniniwalaan.

"Isang nakakadiring tao!"

"Lumayo kayo, baka mahawaan pa kayo sa kapokpokan ni Ate girl."

"Pwede naman gumawa ng sex activity nang hindi bi-video-han."

"Pokpok!"

"Wala kang mararating sa buhay!"

"Isa kang nakakahiya sa angkan natin!"

Napabalikwas ako ng bangon nang iyon na naman ang napanaginipan ko. Tagak-tak din ang pawis sa aking noo kaya naman pinunasan ko iyon gamit ang likod ng palad ko.

Tuminggin naman ako sa orasan ko malapit lamang sa side table. Alas singko na pala ng umaga. Bumangon na ako at nagtungo sa bathroom para naligo. Nang matapos ay inayos ko na ang aking sarili.

Pinakain ko muna si Kenny at hinalikan ito sa noo bago lumabas ng kwatro. Pagbaba ko sa sala at noong nagtungo ako sa kusina, tawanan ng mga kasamahan ko ang aking narinig. Parang wala lang nangyari, parang bumalik ang dati na sobrang inggay namin kada umaga. Ngunit ang pinagtataka ko ay tawa ni Cath ang pinakamalakas. Parang wala nangyaring naganap kagabi.

Pero ang pinagtataka ko rin, bakit ang aga naman nila gumising? Sa pagkakaalam ko, ako palagi ang nauunang gumising o 'di kaya si Tita Susan.

"Oh, gising ka na pala, Irrah. Halikana at sumabay ka na sa amin," pag-aaya ni Tita Susan sa akin.

Tumango lamang ako. Tumuon naman ang pansin ko kay Midnight na nakatinggin lamang sa akin. Pinakunot ko ang noo ko saka umupo na lang sa tabi niya dahil iyon na lamang ang pinakamalapit sa kanya at iyon din ang pwesto ko lagi.

Napapansin ko, palagi na lang siyang palipat-lipat ng upuan. Makati ba pwet niya at kung saan-saan na lang umuupo?

Bago kami kumain ay nagdasal muna kami. Noong pagbaba ko rito ay magsisimula pa lamang silang kumain kaya nakahabol pa ako.

Panay ang dal-dalan nilang lahat habang nasa hapag kami. Tahimik lamang akong kumakain. At gano'n din si Midnight. Mas lalo na si Zhuna na walang pakialam sa paligid.

"Mukhang masaya ka na, Cath," biglang wika ni Midnight dahilan para matahimik silang lahat.

"O-of course. Masiyahing tao naman talaga ako," may pilit na ngiti nitong sabi.

"Really? Akala ko ba magkaibigan kayo ni Klara? Bakit hindi ka na ngayon nagluloksa?" mapang-asar na tinaasan ito ng kilay ni Midnight.

Naguguluhan naman ako sa pinapahiwatig ni Midnight. Bakit may ibang meaning iyon para sa akin?

"Tama na iyan, ayokong mag-aaway kayo sa hapag." Natahimik naman ang lahat noong sawayin sila ni Tita Susan.

Paglabas ko sa trabaho ay mukha ni Midnight na naman ang bumungad sa akin. Umirap ako saka nagpaunang naglakad. Sumunod naman siya sa akin.

"Kailan mo ba ako titigilan?" usisa ko nang makapasok kami pareho sa sasakyan niya.

"Sinusunod ko lamang ang gusto ni Tita Susan," seryoso naman niyang wika.

"Talaga? Wala ng iba?" pangungulit ko.

"Be my wri--"

"Ayaw ko!" mabilis kong sabi at pinagkrus ko ang aking mga braso sa aking dibdib.

Sabi na nga ba, e. May iba pa siyang kailangan.

Bumuga naman siya ng marahan saka niya pinaandar ang sasakyan. "Look, Irrah. Alam kong may hindi tayo pagkakaintindihang dalawa at hindi ko alam kung ano iyon. Pero kahit ngayon lang. Please, huwag ka naman maging isip bata."

"Sa galawan kong 'to, isip bata na tingin mo sa akin?! Kahit pilitin mo ako nang pilitin, ayaw ko pa rin," pagmamatigas ko.

Bakit ba pinipilit niya ako? E, sa ayoko!

"Okay. Madali naman akong kausap. Wala ka nang trabaho bukas." Pakatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng sasakyan. Ngayon ko lang napansin na nasa boarding house na pala kami.

Ano raw? Wala na akong trabaho bukas?! Umawang ang bibig ko nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin.

Nagmamadali naman akong lumabas sa kotse niya saka siya hinabol papasok sa loob.

"Midnight, anong ibig mong sabihin?!" Sumunod ako sa kanya habang wala naman siyang pakialam sa akin. Hindi ko rin pinansin ang mga nasa loob na kung makatinggin ay may kakaibang meaning.

Pumasok naman siya sa loob ng kwatro niya kaya kahit labag sa loob ko ay pumasok din ako at saka niya iyon sinara. Nakita ko naman ang buong paligid ng kwatro niya. Malinis iyon at napansin ko rin ang gitarang nakasabit sa dingding. Nag-iwas ako ng tinggin doon at bumaling sa kanya.

"Alam mo ang mga dapat kung gawin, Irrah. Sa ayaw at sa gusto mo ay gagawin kitang writer sa kompanya ko," mariin niyang sabi na may pagkukumbinsi.

Hindi ako makapaniwalang umiiling sa kanya. "Para lang gawin mo iyon sa akin? Kailangan mo pang i-blackmail ako?" Hindi ko mapigilang magging emosyonal.

"Hindi kita bina-blackmail, Irrah. Ginawa ko 'to para sayo. Mahirap na 'yon intindihin?"

"Hindi, Midnight. Kaya mo ako pinipilit na i-published ang mga gawa ko sa kompanya mo dahil alam mong lalawak iyon dahil nandoon ako. Dahil isa akong sikat na writer sa nagngangalang Changalang21 ngunit hindi nila alam ang pagkatao ko. Kumbaga, ginagamit mo lang ako para sumikat ka."

MIDNIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon