Chapter 11

41 2 0
                                    

Isang oras na akong nakatitig sa laptop dahil iniisip ko pa rin kung tatanggapin ko ba ang offer ng hinahangaan kong publishing house.

Ang gusto ko rin sana ay kapag tinanggap ko ito, itong on-going ko lang sana ang isasalang ko. Tatapusin ko muna bago ko ipasa.

Hindi ko lang alam kung bakit nahihirapan pa rin akong pindutin ang enter sa keyboard. Marami pang bumagabag sa aking isipan na para bang may gustong huwag kong tanggapin at meroon din na kailangan kong tanggapin ito.

Bumuntonghininga ako saka pumikit nang mariin at saka ko rin pinindot ang enter. Pinatay ko kaagad ang laptop bago naginat-inat sa sarili.

Napangiti ako nang makita ko na naman sa kandungan ko si Kenny.

Sana lang hindi ko pagsisisihan itong pagtanggap ko sa offer nila.


"SAAN ka pupunta?"

Napansin ko kasi palagi ang lakad niya nitong mga nakaraan. Alam kung may mga gawain din siya na hindi ko pwedeng alamin ngunit gabi na siya minsan nakakauwi o 'di kaya mga madaling araw na.

Hindi ako sanay dahil sa totoo lang palagi siyang buntot nang buntot sa akin noon.

"Sa office," tipid niya lamang sabi.

As always, naka-hoodie na naman siya at mask. Nasasanay na lamang ako sa kanyang purma.

Ang alam ko rin maraming kaso silang aasikasuhin ngayon kaya siguro mga gabi o madaling araw na siyang nakakauwi.

"P-pwedeng sumama?" may hiya sa aking pagtatanong.

Walang emosyon naman niya akong tinitigan bago umiling.

Bagsak naman ang aking bilikan nang lampasan niya ako at lumabas ng boarding house. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

"Wala naman kayong relasyon ni Midnight, no?" Napaiktad naman ako sa taong nagsalita sa likuran ko.

Nakakrus ang dalawang braso nito sa kanyang dibdib. Sa mga mata niya ay may kakaibang meaning doon.

"Wala." Iling ko.

"Mabuti naman." Ngumisi ito bago ako talikuran.

Pakiramdam ko tuloy may kakaiba sa kanyang awra ngayon. Naninibago ako, simula kasi noong nawala si Klara ay ganyan na siya.

Iyong pagkamatay ni Klara ay gaya ng mga kababaehan sa nangyari sa kabilang ilog. Ngunit wala man lang akong bakas na nakita sa kanyang pulsohan. Siguro dahil na rin sa wala akong pakialam noon sa mga namamatay dahil ang priority ko noon ay hanapin ang pumatay sa kaibigan ko.

Sa ngayon, parang gusto ko na rin alamin kung sino ang pumatay, hindi lang sa kaibigan ko kundi sa mga taong sangkot sa kremen na gaya ng kaibigan ko.

NAGDADALAWANG ISIP ako kung papasok ba ako ngayon sa paaralan. Alam ko kasing naroon na naman si Jonathan at kukulitin na naman ako no'n.

Imbes na pumasok ay nagtungo na lang ako sa office nila Midnight. Nagtungo muna ako sa isang store saka bumili ng pangmeryenda nila.

Nang makarating ay naghintay pa muna ako sa labas ng kanilang meeting aria dahil sa ngayon daw ay pinagme-meeting-an nila ang mga nangyari.

"Sabi ko sayo huwag kang pumunta rito." Isang baritunong boses ang aking narinig dahilan para maiangat ko ang aking paningin dito.

Napatayo naman ako nang makita ko siya at sa tinggin ko ay kalalabas lamang niya sa meeting roon nila.

"Ahm. .v. may dinala akong meryenda."

Inilahad ko iyon sa kanya ngunit may kumuha na roon.

"Uy, Salamat, Irrah!"

Pinagkaguluhan agad iyon ng mga kaibigan niya. Rinig ko ang pagbuntonghininga niya saka niya ako hinila papasok sa isang silid.

"May pasok ka ngayon bakit hindi ka pumasok?" tanong niyang may kunot sa noo.

"Hindi ko na kailangan pang pumasok pa, alam ko naman na lahat ng lessons," pagmamayabang ko.

Sa totoo lang nakakatamad na ring pumasok, kaya lang naman ako bumalik sa pag-aaral dahil gusto kong alamin kung sino ang pumatay sa kaibigan ko.

Sa pinag-aaralan ko ngayon, doon nag-aaral ang kaibigan ko noon, magkaiba lang talaga kami ng paaralan ngunit matalik kaming magkaibigan simula pa noong bata pa kami.

Ang inaakala ko ay pambubully lamang ang nangyari sa kanya ngunit may kakaiba sa akin na hindi talaga bully ang pagkamatay niya. Hindi depressed sa pag-aaral kung bakit may laslas siya sa kamay, kundi may pumatay sa kanya.

"Umuwi ka na kung gano'n," walang pakialam niyang saad upang ikinaawang ng aking bibig.

Sa inasta niyang iyon ay parang hindi niya ako kilala, parang wala lamang siyang pakialam sa buhay ko na sa pagkakaalam ko ay dati naman siyang may pakialam sa akin.

"B-bakit ka ba ganyan, Midnight? M-may problema ba?"

"Kung gusto mo ng hustisya sa kaibigan mo, huwag mo nang halungkatin pa ang kaso na matagal nang sinarado." Nilampasan niya ako upang manghina ang aking mga tuhod.

Sa pagkakataong iyon, parang nawalan muli ako ng kaibigan.

"I'M CASO DE LEON, owner of this publishing house. Caso Publishing House," pagpapakilala niya sa akin.

"Randle Irrah Legazpi, also known Changalang21." Tinanggap ko naman ang kamay niyang nakalahad.

Actually, may hitsura naman siya ngunit mas lamang pa ang pagiging makisig at gwapo ni  Midnight.

Napanguso naman ako dahil sa pinagkukumpara ko na naman si Midnight sa iba ngunit siya na naman palagi ang lamang.

Maganda ang office niya. Para lamang siyang isang library ngunit malaki siya kaya tambak lahat ng mga libro kada section ng lagayan ng mga libro.

Hindi ko alam ko kung bakit kailangan pa niya akong papuntahin niya rito. Lahat naman ng ibang publishing house ay pawang mga editors lamang ang nakakaalam dito o sila lang taga guide sayo about your book.

"Bakit niyo ho pala ako pinapunta rito?" Pwede namang i-email na lang niya ako, bakit kailangan pang i-meet ako?

"Well, gusto lamang kita i-congrats at magpasalamat din dahil sa pagtanggap mo sa aking offer." Ngumiti ito upang makita ko ang kakaiba niyang awra.

Sa hitsura niya ay masasabi mong mabait siya ngunit hindi ko lang masisisguro ang panloob ng pagkatao niya, ayaw ko rin siya husgahan. Mukhang mabait naman siya.

"Salamat din ho sa pagbigay niyo ng opportunity sa akin."

"Para sa mga taong nangangarap na magkalibro, tanggap namin kayo." Sumimsim naman ito sa tsaa niya.

"Ano ho ang gagawin ko? May pipirmahan ba ako o ano?"

Tumango ito, "Oo, may pipirmahan kang kontrata."

"Meroon ho ba kayo pagbabawal?"

"Wala naman kung non-exclusive ang gusto mong pirmahan sa kontrata. Pero mas maganda kung exclusive na lamang, matutuwa pa ako."

"Pag-iisipan ko ho."

Magsasalita na sana siya muli nang makarinig kami ng kalabog at bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ang tatlong detective.

Kumunot naman ang noo noong isa at ang dalawa naman may halong gulat. Ngunit seryoso sila ngayon at tinuon muli ang pansin sa kasama ko.

"Mr. De Leon, Ikaw ay kinakasuhan ng pagpatay ng isang istudyante."

MIDNIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon