Chapter 10

37 2 0
                                    

Matagal ko nang inalam ang about d'yan. Wala lang talaga ako mapagsabihan dahil ang hirap nang magtiwala pa sa iba. Hindi natin alam na sila pala ang salarin.

Habang patuloy ako noon sa pagsusulat ay hinahanap ko rin ang ibig sabihin no'n. Nang malaman ko na isa iyong barcode ng libro ay nanahimik muna ako.

Ito rin ang dahilan kung bakit nagsulat ako ng kakaibang genre. Hindi dahil sa gusto ko lamang isulat ito, gusto ko rin maipaliwanag sa buong mundo na kung sa totoong buhay ay hindi nila agad nagagawa ang lahat o mahanap kung sino ang may gawa o salarin. Kahit sa libro man lamang, mabigyan ko ng lunas ang salarin, na deserve niyang makulong habang buhay.

"Paano mo nasabi na barcode iyon ng libro?" may pagtataka sa mukha ni Detective Lentejas.

Nasa site ulit kami nila pagkatapos ko iyon sabihin, alam kasi nila na baka may makarinig at baka naroon pa rin ang killer.

Naikumo ko ang kamay ko at tipid na ngumiti.

"Inalam ko."

"Bakit alam mo ang bagay na iyon?" si Detective Lañaga.

"Why?" tanong nilang tatlo.

Sa mukha nila ay hindi ka tatantanan kung hindi ka aamin. Para ka rin kakainin ng buhay kapag magsinungaling ka.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at saka nagsalita. "W-way back 2018, meroon akong kaibigan na sangkot sa kremen, gaya nitong mga nangyayari. . ."

Kapag naiisip ko iyon ay hindi ko masikmura ang aking sarili, sinisisi ko rin ang aking sarili dahil hindi ko man lang siya pinuntahan, iyon din ang dahilan kung bakit nagalit ang pamilya niya sa akin.

"Ito ba 'yon." Sabay-sabay kaming umangat ang tingin nang makarinig kami ng boses babae.

Sa mukha niya pa lang ay bata pa ito. Siguro kasing edad lamang sila ni Midnight. Maganda siya at sobrang kinis ng mukha at balat niya.

Nakakainggit naman, kamusta naman ako? Naka-eyeglasses at may mga tigyawat pa sa mukha. Hindi marunong mag-ayos sa sarili. Nahiya ako bigla.

"Detective Hung." Nag-salute naman ang tatlo.

Tumuon muli ang aming paninggin sa nilapag niyang brown inveloph. Binuksan naman iyon ni Detective Lañaga.

Bumangon sa amin ang record at mga picture ng kaibigan ko. Hindi ko mapigilang kunin iyon at titigan. Ang ganda pa ng ngiti niya rito.

"Kilala mo siya, right?" tanong ni Detective Hung.

Tumango ako. "Oo, matalik kong kaibigan. . ." bulong ko.

"Iyang kaso na 'yan matagal na 'yan, hininto lamang dahil sa wala naman nakuha ang humawak sa kaso na 'to kung sino ang salarin. Pwera doon sa sinabi mong isang barcode iyon ng libro, kung gano'n isang gumagawa ng libro ang salarin." Pinagkrus ni Detective Hung ang dalawang braso niya saka tumingin sa malayo.

Tama siya, kapag nilalaslas niya ang mga pulso ng biktema niya ay isa iyong barcode ng libro. Isa siyang gumagawa ng libro, ang salarin.

"Teka, wala ka bang pasok, Miss?" tanong bigla ni Detective Hung.

"Tapos na ho ako sa pag-aaral."

"Ha? Tapos na? Kung gano'n bakit ka naka-uniform?"

Nagtitigan kami ni Midnight bago ako magsalita. "Bumalik ulit ako sa pag-aaral para malaman kung sino ang pumatay sa kaibigan ko."

MIDNIGHTWhere stories live. Discover now