Chapter 2

131 8 0
                                    

"Kilala niyo ba si Changalang21?" rinig kong wika ng isa kong kaklase.

Nagkunwari pa akong luminggon sa kanila bago ko ulit binalik ang atensyon sa sinusulat kong notes.

Hindi na bago sa akin 'yan, dahil palagi ko na lang naman 'yan naririnig. Hindi na lamang ako kumikibo pa at nanatiling tahimik sa pwesto.

"Oo. Mukhang hindi ero-romance sinusulat niya ngayon, ah. Ibang genre ata. Mystery/Thriller ba 'yon?" usisa naman ng isa ko pang kaklase.

"Oo, kaya lang. . . may napapansin ako. Parang. . . parang hindi siya masyadong active sa mga social media niya?" patanong naman ani ng kaklase ko.

"Baka buys sa buhay. Tegok ka talaga!"

Hindi ko na lang pinansin ang iba pa nilang pinag-uusapan. Kinuha ko na lang ang headphone ko sa bag at saka ko iyon inilagay sa tainga ko. Wala rin naman pasok dahil may meeting kuno ang ibang mga teachers sa faculty room. Binigyan lang kami ng susulatin ngunit hindi naman ginagawa ng iba dahil panay daladalan lang sila.

Matapos ang ilang subject sa aming klase ay uwian na. Nagtungo muna ako sa library para manghiram ng libro. Gagawin ko na lang muna ang assignment ko bago ako magtungo sa part-time job ko.

Pumwesto ako sa pinakadulo na hindi kita ng lahat. Binuklat ko ang librong panggagamitan ko sa assignment ko. Nagsimula akong mag-assignment ngunit hindi ako mapakali. Bakit pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin subalit ako lang naman ang nag-iisang tao sa pinakadulo ng library table.

Dahan-dahan naman akong tumingin sa paligid subalit wala akong makita. Umiling ako dahil mukhang guni-guni ko lang iyon. Tinapos ko ang assignment ko bago ko binalik ang libro at saka umalis sa library.

Tama-tama naman ay pagdating ko sa trabaho ay nagsimula agad ako. Sa JC ako namasukan ng part-time job dahil wala akong choice. Si Mommy ang nagpapasok sa akin dito kahit ayokong may koneksyon pa ako sa kanila. Kilala rin ni Mom ang manager ng JC na 'to. At baka magalit pa sa akin lalo ang Dad kaya sinunod ko na lang si Mom.

Nang matapos ang oras ko ay nagpaalam na ako sa manager at kasamahan ko. Paglabas ko ay bigla naman akong napasigaw dahil sa gulat.

Tama-tama kasi noong palabas ako ay iyon din ang pagdating ni Midnight sa harapan ko.

Nakakagulat naman ang lalaking 'to! Ba't ba pasulpot-sulpot 'to?

"I'm sorry. Nagulat ba kita?" mahinahon niyang tanong.

Kumunot naman ang aking noo. Napansin ko na naka hoodie na naman siya. Bakit ba ang hilig niya sa ganyang style? Hindi ba siya naiinitan?

"Sisigaw ba ako kung hindi ako magugulat," may inis kong sabi. Nilampasan ko siya saka maghahanap na sana ng masasakyan nang magsalita siya.

"Sa akin ka na sumabay. I told you susunduin kita gabi-gabi," wika niya.

Pagod ako at ayokong makipagtalo sa kanya kaya naman humarap ako sa kanya at nagtungo sa sasakyan niya. Rinig ko naman na binuksan niya iyon kaya bago pa niya ako pagbuksan ay ako na mismo ang nagbukas no'n saka pumasok sa loob.

Rinig ko ang pagbuntonghininga niya at nagtungo sa driver seat. Wala kaming kibuang dalawa hanggang sa nakauwi kami sa boarding house namin.

Lumabas ako ng sasakyan niya nang hindi siya nililingon. Pagpasok ko ay gising at maingay pa rin ang mga kasamahan ko. Kompleto na rin ang lahat habang may pinapanood sila sa sala. Mukhang nagmo-movie marathon na naman sila kahit may klase pa bukas.

Hindi ko sila pinansin kahit panay ang tawag nila sa akin. Nagtungo na lang ako sa kwatro ko at in-lock iyon. Pumunta agad ako sa study table ko saka ko binuksan ang laptop at nagsulat na lang nang ma i-a-update. Parang doon ko na lang binuhos ang lahat ng mga hinanakit sa aking buhay. Nang matapos ay pinost ko na agad siya.

MIDNIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon