Chapter 1

190 8 0
                                    

"Nabalitaan niyo?" rinig kong pagsisimula ng kwento ni Unnice. Umupo ito nang maayos sa hapag.

"'Yung alin?" usisa naman ni Klara habang nagsasandok ng kanin.

"May pinatay na naman daw kagabi sa kabilang ilog."

Noong marinig iyon ng lahat ay para naman pumintig ang mga tainga nito at nakinig sa kwento ni Unnice.

"Sino?" sabay-sabay naman tanong ng mga kasamahan ko.

May kanya-kanyang ginagawa ang ibang mga babae, samantala ang mga kalalakihan naman ay nagkukwentuhan din ngunit hindi kagaya ng mga kasamahan kong mga babae na ang lalakas ng boses.

Nasa hapag kaming lahat, kasama na roon ang mga bago rito sa boarding house ni Tita Susan. Isang linggo na rin simula noong magsidatingan ang ibang mga kasamahan namin nasa ngayon ay medyo nakakausap na namin nang maayos. At isang linggo na rin simula nang may nababalitaan kaming gabi-gabi na lamang may namamatay sa kabilang ilog. Hindi namin mawari kung sino ang salarin. Kaya minsan maaga kaming pinapauwi ni Tita Susan kapag tapos na kami sa klase, baka ano pa mangyari sa amin.

"Malay ko! Chismosa lang ako pero hindi ako nangingilala sa mga tao rito!"

Nagpatuloy pa ang kanilang pag-uusap hanggang sa dumating si Tita Susan, na may dala-dalang pagkain. Mukhang bumili na naman siya ng kakanin sa bayan dahil noong nagising kami ay wala na siya sa bahay, ngunit may mga hinanda na siyang pagkain para sa amin bago siya umalis. Mukhang sandali lang si Tita Susan sa bayan.

Nagsitahimikan naman ang lahat. Umupo na rin si Tita Susan sa hapag, sa pwesto niya palagi.

"Alam niyo na? Na may binalita na namang may pinatay sa kabilang ilog." Bumuntonghininga naman si Tita Susan, na tila nag-aalala sa kalagayan namin at saka inilapag ang dinadalang pagkain sa ibabaw ng lamesa. "Kaya sana naman umuwi kayo ng maaga at huwag matigas ang ulo dahil ako ang malalagot sa inyong mga magulang kapag may nangyaring masama sa inyo. Mas lalo na kayong mga babae." Tinitigan niya kaming anim na mga babae.

"Huwag ho kayong mag-alala, Tita Susan, mga six po ang uwian ko sa paaralan," biglang wika naman ni Amera, ang pinakabata sa aming lahat dito.

"Mga nine ho 'yong labasan ko sa part-time job ko, Tita," si Cath habang may nginunguyang pagkain.

"Pareho lang ho kaming tatlo ni Catch at Unnice," sabad naman ni Klara.

"Ikaw, Zhuna?" tanong sa kanya ni Tita Susan.

Nakaduk-dok lang ito sa kinakain niya na parang walang pakialam.

"Mga alas otso lang ho ako, Tita." Natahimik naman ang lahat hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa boses niyang hindi kaaya-aya talagang pakinggan. Wala kasi iyon buhay.

Masyado lang kasi siya seryos type at hindi rin masyadong palasalita.

"Ikaw, Irrah?"

Hindi ko alam kung bakit tinatanong pa iyon ni Tita Susan, kahit alam naman niya ang mga oras at schedule naming lahat.

Para kasing naging second Nanay na namin siya at siya rin ang pinagkakatiwalaan ng ibang mga magulang ng mga kasamahan ko. Kaya siya mahigpit minsan sa amin.

Sa akin naman tumuon ang atensyon ng iba.

"Bago ho mag-alas onse," sagot ko.

"Wala na bang ibababa 'yan?" kunot ang kanyang noong tanong niya.

Umiling naman ako. "Wala ho."

Bumuntonghininga muli siya. "Hindi ibig sabihin na pinapatira ko kayo rito ay hindi ko na kayong lahat responsibilidad. Kahit alam ko ang mga schedule niyo ay gusto ko pa rin ng kasiguraduhan dahil baka magbago iyon at gusto ko ay maayos kayong lahat." Umiling si Tita Susan. "Wala akong problema sa mga kalalakihan kasi kaya naman nila ang kanilang sarili. Sa ngayon puro babae ang biktema na kung sino man ang salarin na iyon."

Marami pang sinabi sa amin si Tita Susan, puro pagpapayo at pagpapaalala niya ang tumatak lang sa aking kukoti.

Aware naman ako sa mga sinasabi niya ngunit hindi ko pwedeng baguhin ang schedule ko dahil alam kong hindi ako papayagan ng manager ng pinagtatrabahuan ko.

"Irrah, kung hindi pwedeng mabago ang iyong schedule mo, ipapasundo na lamang kita kada gabi kay Midnight, bago matapos ang iyong oras mo."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bakit kailangan pa akong sunduin, e, pwede naman ako na lamang umuwing mag-isa?! At bakit si Midnight pa?

"Tita, ayos lang naman ho ako, kaya ko--" pinutol niya ako.

"Ang gusto ko lamang ay maayos kayo, hindi ako mapakali kapag isa sa inyo ay may masamang mangyari."

Aangal pa sana ako nang may nagsalita sa likuran ko.

"I agree with Tita. Ayos lang din ho sa akin. Bago rin mag-alas onse ang uwian ko sa trabaho, kaya masusundo ko siya," seryoso naman nitong sabi.

Mas lumukot lalo ang aking noo dahil sa pagsang-ayon niya. Iba ang kutob ko sa lalaking ito.

"Iyon naman pala. Sige na, kumain na tayo at ako'y may gagawin pa."

Ang maingay na hapag kanina ay tumahimik. Tahimik kaming kumakain lahat, pawang nakatulala at ingay lamang ng kutsara at tinedor ang namumutawi sa hapag.

Umiling ako. Mukhang wala na rin akong magagawa dahil iyon ang gusto ni Tita. Bumuntonghininga naman akong luminggon sa likuran ko.

"Huwag mo na lang sundin si Tita." Tatalikuran ko na sana siya at magtutunggo na sa kwatro ko nang magsalita muli siya.

"I can't agree with that. Sa ayaw at sa gusto mo, susunduin kita." Tinalikuran niya ako pagkatapos niyang sabihin iyon.

Sino ba siya para sundin ko?! At ano bang pakialam ng lalaking iyon?!

Umiling ako saka nagtungo na lamang sa kwatro. Ito palagi ang hubby ko kada sabado at linggo. Hindi naman ako masyadong magala kaya paaralan, trabaho, bahay at syempre iyong pagsusulat ko lamang ang bagsak ko. Ito lang ang makakaya kong gawin para libangin ang sarili.

Binuksan ko kaagad ang laptop ko saka nagsulat na lang para sa i-a-update ko. Two hours bago ko matapos ang sinusulat ko at saka ko iyon pinost.

Sunod-sunod naman na puro comment ang aking na tanggap sa mga readers ko. Nakakatuwa talaga kasi dala-dala nila ang kwento kapag nagco-comment sila. Parang kasalanan ko pa kung bakit nalilito sila at napapatanong.

Kada scroll ko ay mapapangiti ako sa mga comment nila ngunit nawala iyon dahil sa isang comment na alam kong hindi pwedeng mabasa ng ibang mga readers ko.

"I know you. . . Randle Irrah Legazpi."

Sa gulat at kaba ko ay bigla kong denelete ang kanyang comment at nagtungo sa account niya. Kumunot ang noo ko dahil 15 minutes pa lang siyang nag-join ng app na ito.

Kung gano'n. . . sino ang taong iyon? Bakit alam niya ang buo kong pangalan?

Ang ayoko sa lahat ay may nakakaalam sa pagkatao ko. Dahil ang ginagawa ko lang sa app na ito ay ang magsulat lamang.

Wala rin nakakaalam sa akin na nagsusulat ako. Kung gano'n, sino ang taong nag-comment?

MIDNIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon