Hi guys! Alam kong naging OA sa tagal bago ako nagupdate. Hahaha. Actually tinamad na akong magsulat. Sa kung ano ano mang dahilan. But then naisip ko. Sayang din to kung hindi ko itutuloy. So sana magustuhan nyo pa din. :)
Chapter 10
Lexa’s POV
Lumipas ang mga araw, masasabi kong mas naging close kami ni Cassie. Yun close na tipong lahat ng isa’t isa eh alam namin. Mapapangiti na lang ako eh. Haaaaaay.
Mom Calling…
“Hello ma.”
“Kamusta na anak?”
“Okay naman ma.”
“Makakapag paalam ka kaya sa mga professors mo na mawawala ka for 2 weeks?”
“Huh? Bakit ma?”
“I need you to come home, may mga kelangan kang ayusin na mga property.”
“Ma hindi ko maintindihan? Property? I guess I’m too young for that.”
“Nasa tamang edad ka na, and besides, sa inyo din naman mapupunta lahat ng pinaghirapan ng daddy mo, so kung hindi mo mapapakiusapan yung mga professors mo, ako na mismo ang kakausap sa kanila, I’m on my way there, in about 3 hours nandyan na ko. Are you in school? Or sa condo?”
![](https://img.wattpad.com/cover/18101547-288-k255223.jpg)