Chapter 3... Kath's POV

1.4K 38 20
                                    

 

Chapter 3

 

Kath’s POV

 

“ARAAAAY!”  Grabe namang makareact tong babaeng to, para mahina lang naman yung hampas ko sa kanya!

“Magkwento ka na kasi! Kainis naman to eh!”

 

“Hahaha. Ano bang gusto mong malaman ha?”

 

“Gagong to! Magkwekwento ka o ibubuhos ko tong kape sa pagmumuka mo? Hahaha”

Kasama ko ngayon si Lexa dito sa paborito naming branch ng starbucks. Nagaya siyang magkape dahil may hangover siya. Kaso hindi ko alam kung sa alak ba siya may hangover o dun sa Steph na yun. Hahaha.

“Okay okay. Kasi ganito yun…”

 

At sinimulan na niyang magkwento sa kin ng nangyari sa kanila. Hahaha. Grabe wala talagang kupas tong babaeng to. Hindi ko nga alam kung anong meron dito sa kaibigan ko, bakit ang daming nagkakagusto sa kanya.

Well mabait naman talaga siya at sweet. Dahil kahit sa akin, sweet tong gagong to. Hahaha.

“Ikaw na! Anong meron sayo at lapitin ka ng chicks? Hahaha.”

 

“Hindi naman! Baka nagkakataon lang yun!”

 

“Nagkataon talaga? Eh sa bawat labas natin, laging merong nagkakagusto sayo. Hahaha.”

 

“Oo nga eh, kaya nga nagtataka ako kung bakit ikaw hindi ka nagkakagusto sa kin. Hahahaha.”

 

“Ang kapal ng mukha mo, hinding hindi ako magkakagusto sa isang gagong tulad mo! Hahaha. Panigurado masasaktan lang ako! Playgirl! Hahaha.”

 

“Grabe kang makapagsalita! Hahaha. I’m just enjoying life to the fullest! I may die tomorrow! Atleast I did something to make me happy. :) Teka nga order lang ako, dyan ka lang!”

 

“Whatever! Sige na, go na! Hahaha.”

 

Matagal tagal na din kaming magkakilala nyang si Lexa. 3 years? Simula kasi nung nagcollege ako, magkaklase na kami nyan. Pero lately lang kami naging close talaga, dahil siguro parehas kami ng mga trip sa buhay.

Although lagi niyang pinipilit na lahat ng mga trip naming ngayon, at dahil lang daw sa akin. Bad Influence daw ako sa kanya. Hahaha. Pero hindi naman talaga. :) Ang bait ko kaya. Haha.

Si Lexa sobrang bait niyan. Yun nga lang babaero masyado. Haha. Pero kapag may girlfriend naman yan, sobrang tino niya. Ultimo ako na kaibigan niya nakakalimutan niya pag inlove siya! Hahaha.

Enthralling Love (gxg story)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें