Chapter 9... Almost.

714 25 10
                                    

Chapter 9

 

Kath’s POV

 

Ilang linggo ko ng pinagiisipan to. Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam ang gagawin ko. Ayokong masira yung pagkakaibigan namin. Pero I guess tuluyan ng nangibabaw yung pagmamahal ko sa kanya, kesa sa pagkakaibigan namin.

Pinapakiramdaman ko din siya, kung anong pwedeng maging reaction niya kung sakaling sinabi kong mahal na mahal ko siya. Haaaaaaay. Bakit ba naman kasi sa dinami dami ng pwede kong mahalin, si Lexa pa!

“Nakakainis talaga!!!” Sabay hampas ko ng sa ulo ko.

“Nababaliw ka na ba?”

 

“Araaaaay naman!” Kung sino yung dumating syempre walang iba kundi si Lexa! At kung anong ginawa niya? Binatukan lang naman ako ng babaeng to! Haaaaaay, palibhasa hindi ko magantihan.

Hinihintay ko kasi siya dito sa coffee shop na lagi naming tinatambayan, ngayon ko na din planong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Kaya eto, parang may drums yung puso ko sa lakas ng kaba ko.

“Anong drama yan ha? Hahahaha.” Tanong sa kin ni Lexa.

“Wala wala.”

 

“Ngayon lang kitang nakitang kinausap ang sarili mo, infairness. Hahaha. In love ka ano?”

 

Sasagot na sana ako ng OO, ng biglang nagsalita ulit si Lexa.

“In love ka siguro katulad ko! Hahaha. Ang saya ko! Finally nagmamahal ako ng isang taong, naniniwala sa kin. Sobrang sarap sa pakiramdam.”

 

Natutula ako saglit. Para akong nabingi sa mga narinig ko. Pati utak ko nablanko.

“May girlfriend ka na?” Hindi ko mapigilan na malungkot. Parang gumuho yung mundo ko. Kung kelan nakaipon na ko ng lakas ng loob, hindi na pala pwede.

“Wala! Hindi pa kami. Hindi ko pa kasi siya tinatanong, at gusto ko, kapag dumating yung araw na yun, gusto ko maging memorable yun. ^____^”

 

Bakas sa mukha ni Lexa kung gaano siya kasaya. Hindi ko inaakalang ang happiness niya ay kalungkutan ko ang magiging kapalit.

Enthralling Love (gxg story)Where stories live. Discover now