Chapter 8... Is this for real?

740 24 6
                                    

Chapter 8

Lexa's POV

Pangalawang meet up na namin to, pero mapapnsin kong naiilang pa din siya sa akin. Kung sabagay hindi ko naman siya masisisi may mga tao sigurong ganito.

Nagtatanong tanong lang ako ng kung ano ano about sa kanya hanggang sa mauwi kami sa usapang pagkain.

"Tara ipagluto kita, pero yung tuna lang na nasa lata." Hahaha. Natawa ako ng bahagya sa sinabi niyang yun. Base kasi sa kwento niya ay hindi naman siya talaga nagluluto, puro instant at prito lang ang alam niya. Kaya naman natuwa ako nung sinabi niyang ipagluluto niya ko, para sa kin ang effort niya sa bagay na yun. :)

"Talaga? San mo naman ako ipagluluto?" Tanong ko sa kanya, pero sa totoo lang nahiya ako, kasi gabi na din, baka malate lang siya ng uwi kapag nagluto pa siya. Although I would really love the thought na lulutuan niya ako kahit simple dish lang, its the effort that counts for me.

"Sa condo niyo na lang. Ay kaso baka may tao dun nakakahiya." Napaisip ako sa sinabi niya. Walang tao dun, baka kung anong magawa ko sa kanya. Hahahaha. (Lexa yang pagiisip mo iayos ayos mo.)

"Sige tara dun na lang, wala naman akong kasama dun kaya ayos lang. Okay lang ba sayo?" Hindi ko pinahalata na sobrang excited ako. Kasi dun pwede ko siya mahug. (Oo hug lang ang gusto ko wala ng iba. Ewan ko ba, nagbabago na ata ako. Hahahaha.)

"Oo naman okay lang. Uy walang laitan ng luto ah? Alam mo naman hindi talaga ko marunong. Haha." Marunong din pala siyang tumawa. Kasi last time hanggang kanina puro lang siya smile at flat affect. Kung yan nga talaga ang mga reaction niya or ang ugali niya, pwede ko siyang idescribe as a modern Maria Clara. Hahaha.

"Grabe ka, hindi naman ako ganun. Yaan mo kahit ano pang lasa ng lulutuin mo, kakainin ko." 

With that umalis na kami sa tea shop, then nag punta muna kami sa isang malapit na grocery. Actually hindi ganun kalapit dahil mga 10mins walk din siya. Pero ayos lang naman kahit gaano pa kalayo yung lalakarin. Parang its all worth it because I'm with her. (Shet hindi na ata ako to, masyado na kong nagiging cheesy! Hahaha)

Pagkatapos naming bilin lahat ng kelangan, nag trike na kami pauwi sa condo. Malapit lang naman kaso naisip ko sayang yung oras. At isa pa, sa tricycle, MAS magiging close kami! ^___^

Pinauna ko siyang sumakay, then sunod ako. Thankful ako kasi masikip yung tricycle na nasakyan namin, so ang nangyari, nakaout siya, naka-in ako, at yung kamay ko nasa may likod niya. So in short para akong nakaakbay sa kanya. *______* Ang saya ko lang talaga! Hahahaha.

"Okay ka lang diyan?" Biglang tanong niya sa kin.

Kung alam mo lang na kahit mga isang araw pang ganito tayo okay lang sa kin! Hahahaha. (Lexa magbehave ka ha?)

"Ah oo okay lang ako." After ilang minutes sad to say, nandito na kami sa condo.

Enthralling Love (gxg story)Where stories live. Discover now