Chapter 1... Beer Pong!

1.7K 47 19
                                    

Chapter 1

 

Lexa’s POV

 

Been around the world don’t speak the language

But your booty don’t need explaining

All I really need to understand is

When you talk dirty to me

 

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at napasayaw na lang din ako sa kanta. Favorite ko kasi yan ngayon. At sa tingin ko kahit sino naman ay mapapaindak sa kantang yan.

“Go Lex!”

 

“Nice one!”

 

“That’s my girl!”

 

Talk dirty to me

Talk dirty to me

Talk dirty to me

Get jazzy on it

 

Halo halong sigawan ang narinig ko sa loob ng bar. Hindi naman talaga ako mahilig magbar dati. Nahawa lang ako sa kaibigan ko. Nung una ay hindi ko nagustuhan ang maingay na crowd. Pero nung nagtagal na ay naging tambayan na din namin ang bar tuwing weekends at sa tuwing wala kaming magawa ng kaibigan ko.

Madalas akong uminom pero mas madalas akong malasing. Haha.

Ewan ko ba kung bakit ang hina hina ng tolerance kop ag dating sa alak.

“Tama na yan dude, umuwi na tayo at lasing ka na namang babae ka!” Sermon sa kin ni Kath. Ang kaibigan kong nagturo sa king uminom at magpunta sa ganitong klaseng lugar.

“Mamaya na please? Gusto ko pang sumayaw.”Pagmamakaawa ko sa kanya. Pinagdikit ko pa talaga yung dalawang kamay ko para magplease sign sa kanya at pagbigyan niya ako.

“Okay sige na nga, pero wag ka munang uminom, para hindi kita pagulungin pauwi. Haha.”

 

“YES! Thank you myloves!” At niyakap ko siya! Haha. Ang bait talaga ng kaibigan ko! :)

Uminom muna kami ni Kath ng coffee sa tabi ng bar para kahit paano ay mabawasan yung lasing namin. Ay lasing ko lang pala kasi hindi naman nalalasing tong si Kath. Haha.

Malipas ang ilang minuto, ay bumalik kami sa bar.

Ala-una na ng medaling araw pero marami pa ding tao. Yung iba pa nga ay halatang kakadating lang, at magsisimula pa lang pumarty.

Umiinom kami ng beer ng bigla akong nilapitan nung waiter.

“Mam, may gusto po sanang makipagbeer pong sa inyo kung okay lang.”

Enthralling Love (gxg story)Where stories live. Discover now