Chapter 5... Lahat okay lang...

1K 31 20
                                    

Sa dalawang taong sinabing magupdate ako agad! Hahaha. Thank you kasi dahil sa inyo sinipag ako. Alam ko hindi ganun kahaba pero sana ma-enjoy niyo pa din.

-Hazelnot

Chapter 5

 

Cassie’s POV

 

Hindi pa din mawala yung ngiti ko hanggang ngayon. Nakakainis kasi, oo aaminin ko kinilig ako sa kanya kahit na hindi naman dapat. Alam ko na sadyang sweet lang siya, pero hindi ko naman ineexpect na ganun. Sino ba naman ang taong magbibigay ng ganun kamahal na remembrance sa isang taong ngayon nya lang nakilala? Diba?

“Muka kang tanga dyan kanina ka pa nakangiti magisa, in love ka nu?” Pangaasar sa kin ng kapatid kong lalaki. Wala na naman siyang magawa kaya eto ako na naman ang nakita niya.

“Tigilan mo nga ako, mamaya marinig ka ni papa diyan eh.” Inis na sagot ko sa kanya. Pero sakto lang naman dahil sanay na ko sa pangaasar netong kapatid ko. Lagi naman kasi siyang ganun! Haha.

“Hindi yan. Tulog si papa sa taas. Haha.”

Eto magkatext pa din kami ngayon ni Lexa. Haaaay sino ba naman ang hindi maiinlove sa babaeng to. Kung pwede ko lang ipagsiksikan yung sarili ko sa kanya, kaso alam kong hindi pwede, kasi may mahal siya.

Oo aaminin ko, gusto ko siya. Pero dahil alam kong malabo, kinocontrol ko na lang yung feelings ko sa kanya. Kasi kapag umasa ako, alam ko naman na masasaktan lang ako. Haaay.

“Thank you ha! Sorry kung madaldal ako. :) And kung medyo makulit ako. Sana kahit paano nagenjoy ka na kasama ako. Sana hindi din eto yung huli nating pagkikita.” Haaaay kung alam niya lang na gusto ko ulit siyang makasama. Kaso baka lalong hindi ko macontrol yung nararamdaman ko para sa kanya.

“Ako nga dapat ang mag thank you sayo. And pacensya ka na kung hindi ako masyadong nagsasalita, mahiyain kasi ako. Haha.”

 

“Nahiya naman ako sa pagiging mahiyain mo! Hahaha. Pero thank you talaga ha?”

 

“Okay sige na nga, your welcome. Hahaha. Magiingat ka sa lakad mo ha?”

 

Ganyan lang ang naging takbo ng usapan naming. Madalas wala naman talaga kaming napaguusapan pero magkatext pa din kami.

Lexa’s POV

 

“Hooooooy! Pangiti ngiti ka na naman diyan! Para ka na namang nakadrugs! Hahaha.” Sabay hampas sa kin ni Kath. Grabe tong babaeng to. Rapas ata to eh. Maya’t maya na lang nakahampas sa kin. Malapit na kong magkapasa eh! Hahahaha.

“Leche to! Nakaisa ka na naman! Haha. Wag kang magulo diyan. Kinikilig pa ko eh! Hahaha.”

Enthralling Love (gxg story)Where stories live. Discover now