Date... Chapter 4

1.1K 37 13
                                    

Wholesome tong chapter na to guys parang yung author lang, HAHAHAHAHA... kaya wag kayong magexpect ha?

I would love to hear your comment, suggestions and violent reactions. THANK YOU! :D

-Hazelnot

 

Chapter 4

 

Lexa’s POV

 

“Fuck!” Antok na antok pa ko, pero nagising ako at agad na napabangon nung makita ko yung oras. 7:35 na! Usapan namin ni Cassie. Yun yung katext ko. Ilang months ko na din siya nakakatext. Normal lang naman yung feelings, napapangiti niya ko tulad ng iba. Napapatawa din niya ako. Pero yung kaba ko sa meet up? Yun yung masasabi kong kakaiba.

Time check… 7:40.

“Nandito na ako sa mcdo.” Text niya. Shit naman. Bakit ang aga niya! -__- kung bakit kasi hindi na naman ako nagising sa alarm eh. Tsk.

“Uy, sorry late ako. Saglit lang. On the way na ako.” Text ko sa kanya.

Nagtricycle na lang ako kasi malapit lang naman yung Mcdo dito, at tinatamad akong magjeep. Hahahaha.

Sa sobrang kaba ko, nakuha ko pang magyosi sa tricycle. Hahahaha. Madalas kasi mag napapayosi ako kapag problemado ako, kapag inis ako, at kapag kinabahan ako… Tulad ngayon! Hahaha.

Saka isa pa, ayaw niya kasi sa taong nagyoyosi, ayaw niya din ng usok, kaya feeling ko mamaya ayaw din niyang magyosi ako sa harap nya. Waaaaaaaah. Ano ba to! Dati naman wala akong pakialam sa sasabihin ng iba? Bakit ngayon ganito ako? Aaaaahhhhh ewan ko bahala na nga! Tsk.

Natapos akong magyosi, saktong paghinto ni kuya sa Mcdo.

Nagbayad ako, at hindi na inisip yung sukli ko dahil sa pagka-excited kong makita siya. Pero pag pasok ko ng Mcdo, hindi ko siya nakita, kaya naman naisip ko na baka nasa taas siya.

Pagakyat ko,nakita ko agad siya….

Nakita ko siyang nakasimangot! -___- Shit first meeting mukang bad shot na agad! Tsk!

Nagsmile ako sa kanya at sinabing… “Hi sorry late ako… :)”

 

“Ang init dito.” Yan lang ang sinagot niya sa kin! Grabe naman to, bakit ba naman kasi dito siya naghintay, parang kasalanan ko pa tuloy na nainitan siya! Tsk.

“Tara na lang sa Jollibee, wala din kasing upuan sa baba, okay lang ba sayo? :)” I’m trying to give my best smile, pero tuluyan pa din nakataas ang kilay niya. Daig pa niya yung terror na professor ko nung college. >.<

Tumango lang siya at sinundan ako. Hindi naman ako sanay na may naglalakad sa likod ko kaya naman pati sa pagtawid ay maya’t maya ko siyang nililingon. At yung itsura niya? Ganun pa din! Tsk.

Enthralling Love (gxg story)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें