51

475 20 10
                                    

THIRD PERSON'S POV

"ano lasa?" tinikman ni Ken ang sabaw sa ulam.
Tinanong ni Josh si Ken.

"wala akong nalasahan" tumawa ang tatlo, ang weird lang kase ni Ken.

"wala kang panlasa? ako nga tumikim" inagaw ni Josh ang sandok kay Ken.

Ninamnam niya ang sabaw, "Okay na yan. Tara na kumain." nagsandok sila ng ulam at kanin at tsaka hinanda ang mga plato sa lamesa.

bago sila kumain ay nagdasal muna sila para sa pasasalamat sa pagkain, masaya silang kumain na parang pamilya.

"oh, sinong maghuhugas ng mga plato?" tanong ni Josh.

"Ako nalang." sagot ni Faye.

"Tulungan kita, bub." Sagot ni Ken sabay tayo sa upuan.

"Okay, hintayin namin kayo sa kwarto namin. Maglalaro tayo ng game." Tumayo si Josh at Audrey para pumunta sa kwarto.

"Bub, arrange mo yung mga plato at mangkok." itinaas ni Ken ang sleeves niya para hindi mabasa ang damit.

Meanwhile, Faye was smiling how helpful Ken is. Plus, he was calling her bub.

Pagkatapos sa pag-aarange ay binanlawan ni Ken ang mga plato bago sabunin.

"Ken, ako na magsasabon." Pero hindi siya pinansin ni Ken, he wants to do the work.

"Hindi, ako na." sasabunin na niya sana ang plato pero inagaw ito ni Faye at dinunggol siya palayo sa lababo.

"Ako na kasi, ang kulit mo ah." dahan-dahan niyang inilayo si Faye at kinuha ang plato at sponge.

"Ako na-" nang kuhanin ito ni Faye ay dumulas ang plato, nabasag ito at nagkatinginan ang dalawa.

Agad na nilayo ni Ken si Faye para hindi mabubog, "dyan ka lang, wag mong lalapitan." tumakbo si Ken para kumuha ng walis at dustpan.

kinuha niya muna ang malalaking basag o bubog "Bub, kuha ka ng mapaglalagyan ng malalaking bubog." agad na sumunod si Faye sa kanya.

"Thanks." Sabi ni Ken.

"Nice one baby!"

"Nasa A! Nasa A! Nagpplant na!"

"Ayown! Nice one!"

"Defuse na! Defuse na!"

"Yes! Panalo!"

nagsigawan silang lahat sa kwarto.

"Master 4 na ko dre" Tawa ni Ken.

"Edi wow" Nakitawa si Josh.

"Mamaya duo tayo baby." Sabi ni Josh kay Audrey.

"sure, buhatin kita." biro ni Audrey at sinamaan lang siya ng tingin ni Josh.

"Galing mo don bub, 1v3 yon ah! angas." nagfist bump silang dalawa sabay akap.

———

dahil matagal na ko di nakapag-update, eto muna TT

bet | ken x oc ( complete! )Where stories live. Discover now