4

994 37 1
                                    

FAYE

"Sorry na Faye, pinatawag kasi ako ng president sa club namin eh." Humingi siya ng tawad, napabuntong hininga ako.

"It's okay Audrey, i understand." Ngumiti ako ng bahagya at tumingin sa kanya.

"Hala! Bakit may pasa ka sa baba!?" Natataranta niyang sabi, "okay na 'ko Audrey, alam mo namang wala akong pakielam 'don eh." Napatango lang siya.

May naramdaman ako nakabalot na mabigat sa balikat ko, napatingin ako at siya nanaman.

"Hi, miss me?" Kinindatan niya ako, he's so gross.
Napatingin ako kay Audrey at may lalaking nasa tabi niya.

"Wag mong hawakan si Audrey, kundi patay ka saken." Pagbawal ko sa kanya at sinamaan ng tingin.

"Chill, hindi ako mahawak okay? Hindi katulad niyang naka-akbay sayo." Ngumisi siya at napatingin ako dito sa naka-akbay sakin.

"Don't touch me!" Inalis ko yung braso niya, "ako nalang hawakan mo." Nanlaki ang mga mata ni Audrey, napapikit ako sa inis. Tumingin ako dito sa lalaking katabi ko at tinapakan yung paa niya.

Nasaktan siya don " Nakakainis kayong dalawa! Manyak!" Sinigawan ko silang dalawa at hinitak si Audrey, umalis kami sa pwesto namin at pumunta sa library para tumahimik ang paligid.

"Faye, sino yung representative niyo sa dance competition?" Bigla akong tinanong ni Audrey, nilingon ko siya.

"Wala pang nagv-volunteer eh, baka pumili nalang si Ma'am." Tumango siya at napaisip, "why don't you try it?" Umiling ako, may cheerdance na nga may dance competition pa? Wow ha.

"Ayoko." Sabi ko habang pinagpatuloy ang binabasa kong libro, "wala namang dancer sa class niyo eh, ikaw lang naman tsaka si Ken." Ken? Siya ba yung kaninang nasa classroom?

"Ayoko pa rin." Tumango lang siya, biglang nag-buzz yung phone ni Audrey.

"Aish, bwisit. Faye, maiwan muna kita ha? I'm very sorry talaga kung minsan lang tayo magkasama, magme-meeting daw kami eh." Halatang upset siya, she's so busy. Pagod na pagod na siya.

"Okay lang." Tipid kong sagot Punta nalang ako sa bahay niyo mamaya, sleepover tayo! Tutal saturday naman bukas." Bigla akong napangiti dahil grabe siya bumawi, sleepover agad. Oh diba?

"Sige, ang swerte ko naging bestfriend kita. See you." Nagpaalam na kami sa isa't isa.

Napatahimik nalang ako, "Boo!" Nag-flinch ako dahil may bigla-bigla nalang gumugulat sakin, bakit may sumisita sakin ngayon ha? Ano bang problema nilaaaa?

"Hi Faye!" Kumaway sakin sa Justin at ngumiti, binati ko rin siya "Hi, bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya at umupo muna siya sa tabi ko bago magsalita.

"Nag-rereview ako sa quiz namin sa Monday, ikaw?" Aba abait abata ah, "nagbabasa lang nabored ako eh, mahilig kasi ako magbasa." Tumango siya.

bet | ken x oc ( complete! )Where stories live. Discover now