29

723 33 5
                                    

FLASHBACK, SATURDAY PRACTICE 2/2
LONG CHAPTER AHEAD

"one, two, three, four, five, six and seven, eight." kasalukuyang tinuturuan ako ngayon ni Ken ng dance ng 'Youth by Troye Sivan'.

Alam niyo naman siguro yung sayaw ni J-Hope at Jimin don, diba?

So may usapan pala kami ni Ken. Pag daw tinuruan niya ko dapat magka-partner kami, pero pag hindi, hindi niya ko tuturuan.

ang nangyare, ayon, magka-partner kami.

dahan-dahan niya 'kong tinuruan ng mga dance steps.

"kalahati muna tayo." inilabas niya ulit ang cellphone niya at pinatugtog ang 'Youth' .

Ang iba naman ay nagp-practice pa.

"five, six, seven, eight." sabi niya at bumulong-bulong pagkatapos non.

"bam,bam,bam, bam-bam, bam." pinigilan ko namang tumawa. May tono pa yung pagbulong niya, HAHAHAHA.

-

pagkatapos namin sayawin yung kalahati, inaral naman namin yung isa pang kalahati ng sayaw.

nakaupo kami sa isang tabi habang magkatabi at pinapanood yung sayaw, tumatagaktak ang pawis naming dalawa dahil kanina pa kami nagp-practice.

napatingin nalang ako sa kanya at sinimulan ko siyang titigan.

ba't parang mas hot siya kapag nagpapawis? ano ba tong iniisip ko? FOCUS!

Isinawalang bahala ko muna yon, ang mahalaga ay importante.

charot.

-

pagkatapos niya ulit akong turuan ng kalahati ng sayaw, pinractice ulit namin.

"one more, buo na." seryosong sabi ni Ken at pinlay ulit ang kanta.

huminga ako ng malalim, "five, six, seven, eight." at nagsimula na kung saan magsisimula ang sayaw, eh?

tumingin ako kay Ken habang nagsasayaw at nakatitig lang siya sakin, ganon din ang ginawa ko.

Buong sayaw namin ay nakatitig lang kami sa isa't isa habang ako pinipigilan kong kiligin, sayang naman kung hindi ako kikiligin diba? charot.

"yes!" maligayang sabi ni Ken dahil natapos na kami, ilang oras din kaming nagpractice.

"good job!" binigyan niya ko ng dalawang high five, aabutin ko na sana kaso mas tinaas pa niya.

"so now you're teasing my height?" niliitan ko siya ng mata, gets?

Tapos tinawanan niya lang ako "cute mo." ngumisi siya.

inirapan ko lang siya ng mata pero pagtalikod ko ngumiti naman ako.

ano ba 'tong nararamdaman ko? confirmed na ba na mahal ko na si Ken?

charot, oa.

"Hoy!" ginulat ako ni Ken sabay hawak sa dalawang balikat ko.

"Ay! Ano ba!" humarap ako sa kanya at sinamaan ng tingin.

"Uy~ may free bebe time sila ah, sana ol! ss sa inyo! hahaha!" nakisingit si Stell, "Stell! pati ba naman ikaw!?" bumusangot ako at tinawanan lang ako ni Stell.

"Oh, oh, kayong dalawa, mamaya na yan! pakita na natin yung pinractice naten!" sinita kami ni Sejun at nag-gather kaming lahat para ipakita na.

"Sino'ng magkaka-grupo?" tanong ko sa kanila at ang sumagot ay si Justin.

"Ako at si kuya Josh, tapos si kuya Sejun, Audrey at kuya Stell."

"Justin, wag mo na kami kuya-hin, 22 ka na." sabi ni Sejun at tumango lang si Justin.

"oh sila Sejun nalang muna." sabi ni Josh at umupo na kami sa sahig.

pumunta na sila Sejun sa harap. Pero nang umupo kami, naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Ken sa hita ko.

napatingin ako sa kanya at nakitang nakangisi lang.

inirapan ko ulit siya.

-

natapos nang magperform sila Stell sa harap namin, they did a great job.

sumunod sila Josh at Justin, magaling magaling!

until it's our turn.

pumwesto kami ni Ken at ang tagaplay namin na si Stell, ay ipinlay na ang kanta.

nagsimula na ang kanta, syempre sinimulan din ako titigan ni Ken.

mukhang may spark na sa aming dalawa.

at syempre, ako'y isang assumera.

nang nasa gitna na kami ng sayaw, i saw him smiling softly.

hanggang sa natapos na ang sayaw namin.

-

SO AYON HINDI LANG YAN MAY PAHABOL PA NA PART, ABANGAN! ;)

bet | ken x oc ( complete! )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora