5

1K 35 1
                                    

"Thank you sa libre Justin!" Ngumiti ako at tumawa lang siya "sus. Wala yun." Ngumiti siya, jusko mamaya mapupunit na yung labi nito kakangiti.

"Sige, uwi na 'ko. Ingat ka ha!" Nagpaalam ako sa kanya at nag-commute pauwi.

Nakarating na ako dito sa village namin. Habang naglalakad papunta sa amin, nakaramdam ako na parang may sumusunod sa'kin kaya tumingin ako sa likod, wala naman.

Pinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko, natatakot ako dahil kahit 5:30 palang ay ang dilim na. Ewan ko kung bakit ganitong oras ako umuwi, nalibang ata ako masyado ni Justin.

"Faye." Nagulat ako dahil isang malalim na boses ang narinig ko, hindi ako nakagalaw sa puwesto ko.

"S-sino ka! Wag kang lalapit sakin!" Natatakot na ko, hindi ko kaya. Isa 'to sa mga kinakatakutan ko eh.

"Uy chill, si Kenji 'to." Kenji? Siya yung nasa canteen diba? Inakbayan niya ko, tumingala ako at siya nga! Si Kenji!

"Hanggang dito ba naman susundan mo 'ko!? Walangya!" Sigaw ko sa kanya. "Dito rin ako nakatira kaya wag kang sumigaw diyan! Kala mo ikaw lang!?" Sumigaw siya pabalik, ano Faye? Pahiya ka na.

"Ay, uhm S-sorry." Biglang kaming naging awkward sa isa't isa, ilang sandali lang ay tumawa siya.

"Oh bat ka tumatawa jan!? Buang!" Sinigawan ko siya ulit pero hindi man lang niya ko pinansin.

"San ba bahay niyo? Hatid na kita." Wow ha! Parang kanina minamanyak lang ako tapos ngayon may pa-ganito!? Wag papol boi!

"Luh, wag kang pa-fall boi." Sarkastikong sabi ko sa kanya habang naglalakad, "sige iwan na kita diyan." Sabi niya at aalis na sana sa tabi ko pero pinigilan ko siya, natatakot ako eh!

"Takot ka rin palang mawala ako." Nanlaki ang mga mata ko, kung makabanat 'to ah!

"Ulol! Kadiri kaya! Natatakot ako kaya no choice kundi magkasama nalang tayo." Inirapan ko siya, ang feeling din namputcha eh.

Ilang minuto kaming naglalakad at nakarating na rin ako sa gate ng bahay namin, naalala ko mags-sleepover pa pala kami ni Audrey.

"Dito nalang Kenji, thank you!" Ngumiti ako ng peke, sino ba naman hindi maasar dito? Pero ang kind niya ha, sinamahan niya ako sa paglalakad.

"Wala yon, gusto mo ihatid-sundo pa kita araw araw eh." Hindi talaga siya titigil eh 'no?

"Kanina ka pa banat ng banat jan! Banatan kita eh! Ulol!" Tumawa siya "uwi na ko gabi na eh! Hasta la vista, Bebe!" Kumaway siya paalis. Buang na talaga yon kung ano-ano na sinasabi.

Nakapasok ako sa bahay at nakitang busy si Mama, "Good afternoon po, mama." Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisnge.

"Oh bakit late ka na nakauwi nak?" Tanong sakin ni mama. Phew, buti hindi siya galit!

"Nalibang po ako sa kaibigan kong si Justin, ang bait niya nga po nilibre pa ako ng Ice Cream!" Napatawa siya, "buti naman at may nakikilala ka nang iba estudyante don, magbihis ka na sa taas." Bago ako umakyat sa taas, sinabi ko muna kay mama yung sa sleepover.

"Ma, mags-sleepover po pala si Audrey dito." Napatawa ulit siya "alam ko na anak, tinext ako ni Catalina." Tawag ni mama kay Audrey "Catalina", yun yung second name niya.

"Ganon po ba? Sige po ma, akyat na po ako!" At tumakbo ako sa hagdan at dumiretso sa kwarto ko.

bet | ken x oc ( complete! )Where stories live. Discover now