34

612 26 2
                                    

"Wala!" hinila ko nalang ulit siya sa loob.

"Ano? tara na? Si Josh nalang daw manlilibre sa'tin." nagkatinginan kami ni Josh, tinignan niya ko ng pinakamasama niyang tingin.

siniko ko nalang siya.

"sige, let's go!" unang lumabas si Audrey at sinundan ni Josh. Sinundan ko naman siya (dEvA).

gumilid kami ni Josh para makadaan si Faye.

saktong paglabas ni Faye ay biglang humangin, parang nag slow-mo yung buong kapaligiran ng tignan niya ko.

natulala lang ako.

wow.

ang......ganda niya.

"Huy!" napabalik ako sa realidad ng tawagin ni Josh ang pangalan ko.

nagsabay si Josh at Audrey, kasunod namin ni Faye.

"uhm.... tara na." inaya ako ni Faye at sumunod kami kila Josh palabas ng 'dorm village'.

pumunta kami sa labas ng university at pumunta sa ministop.

hinanap namin kung nasan nakalagay yung mga ice cream.

"Faye, pili ka na." nagsimula siyang maghanap ng ice cream.

"Gusto ko lang cornetto." simpleng sabi niya.

vanilla.

binayaran na ni Josh yung mga ice cream at lumapit sa'kin na may masamang tingin.

"utang ko ha." binulong niya sakin tsaka inambaan ako.

naghanap kami ng upuan at kumain na ng ice cream.

wrote this while listening to SB19 Stell's Live!
09/16/20

9:53 pm

bilis ng orasssss

bet | ken x oc ( complete! )Where stories live. Discover now