12

810 28 2
                                    

FAYE

8:30am na kami nagising, umagahan ko ay cellphone. De joke lang.

Kasalukuyan kaming nagce-cellphone ni Audrey ngayon. "Hoy Faye, 'di ka pa ba nilalamig? Patayin mo na yung aircon!" 18 degrees pala yung aircon, talagang malamig.

"Sabi ko nga papatayin ko na." Tumawa lang siya, kinuha ko yung remote ng aircon at itinutok doon para patayin.

Sama ko naman tao, huhu. Charotisms.

"Baka nakakalimutan mo, pupunta tayo kila Ken ah!" Sabi ni Audrey at umirap lang ako.

"Basta ipapaalam niyo ko, pag ako pinagalitan ni mama ah!" Sabi ko at bumusangot, natawa lang siya at umupo. Nakahiga kasi siya. Okay na? Hahaha.

"Ako bahala kay tita! Papayag yon! Kelan ba siya hindi pumayag?" Oo nga hano, naalala ko nung time na nagpaalam ako non dahil may meet and greet sa isang mall. Legit pinayagan ako ni mama.

"Oo na sige na! Dami pang dada eh!" Tumawa lang ulit siya at niyaya na 'kong pumunta sa baba para kumain.

"Gising na pala kayo, nandon ang pagkain sa lamesa. Urungan niyo mga pinagkainan niyo, ha?" Tumango kaming dalawa at pumunta sa kusina.

"Mouthwash muna!" Sabi ko at nakipag-unahan sakanya sa lababo.

Sabay na kaming nag-mouthwash, maluwang naman yung lababo eh.

Sabay na kaming kumain ni Audrey. Inilapag ko lang ang cellphone ko sa lamesa. Habang kumakain ako ay nagvibrate ang cellphone ko at nakita kong may tumatawag, unknown yung number niya.

Sinagot ko ang tawag, "Hello?" Sabi ko. Sa kabilang linya, may sumagot na napagkalalim ng boses, pero familiar din.

bet | ken x oc ( complete! )Where stories live. Discover now