“Gosh! Hindi ako makapaniwala?! Darating na 'yong step brother ko dito mamaya! Kapal ng mukha!” inis kong sabi kay Xandra sa kabilang linya.
Narinig kong tumawa ito, “Chill ka nga lang, baka mag away na naman kayo ng mommy mo niyan.”
“Nag usap na kami about dito, many times! Pero anong nangyari?! Walang nagbago! Darating talaga sila!” Napahilot nalang ako sa sintido ko. “I can't believe na ang bilis niyang palitan si daddy! Kakamatay lang niya 5 days ago!”
“Alam mo naman 'yong 'Love' hindi naman natin sila masisisi,” sabi niya sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako, “Nakakainis 'yang love na 'yan?!”
“Oy wag ka naman ganyan, kawawa 'yong secret admirer mo,” natatawa niyang sabi sa akin.
Napatingin ako sa letter na hawak na hawak ko ngayon. Limang taon na ang nakalipas ngunit hindi ko pa rin alam kung kanino galing 'tong letter na 'to.
“Whatever, sige na. Uuwi pa ako sa bahay para i-meet 'yong precious step brother ko kuno.” Napairap na lamang ako sa aking sinabi.
Once na mahanap ko kung sino ang pumatay sa daddy ko. Malalagot talaga 'yon sa akin.
She giggled, “O siya, goodluck sa'yo.”
Inend call ko na 'yong tawag at kinuha ang cake at inabot ang bayad.
“Have a nice day, ma'am,” nakangiting sabi nung babae.
Nginitian ko lamang siya bago ako umalis.
•••
Binuksan na ni manong guard ang pinto at pumasok na ako. Bumungad naman sa akin ang lalaking nasa mga 40s at 'yong lalaki na mukhang kaparehong age ko lang.
“Nandito ka na pala, Iris,” nakangiting ani ni mommy. Hinawakan ni mommy 'yong balikat ko at pinaharap sa kanila. Nagtama ang mata namin ng lalaking 'to.
He have pale white skin at mapayat siya, matangkad siya ng kunti sa akin. Gwapo para siyang koreano, blonde hair and yellow eyes, medyo mapula rin 'yong labi niya.
Mafa-fall na sana ako kaso.… Step brother ko siya. Cold lang akong tumingin sa kanya.
“Ang laki na pala ng anak mo, Belle. Manang-mana siya sa'yo,” mahinahon na sabi ng lalaki.
“Umm anak, this is Ronaldo, Your new daddy.” Tinignan ko lamang sila at alam kong naramdaman ni Ronaldo na hindi ko siya gusto.
So, niloloko na pala ni mommy si daddy simula pa nung bata pa ako. Ang kapal ng mukha nilang magpakita sa akin.
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni mommy sa balikat ko. Muntik pa akong mapairap. Ngumiti ako sa kanila ng peke.
“Iris po,” nakangiti kong sabi.
“I already know you.” Iyun naman pala eh! Kilala na ako! Why do i have to introduce myself to them?! Si mommy talaga! Nginitian naman ako ni Ronaldo. “This is your step brother, mas matanda ka lang ng 2 years. His name is Theo.”

YOU ARE READING
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...