“What are you talking about?” nagtataka kong tanong.
He smirked at umatras na siya, nagtataka lang akong tinignan siya. Bakit alam niya na may nireject ako noon? Hindi kaya siya 'yong lalaki na 'yon?
“Umalis na tayo dito, baka makita pa tayo?” Tumingin siya sa akin ng seryoso. “If you don't want to die. You better stay away from this room, from now on.”
Hindi ako nagsalita at nakatingin lang sa kanya. Madami akong katanungan na gusto kong itanong sa kanya pero napagdesisyunan kong hindi nalang.
Nagulat ako ng hinila niya ang wrist ko at lumabas na ako. Why do i feel like i put myself in a great danger?
“C-clave, may alam ka ba?” kinakabahan kong tanong sa kanya.
“Alam?”
“Kilala mo ba ang lalaking nagsulat ng letter para sa akin?” tanong ko.
I heard him chuckled, “I will give you a clue.”
“Sino?”
“Ang lalaking parati mo lang nakakasama,” sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.
•••
Bakit nung tinanong ako ni Clave parang sinasabi niya na bakit ko siya nireject dati? Sa kanilang dalawa siya 'yong pinaka-suspicious.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko!” Napatingin sila lahat sa akin ng bigla akong sumigaw.
Pero mga ilang segundo pa ang lumipas ay bumalik rin sila sa normal nilang gawain.
“Hoy, ayos ka lang? Sino bang umaway sa'yo?” tanong sa akin ni Xandra.
“Wala,” sabi ko at tumingin nalang sa bintana.
“Hinahanap mo 'yong secret admirer mo no?” tanong sa akin ni Xandra.
“Kahit ni isang sagot, Xandra. Wala ako, I need to find who killed my dad immediately. I won't let him have his peaceful life.” Natigilan naman ito sa sinabi ko.
“Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo?”
“Mukha ba akong nagbibiro?” Napabuga nalang ito ng hangin dahil sa sinabi ko.
•••
Napalinga-linga ako sa paligid at napangiti ako ng hindi ko nakita si Theo. Naglakad na ako.
Maglalakad lang ako ngayon papuntang bahay.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Tristan na muntik ng matumba. Ang bagal niyang maglakad, parang nahihirapan ito.
“Uhh… Tristan!” Lumapit ako sa kanya at napatingin siya sa akin. Grabe! Ang putla niya?! Ano bang nangyari sa kanya? “A-ayos ka lang?”
“Y-yes,” sagot niya.
Hindi ko namalayan na sinundan ko siya hanggang sa nakarating na siya sa bahay niya. Napatingin siya sa akin at kulang nalang talaga mahimatay siya. Halatang wala siyang energy.
“Umm… M-may sasabihin sana ako sa'yo.” Wala naman talaga akong sasabihin, nag alala lang talaga ako sa kanya.
“Tristan!” Lumabas ang mama niya sa bahay at napahinto siya ng makita niya ako. Ngumiti ito. “Iha, anong ginagawa mo dito?”
“Ah, binibisita ko lang po si Tristan.”
“Kay gandang bata, pasok ka iha.” Napatango ako at pumasok ako sa bahay.
Napatingin ako sa paligid. Malaki naman 'yong bahay nila at maganda rin 'yong design. Napalingon ako kay Tristan. Bakit kaya parang hindi siya masaya?
“Mom, sa kwarto lang kami ng kaibigan ko.” Napahinto ako sa kanyang sinabi.
Sa kwarto? Napatingin siya sa akin dahilan para ma estatwa ako sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko at pumunta na kami sa kwarto niya.
Nilock niya ang pinto at nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
“Wow, your room is a mess,” sabi ko sa kanya. Umupo siya sa sahig at sinandal niya ang likod niya sa pader, niyakap niya ang sarili niyang tuhod.
He look so depressed. Tumabi ako sa kanya.
“I wish, ganito nalang ang mangyari forever,” bulong niya.
Narinig ko 'yon pero hindi na ako nagsalita. I can see the sadness in his eyes at ngayon ko lang napansin na may eyebags siya.
“Tristan, hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo, pero alam kong malalagpasan mo rin 'yan,” mahinahon kong sabi sa kanya.
Napatingin siya sa akin at nginitian ko siya.
“Anong gusto mo sabihin sa akin?” cold niyang tanong sa akin.
Cute niya sana kaso ang cold niya. Mukhang si Clave lang 'yong playfull sa kanilang dalawa.
“Wala naman akong sasabihin sa'yo, gusto ko lang makasama ka,” sabi ko sa kanya.
“At bakit naman?” tanong niya.
“Hindi ko rin alam. Bigla nalang gumalaw 'yong katawan ko at sinundan ka,” mahinahon kong sabi sa kanya. Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang siya sa akin na parang binabasa niya 'yong nasa isip ko. “Hey! Wala akong masamang balak sa'yo, ha?!”
Umiwas na siya ng tingin. Hindi pa rin nawawala ang lungkot sa kanyang mata. Aaminin ko, nag alala ako sa kanya.
“I really don't care, kahit na may plano kang saktan ako. Wala akong pake.” Tumingin siya ulit sa akin at ngumiti. “You can hurt me anytime you want.”
Napahinto ako sa kanyang sinabi. Napangiti ako at hinaplos ang buhok niya dahilan para mapahinto siya.
“I won't hurt you, Tristan. I'm here just for you.” Napangiti ito at namula ang kanyang pisnge.
“Hindi ako nagkamali.” Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
“Nagkakamali? Saan?” takang tanong ko.
Hindi lang ito nagsalita at sinandal niya lang 'yong ulo niya sa balikat ko.
•••
Binuksan ko na 'yong pinto at nakita kong masayang nag uusap si mommy at 'yong asawa niya. Theo looked at me seriously. Akmang aalis na sana ako pero agad siya nagsalita.
“Saan ka galing?” cold niyang tanong sa akin.
“Sa bahay ng friend ko,” sabi ko habang seryosong nakatingin sa kanya.
“Hindi mo kasama ang kaibigan mong babae.” Napairap na lang ako sa sinabi niya.
“Sa lalaki kong friend.” Para siyang napahinto sa aking sinabi.
“Lalaki?” Nagmano ako kay mommy at kay Ronaldo at tumingin sa kanya.
“Yep, pumunta ako sa bahay nila,” simple kong sabi sa kanya.
Tumayo siya at napayuko ito. Hindi ko makita 'yong mata niya dahil natatakpan ito ng bangs niya.
“Anong pangalan ng lalaki na 'yon?” cold niyang tanong sa akin.
“What? Bakit kailangan mong—”
“Anong pangalan ng lalaki na 'yon?!” sigaw niya dahilan para magulat ako.
“Hindi mo naman kailangan sumigaw!” sigaw ko sa kanya.
“Iris! Theo is just worried about you!” At kinakampihan pa talaga ni mommy si Theo.
I rolled my eyes at pumunta na sa kwarto ko. Akmang isasara ko na 'yong pinto pero nagulat ako ng agad siya pumasok at nilock ang pinto.
“What do you think you're doing?” taas kilay kong tanong sa kanya.
Cold naman siyang tumingin sa akin dahilan para mapahinto ako.

YOU ARE READING
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...