“Huh?” Ano na naman ang ginawa ko?
Lumapit siya sa akin. Ewan ko ba? Pero nakaramdam ako ng takot.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo. How dare you let that guy kiss you on the cheek?!” Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
Ano bang kinagagalit niya? Kung makaasta naman siya parang jowa ko siya?
“Ano naman problema do'n? Eh pisnge lang naman 'yong hinalikan niya?” Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
“You don't understand. Gusto mo ba—”
“Sinabi ko na sa'yo na gusto ko siya,” seryoso kong sabi sa kanya.
Nakita kong napakuyom ito ng kamao at nilagpasan ako. Saan siya pupunta? Gabi na, baka mag alala si mommy niyan?
“Hoy! Saan ka pupunta?!” Agad ko siya hinabol.
“Wag mo akong sundan, may aasikasuhin lang ako,” seryoso niyang saad sa akin.
“Gabi na, baka mag alala si mommy sa'yo?” Napahinto siya sa paglalakad at napahinto rin ako. Napalingon siya sa akin.
“I can protect myself, Iris. Ikaw ba? Kaya mo bang protektahan ang sarili mo?” Lumapit siya sa akin at napaatras ako. “If i try to rape you, can you protect yourself?”
Tinignan ko lang siya sa mata, “You're acting weird. What's wrong with you, Theo?”
“See? You can't even protect yourself. Kaya bumalik ka na sa bahay at wag mo ako sundan.” Aalis na sana siya pero agad ko hinawakan ang wrist niya.
“Ayaw kong mag alala si mommy sa'yo, kaya pwede ba?! Bumalik ka na sa bahay!”
“Kahit ni isa, Iris. Nag alala ka ba sa akin? Minahal mo ba ako kahit kunti.” Napahinto ako sa kanyang sinabi. Sinandal niya naman ang ulo niya sa balikat ko. “Ang sakit. Ginawa ko na ang lahat para lang mahalin mo ako, pero bakit parang walang nagbago. Hindi ba ako sapat para sa'yo? Ano pa ba ang gagawin ko para lang mahalin mo ako? Ano?”
“Mamahalin lang kita kapag pinaghiwalay mo si Ronaldo at ang mommy ko,” seryoso kong sabi sa akin.
“Hindi pwede.”
“Bakit naman hindi pwede?” cold kong tanong sa kanya.
Hinawakan niya 'yong balikat ko at malungkot na tinignan ako.
“Dahil kung paghihiwalayin ko sila, baka hindi na tayo magkita pa? Hindi ko 'yon makakaya, Iris. Wala ng saysay ang buhay ko kung hindi kita makakasama.” Hindi lang ako nagsalita at nakatingin lang sa kanya. Agad niya ako niyakap ng mahigpit. “Stay with me, Iris. Wag ka ng lumapit sa iba. If you don't want me to turn into a monster.”
Hindi ko narinig 'yong huling sinabi niya.
•••
That day, hindi na nagsalita si Theo. Nag alala ako kunti sa kanya. Mukhang sobrang harsh na yata ako.
“What do you think?” Nabalik nalang ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Xandra.
“Huh?”
“Kanina pa ako salita ng salita dito. Ano bang iniisip mo?” tanong niya sa akin.
“Ah sorry, iniisip ko lang si Theo.” She stunned. “Pakiulit nga 'yong sinabi mo. I wasn't paying attention, sorry.”
“Bakit mo ba siya iniisip?” tanong niya sa akin.
“Siguro sobrang harsh na ako sa kanya. I think kailangan ko rin—”
“Tama lang naman 'yong ginawa mo.” Napahinto ako sa kanyang sinabi.
“Pardon?”
“You should stay away from him, Iris.” Nangunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi.
“Bakit naman?” nagtataka kong tanong sa kanya.
“Napatawad mo na ba sila? Tanggap mo na ba na may bago ng asawa ang mommy mo at kinalimutan agad 'yong daddy mo.” Natigilan ako sa kanyang sinabi. She's right. Hinawakan niya 'yong kamay ko. “Feeling ko masisira 'yong friendship nating dalawa dahil sa kanya.”
I wonder kung bakit ayaw rin ni Theo sa kanya?
“Don't worry, Xandra. Kahit pa close na kami ni Theo, hindi pa rin masisira ang pagka-kaibigan nating dalawa,” nakangiti kong sabi sa kanya. “Wala naman rin magbabago kahit pa magalit ako sa kanya. But, hahanapin ko pa rin kung sino ang pumatay sa daddy ko.”
•••
I walked slowly when i feel like someone's following me. Napatingin ako sa likod pero wala namang tao.
“Iris.”
“Ah!” Agad ako napalingon sa harapan ko.
He giggled, “Ang cute mo naman matakot. It makes me want to scare you more.”
Napahinga nalang ako ng malalim at tinignan siya ng masama.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.
“Pwede ka bang sumama sa akin?” Napakunot ang noo ko.
“Saan?” Pinanliitan ko siya ng mata. “Don't tell me may ipapakita ka na naman sa akin na bangkay?”
Tumawa naman ito, “Bakit? Gusto mo bang makakita ng bangkay ulit?”
“Baliw ka ba?”
“Nagbibiro lang ako,” sabi niya, nilahad niya naman ang kamay niya sa akin. “Can you come with me?”
Napabuga ako ng hangin at hinawakan ang kamay niya at nagsimula na kaming maglakad.
•••
Napahinto kami at napatingin ako sa bahay na nasa harapan namin. Bahay niya ba 'to?
“Bahay mo ba 'to? Ano bang ginagawa natin dito?” tanong ko.
Hindi siya sumagot at hinila niya ako papasok sa bahay niya. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Siya lang ba 'yong nakatira dito?
May nakita akong picture frame. Kahit nung bata pa si Clave ang gwapo na niya.
Litrato ito ni Clave na may kasamang lalaki. Bakit parang pamilyar ang lalaking inakbayan niya?
Binitawan na niya ako ng makarating na ako sa distinasyon namin. Napahinto ako ng mapagtanto kong nasa kwarto pala kami ni Clave. Umupo naman siya sa kama at nakangiti na tinignan ako.
“A-anong ginagawa natin dito?” kabado kong tanong sa kanya.
“Come closer.” Napakunot ang noo ko.
“Bakit naman?” tanong ko.
“Basta, lumapit ka lang sa akin. Don't worry, wala akong gagawing masama sa'yo.” Kahit pa nagdadalawang isip ako ay pinili ko pa rin lumapit sa kanya.
“If you do anything bad to me. Susuntukin ko talaga 'yang mukha mo.” He giggled.
“Wala akong pake, pero kapag pumangit ako at wala ng magkakagusto sa akin. Dapat ikaw 'yong maging asawa ko,” mapaglaro niyang sabi sa akin. Ng tuluyan na akong makalapit sa kanya.
Nagulat ako ng hinalikan niya ako sa labi. What the heck?!
He smiled playfully, “Hey Iris, I want you to teach me how to fall in love?”
“P-pardon?”
“Make me fall in love with you, Iris.”

YOU ARE READING
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...