“Kung hindi ka titigil. Ako ang tatapos sa'yo,” seryoso kong sabi sa kanya.
“Do you really want to kill me, Iris?” cold niyang tanong sa akin.
“Kung iyon lang ang paraan para matigil ang kasamaan mo ay gagawin ko!” Nagulat ako ng hinawakan niya ang baywang ko at pinalapit niya ako sa kanya.
“Then, sumama ka sa akin sa kamatayan. Hindi ako papayag na mamatay ako habang masaya ka sa iba,” cold niyang sabi sa akin.
Hinila niya ako, “Bitawan mo ako! Theo!”
Ng makapunta na kami sa kitchen ay kumuha siya ng kutsilyo at binigay sa akin.
“You want to kill me, right? Ito na, patayin mo na ako,” saad niya sa akin. Hindi ako makagalaw, nakatingin lang ako sa kanya. “Hindi mo kaya? Sabi ko na nga ba mahal mo rin ako, Iris.”
“Kahit ano nalang ang kalokohan na ginagawa mo! Itigil muna 'to!” sigaw ko sa kanya. Hindi ko maitago ang galit na aking nararamdaman. “Nawawalan ka na ng respeto!”
“Dahil 'to sa'yo, Iris. Dahil iniisip mo lang ang sarili mo kaya namatay sila lahat. Ang gusto ko lang naman ay mahalin mo ako pero kahit magpanggap ka hindi mo magawa,” cold niyang sabi sa akin. Lumapit siya sa akin at napaatras ako kunti. “I will stop being a monster if you will love me.”
“Ayaw ko lang naman na mas lalong masira ang buhay mo,” alala kong sabi sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay habang blangko ang ekspresyon niya habang nakatingin sa akin. “Theo, mas lalo ka lang masasaktan kapag nagpanggap akong mahal ka. I-i'm sure, kung makahanap ka na ng ibang babae. Siguradong makaka move on ka rin.”
“Mahal nga kita! Iris! Ayaw ko sa kanila! Ikaw lang ang gusto ko!” Agad niya ako niyakap. “I'm sorry if i fell inlove with you pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Sobrang mahal kita, Iris.”
Hindi nalang ako nagsalita at tinulak siya. Agad ko siya kinorner sa pader at akmang sasaksakin siya pero hindi ko tinuloy.
Blangko lang ang ekspresyon niya. Hindi man lang ito nagulat. Agad na ako tumakbo at kumuha ng gasoline sa silid na hindi na nagagamit.
At binasa ang nasa paligid. Lumabas na siya sa kitchen at blangko lang nakatingin sa akin.
“Iris, I love you.” Hindi na ako sumagot at sinunog na ang bahay.
Tumulo na 'yong luha ko. Hindi na ako tumakas dahil kailangan ko rin pagbayaran ang kasalanan ko.
Dahan-dahan na nanlalabo ang paningin and everything went black.
•••
Minulat ko ang aking mata at napahinto ako ng mapagtanto kong nasa isang hindi familiar na silid ako. White ang theme nito. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at napahinto ako ng makita si Tristan.
“Iris, ayos ka lang ba?” alala niyang tanong sa akin.
“T-tristan, diba patay ka na?” gulat kong tanong sa kanya. Nakita ko 'yong sugat sa leeg niya. “Anong nangyari sa leeg mo?”
“Sinubukan ni Theo na putulin 'yong ulo ko pero hindi siya nagtagumpay. I'm sorry kung natagalan ako,” malungkot niyang sabi sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. “Gusto kong lumabas ng hospital no'n pero hindi ako pinayagan ng nurse.”
“Thanks... for saving me.”
“Bakit parang malungkot ka?” tanong niya.
“You know that I killed Theo. May kasalanan rin ako,” malungkot kong sabi sa kanya.
“Pero ginawa mo lang 'yon para itigil ang kasamaan niya,” mahinahon niyang sabi sa akin. Napaiwas siya ng tingin.
“Tristan, may problema ba?” tanong ko sa kanya.
“Ah wala, may iniisip lang ako.” Hinaplos niya naman ang buhok. “Magpahinga ka muna, bibili lang ako ng prutas.”
Akmang aalis siya pero agad ko hinawakan ang wrist niya dahilan para mapatingin siya sa akin.
“P-pwede bang dito ka muna?” Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Natatakot pa rin ako kahit alam kong wala na si Theo. Napangiti naman ito.
“As you wish.” Umupo naman siya sa upuan na malapit lang sa kama ko.
Pero bakit parang natatakot pa rin ako? Napailing na lamang ako.
•••
Ilang taon na ang nakalipas. Dati na palang may trabaho si Tristan kaya nakabili siya ng bahay.
Temporary lang ako dito dahil ayaw ko naman na maging pabigat sa kanya.
And he never mentioned about love again. I wonder kung may nararamdaman pa siya para sa akin?
“Iris.” Nabalik ako sa realidad ng bigla niya akong tinawag.
“Yes?”
“May problema ba? Kanina ka pa kasi nakatingin sa akin?” tanong niya.
“Ah wala.” Pero ayos na rin na wala na siyang feelings sa akin. “Gagala muna ako.”
“Saan ka pupunta?” tanong niya sa akin.
“Kahit saan, parang matagal-tagal na kasi na hindi ako nakakagala,” nakangiti kong sabi sa kanya.
“Sige mag iingat ka, Iris. Wag kang magpapagabi ha?” I giggled.
“Hindi ko alam na ikaw na pala 'yong bagong parents ko, Tristan,” nakangiti kong sabi sa kanya. Tumawa lang ito ng mahina at napailing.
“I'm just trying to be a future perfect husband for you, Iris,” bulong niya.
“Pardon?” Napangiti ito.
“Wala, sige na. Baka magabihan ka pa.” Napatango nalang ako sa kanyang sinabi at lumabas na.
Para akong nagising sa isang masamang panaginip. Namimiss ko sila kahit na medyo hindi ako komportable sa kanila.
Si Clave, Si Luca, si mommy at si Theo. If hindi lang sana nagkagusto sa akin si Theo. Masaya na sana kami ngayon.
Wala na rin akong balita kay Ronaldo. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa bench.
Wow! Ang gwapo niya naman. He have black hair and yellow eyes and pale white skin. Mapayat rin ito at maraming babaeng napapatingin sa kanya dahil sa taglay na kagwapuhan nito.
Napatingin siya sa akin dahilan para mapahinto ako. Napaiwas ako ng tingin at akmang aalis pero agad siya nagsalita.
“Sumimasen(Excuse me)!” Napatingin ako sa kanya. Huh? Ano daw?
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at tinuro ang aking sarili.
“Ako?” He slowly nod. Lumapit ako sa kanya dahil parang wala naman siyang balak na lumapit sa akin. “A-anong kailangan mo?”
“Pasensiya na, nakalimutan kong nasa pilipinas pala ako.” Ngumiti ito. Shit! Ang gwapo niya talaga! Sobra pa sa sobra! “Alam mo ba kung nasaan ang book store dito?”
“Ah oo, halika sundan mo ako.” Tumayo na ito. Mas matangkad pa siya kaysa sa akin.
Grabe! Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo tignan pero bakit pakiramdam ko kilala ko na siya?
Ang weird.

YOU ARE READING
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...