Chapter 25

432 22 2
                                        

“Saan ka galing? Alam mo bang sobrang nag alala ako sa'yo?! Halos mabaliw na ako kakaisip baka ano ng masamang nangyari sa'yo?!” Matamlay ko lang siyang tinignan.

Bakit parang baliktad? Ako dapat 'yong magagalit kapag nawala siya, hindi ako?

Dahil mas matanda pa ako sa kanya at kapatid ko na siya.

“Chill Theo, pumunta lang naman ako kay Tristan,” walang gana kong sabi sa kanya. Napahinto siya sa sinabi ko.

“Pumunta ka kay Tristan? Anong ginagawa mo doon?! Anong ginawa niyo?!” galit niyang tanong sa akin.

Teka? Bakit ba siya nagagalit? Ano bang iniisip ng lalaking 'to? Napabuga nalang ako ng hangin at lumapit sa kanya at tinapik ang balikat niya.

“Kumalma ka nga lang. Wala kaming ginawang masama okay? 17 pa ako, hindi pa nga ako nag 18,” sabi ko sa kanya.

Akmang aalis ako pero agad siya nagsalita.

“Kahit ang 17 year ay pwedeng mabuntis,” cold niyang sabi sa akin.

“Don't worry too much, Theo.” Napamewang ako. “Sige ka baka magka wrinkles ka niyan.”

“You're weak.” Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa sinabi niya. “You can't protect yourself, kaya nag aalala ako.”

“Oh~ ang sweet naman ng little brother ko. Sigurado akong swerte ang girlfriend mo niyan.” Tinapik ko ulit 'yong balikat niya. “Wag ka lang ma obsessed sa kanya. It's not good for both of you.”

“Magtatandang binata ako,” cold niyang sabi sa akin.

“Bakit naman?” tanong ko.

“Ikaw lang 'yong gusto ko maging girlfriend ko, kaya kung hindi pwede. Magtatandang binata ako,” seryoso niyang sabi.

“Hey, hindi pwedeng—”

“Hindi ako maghahanap ng iba.” Napakamot nalang ako sa batok ko.

•••

Nag stretching ako. Mabuti nalang at saturday ngayon at pinayagan ako ni Theo na gumala. Basta wag lang raw ako pumunta sa mga lalaki.

“Bitawan mo ako! Sinabi ko ng hindi ako sasama sa'yo!” Napahinto ako ng biglang may sumigaw at parang pamilyar ang boses na 'yon.

“Clave?”

Wala masyadong taong dumadaan dito, kaya I have no choice kundi mangialam.

Agad ko tinulak si Luca, “What do you think you're doing?!”

“Wag ka mangialam dito, Iris. Ikaw na 'yong nagsabi, problema namin 'to,” cold niyang sabi sa akin.

Napatingin ako sa wrist ni Clave at namumula na ito. Hinawakan ko ang wrist niya at alala siyang tinignan.

“Ayos ka lang?” alala kong tanong sa kanya.

Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang pisnge. Umiwas ito ng tingin.

“Hindi ka dapat nandito. Umalis ka na, Iris. Ayaw kong madamay ka sa away namin ni Luca,” sabi niya sa akin.

“Hindi, dito lang ako. Hindi ko hahayaan na ganituhin ka nalang niya,” sabi ko sa kanya.

“Mas gusto mo ba siya kaysa sa akin, Iris? Ano bang meron sa kapatid ko na nagustuhan mo?” cold niyang tanong sa akin.

Akmang magsasalita ako pero agad nagsalita si Clave.

“Hindi muna siya kailangan sagutin.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Kailangan na kitang ilayo dito.”

“Hindi mo siya makukuha, Clave.” Agad hinawakan ni Luca ang wrist ko.

“Ako ang nakauna sa kanya, Luca. Kaya pwede ba, bitawan mo siya,” seryosong sabi sa kanya ni Clave.

“Ayaw ko, interesado ako kay Iris.”

“Interesado rin ako sa kanya. Seryoso ako, papatayin talaga kita kapag naagaw mo siya sa akin,” cold na sabi ni Clave.

“Sa tingin mo, hahayaan kitang patayin ako?” Malanding napatingin sa akin si Luca. “Hindi ko pa nga nakukuha ang pinakamamahal mong prinsesa.”

Did I just make things worse?

“Wag kang tumingin sa kanya, Luca.” Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Clave sa kamay ko. “Kung ayaw mong mawala 'yang mata mo. Don't you dare look at her?!”

“Why? Takot ka bang maagaw ko siya sa'yo?” natatawang tanong ni Luca. “Well, dapat ka lang matakot. Dahil alam mo naman na hindi ako titigil hanggang sa hindi ko makukuha ang gusto ko, Clave.”

“Damn you! Ako 'yong kailangan mo! Hindi siya! Layuan mo nga si Iris!”

“Ayaw ko, gusto ko siya,” sabi niya.

“Mahal ko siya, kuya!” Nagulat ako ng agad ako hinila ni Clave at niyakap ako. “Hindi ko hahayaan na agawin mo siya sa akin. Alam mo bang mas importante pa siya kaysa sa buhay ko?!”

“You said interesado ka lang sa kanya kaya mo siya sinundan, pero hindi ko akalain na mahal mo pala siya.” Luca giggled. “Hindi mo sinabi sa akin dahil takot kang maagaw ko siya sa'yo? Iris is your weakness, right? Now, kung sasama ka na sa akin. I promise, hindi ko na lalapitan si Iris.”

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ni Clave sa aking wrist. Napakagat ako ng labi at agad sinampal si Luca.

“Wag na wag mo akong gamitin para pilitin si Clave! At kahit kailan?! Hindi ako magiging sa'yo, Luca!” Geez! You only use me just to have Clave come back to you.

Agad ko hinila si Clave at umalis na kami. Ng makalayo-layo na kami ay huminto na kami sa paglalakad at tinignan siya.

“Salamat, Iris,” nakangiti niyang sabi sa akin.

Agad ko siya niyakap, “Hindi ko alam kung bakit ayaw mong sumama sa kanya. But don't worry too much, Clave. Hindi ko siya hahayaan na gamitin ako, It's your decision to go with him or not.”

“Iris, gusto mo bang sumama—”

“Ate, what are you doing here?” cold na sabi ni Theo. Patay na, nangako ako sa kanya na lumayo ako sa mga lalaki. May balak rin naman akong pansinin ang mga lalaki kung wala lang si Theo. Ayaw ko kasing madagdagan ang stress niya. Lumapit siya sa amin at cold na tinignan si Clave. “Diba sinabi ko ng lumayo ka sa mga lalaki?”

“Ano kasi—”

“Bakit mo ba siya pinapalayo sa amin? Ang selfish mo naman, Theo. Ayaw mong ishare siya sa amin,” nakapuot na sabi ni Clave.

“Umalis na tayo dito, Iris,” seryosong sabi niya sa akin.

Clave giggled, “Alam kong nagpapanic ka na, Theo. Ano nalang kaya ang iisipin ni Iris kapag nalaman niya ang totoo?”

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Clave. Ano bang pinagsasabi niya?

“May tinatago ka ba sa akin, Theo?” tanong ko.

“Hindi muna kailangan malaman.”

“Bakit naman?”

Agad na niya ako hinila. Theo, ano bang tinatago mo sa akin? Anong hindi mo sinasabi sa akin?

AishiteruWhere stories live. Discover now