“Pupunta na ako sa classroom.” Tumalikod na ako at akmang aalis pero agad siya nagsalita dahilan para mapahinto ako.
“Tandaan mo 'yong sinabi ko. Wag na wag kang lalapit sa kanila, kung gusto mo pa silang protektahan,” cold niyang sabi sa akin.
Paglingon ko sa kanya ay wala na siya. Bakit parang pakiramdam ko may masamang mangyayari? Natatakot ako na baka patayin niya rin si Tristan at si Clave.
“Iris.” Napalingon ako kay Clave.
Feeling ko may masamang nakatingin sa akin. Mas lalo akong kinabahan kaya agad ako tumakbo papalayo sa kanya.
Alam kong nagulat siya sa biglaan kong pagtakbo. Sa ngayon, kailangan ko muna lumayo sa kanila.
•••
Hindi ko man lang sila tinignan. Alam kong nagsisimula na silang mag alala. Ewan ko, pero parang may nakatingin sa akin.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero wala akong nakita. Ng tapos na ang klasi ay nasiglabasan na ang lahat, akmang lalabas ako pero agad ako hinabol ni Tristan at hinawakan ang wrist ko.
“I-iris, sabay na tayo kumain?”
“May gagawin pa kasi ako,” sabi ko sa kanya.
“Pwede naman kita samahan?”
“Kaya ko na mag isa.” Biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa wrist ko.
“I hate it when you avoid me,” cold niyang sabi sa akin.
“Tristan, I'm sorry pero kalimutan muna ako.” Napahinto siya sa sinabi ko.
“What?”
“Alam kong nangako ako, hihingi ako ng sorry forever. Hindi lang tayo pwede magsama and I can't love you back,” malungkot kong sabi sa kanya.
“A-anong nagawa kong mali? May kasalanan ba akong nagawa na hindi ko alam? May mali ba? Sabihin mo?! Babaguhin ko 'yon para sa'yo!” Namumula na 'yong mata niya. Alam kong pinipigilan niya ang luha niya.
“I'm sorry, naawa lang talaga ako no'n kaya lumapit ako sa'yo,” sabi ko sa kanya. Napailing ito.
“Hindi mo pwedeng gawin sa akin 'to. I love you so much, Iris. I-i can't live without you! W-wag mo naman ako takutin ng ganito, Iris.” Kitang-kita ko ang lungkot at panic sa kanyang mata.
Napailing ako, “I can't stay with you...”
Nagulat ako ng niyakap niya ako. Narinig kong humikbi ito dahilan para mapahinto ako.
“N-no, Hindi ko hahayaan na iwan mo ako!”
“Bitawan mo ako, Tristan!” sigaw ko sa kanya. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.
“Hindi kita bibitawan. Kung ito lang ang paraan para hindi mo ako iwan. Yayakapin kita hanggang sa mamatay ako!”
“Bitawan mo ako! I really don't want to be with you!” Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
“Alam kong nagsisinungaling ka lang. Bakit mo ba ginagawa 'to? Ano ang dahilan, Iris?” he asked.
Napahinto ako ng maaninag ko si Theo sa bintana. Seryoso ang tingin niya sa amin at may hawak na hawak na baril.

YOU ARE READING
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...