“Wag ka nga magbiro ng ganyan!” inis kong sabi sa kanya.
“I'm serious,” cold niyang sabi sa akin.
•••
Hindi ako naniniwala na patay na si Tristan. Bago ko palang siya nakausap kanina. Hindi pwede, hindi maaari.
“Wag ka mag alala, proprotektahan kita,” sabi niya sa akin.
“I'm sorry, kasalanan ko 'to.” Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko. “Kung hindi dahil sa akin. Hindi na sana mangyayari ang lahat ng 'to.”
Agad niya ako niyakap, “I'm here, Iris. Nandito pa ako! Hinding-hindi kita iiwan. I will kill him just for you.”
“No... Alam kong mas malakas si Theo. Hindi mo siya kayang talunin,” alala kong sabi sa kanya.
“Kung ganun, sumama ka nalang sa akin. Tumakas na tayo dito, Iris.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Hindi kita iiwan, aalagaan kita.”
“H-hindi ako pwede sumama sa'yo.” Kahit pa sumama ako sa'yo. As long as buhay si Theo. Matutunton niya pa rin tayo.
“Bakit?”
“Ikaw nalang 'yong umalis. I know na hindi ako kayang patayin ni Theo pero ikaw. Kaya ka niyang patayin. Hindi ka ba natatakot?”
“Hindi.” Napahinto ako sa kanyang sinabi. “Iris, ang kinakatakutan ko lang naman ay hindi kita makakasama.”
“Mamamatay ka! Clave!” sigaw ko sa kanya.
“I don't care! Gusto lang kita makasama! Wala akong pake kung magalit siya! Ako dapat 'yong magalit eh!” inis niyang sabi sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. “Ngayon nga lang ako nagmahal. Ikaw ang una kong minahal pero bakit?! Bakit pinapalayo ka niya sa akin?! I love you so much that I can't leave you!”
Hindi ako makagalaw dahil sa kanyang sinabi. Totoo ba 'yang sinasabi niya? Mahal niya ba talaga ako?
“Wag ka nga magbiro ng ganyan,” cold kong sabi sa kanya.
“Totoo ang sinasabi ko, Iris. Mahal kita, mahal na mahal,” sabi niya sa akin.
“Iyan pa ang magdadala sa'yo sa kapahamakan,” sabi ko sa kanya.
“Kung gusto mo pang mabuhay ako at hindi maging kagaya ni Tristan. Kailangan mong sumama sa akin,” cold niyang saad sa akin.
“Pero sa tingin mo ba hindi tayo matutunton ni Theo?! Matalino si Theo! Hindi ako makakatakas sa kanya!”
“Hindi mo rin siya kaya, Iris!” Kita ko ang galit sa kanyang mata. “Makukulong ka lang sa kanya habang buhay! Kapag lumaban ka pa! Hindi pa nga nawawala ang takot mo sa dugo! How can you kill him if you're afraid of blood?!”
“Wala pa rin magbabago kung tumakas ako, Clave! Mas lalong mapapahamak ang nasa paligid ko!” sigaw ko sa kanya. Alam kong may bago na naman akong makilala na tao at alam ko rin na sa oras na nakalayo na kami.
Mamamatay ang nasa paligid namin. Kagaya ngayon, namatay si mommy, si Tristan. At malaki ang posibility na si Clave na ang kasunod.
“Can you think of me just for once?” malungkot niyang tanong sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. “Kalimutan muna sila, Iris. Forget them all. I swear, hindi tayo mahahanap ni Theo.”
“Hindi magbabago ang desisyon ko, dito lang ako.” Sumeryoso ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko.
“I hope na tama 'tong desisyon mo,” sabi niya sa akin bago umalis.
•••
Minulat ko ang aking mata ng maramdaman ko na may humaplos sa aking pisnge.
“X-xion?” Napangiti ito ng nakakaloko. Agad ako napaupo at kunot noo siyang tinignan. “A-anong ginagawa mo dito?! Paano mo nalaman na nandito ako?!”
Nilagay niya sa labi ko ang hintuturo niya.
“Hindi mo ba ako namiss? Parang matagal na nga tayong hindi nagkita. Wala bang kiss diyan?” nakapuot niyang tanong sa akin.
Agad ko siya tinulak, “Umalis ka na.”
“Pero hindi pa ako tapos pagmasdan ang mukha mo,” he said while using his cute tone.
“Anong sadya mo dito?” cold kong sabi sa kanya.
He giggled, “Hindi ba halata? Syempre ikaw.”
“Gabi na,” sabi ko sa kanya.
“Ano naman kung gabi na?” inosente niyang tanong sa akin. Lumapit siya sa akin at akmang aatras ako pero wala na akong maatrasan. “Bakit parang ang hagard mo ngayon? Hindi ka na ba nag aapply ng skin care? You should take care of yourself, Iris. Papakasalan pa kita.”
“Stop kidding around, Xion. Umalis ka na!” inis kong sabi sa kanya.
“Ayaw ko nga, dito ako matutulog.” Humiga na siya at tinakpan na niya ng kumot ang katawan niya habang nginitian niya ako.
“Umalis ka nga, baka makita ka ni Clave?!” naiinis kong sabi sa kanya.
“Hayaan mo siya mamatay sa selos,” biro niyang sabi sa akin. Agad niya ako hinila at niyakap. “Bumalik ka na sa akin, Iris. I miss you so much. Alam mo bang iniisip kita parati. Hindi ka ba naaawa sa akin?”
Hindi lang ako nagsalita. Hindi na ako makikipagtalo pa sa kanya. Pagod na akong makipagtalo.
“Xion, bakit hindi kayo sumusuko? Diba kapag mahal mo, papalayain mo?”
“Mahal kasi kita kaya hindi ako sumuko. Dahil kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit anong mangyari hindi ka susuko.” Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na sa akin. “That is our way to show that we truly love you, Iris.”
Napahinga na lamang ako ng malalim, “Love is dangerous.”
•••
I slowly open my eyes at napahinto ako ng wala na sa tabi ko si Xion. Napaupo ako at napatingin sa papel na katabi ko. Kinuha ko ito.
'Itext mo nalang ako kung namiss muna ako. Pupuntahan kita kahit kailan mo gusto.'
Napahinto ako ng may kumatok sa pinto. Agad ko tinakpan ng unan ang papel at pumasok na siya.
“G-good morning,” nakangiti kong pagbati sa kanya.
Umupo siya sa kama, “Nakatulog ka ba ng maayos?”
“Oo.” Lumapit siya sa akin dahilan para mapaatras ako. Nagulat ako ng agad niya kinuha ang papel at binasa ito.
Ng tapos na niya ito basahin ay tumingin siya sa akin.
“Ano 'to? Boyfriend mo?” tanong niya.
“I-it's not what you think,” kinakabahan kong sabi sa kanya. Akmang magsasalita ako pero agad siya nagsalita.
“Iris, ang hilig mo talagang paselosin ako,” sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko. Pinunit niya 'yong papel. “Wag kang makikipagkita sa kanya ulit. Kundi papatayin ko talaga siya.”

YOU ARE READING
Aishiteru
Romance(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may bago agad na asawa ang mommy niya nung namatay na ang daddy niya. And there was someone who is sending...