Prologo

41 7 0
                                    

Prologue

Playing Für Elise (also known as Für Thérèse)
A solo piano song composed by Ludwig Van Beethoven.

****

Filipinas 1840

MALAKAS ang hampas ng hangin na parang tinatangay ang katawan ng babaeng matamlay na naglalakad sa gitna ng dilim bitbit ang isang bagay na binabalot ng puting tela. Ang mabibigat na patak ng ulan ay humahalo sa kaniyang luhang bunga ng kabiguan.

Tanging mga pagkidlad na lamang sa paligid ang nagsisilbing gabay niya patungo sa talampas. Nais niyang doon wakasan ang lahat. Ibig niyang takasan ang mga taong hinahanap sila ngayon. Panay ang pagiyak ng musmos na sanggol sapagkat nararamdaman niya ang ginaw sa kaniyang katawan. Parang walang paki-alam sa kaniya ang babaeng bitbit siya ngayon.

"A-anak, patawarin mo a-ako. Ito lang ang natatanging p-paraan," maging ang babae ay nanginginig na rin sa ginaw. Yakap-yakap niya ang sanggol upang mapatid ang ginaw na pareho nilang nararamdaman. Patuloy pa rin ang pag-iyak ng sanggol na parang labis ang hirap na nararanasan.

Narating na niya ang dulo ng talampas, malapit sa daungan ng Monte Calisto. Suot ang kulay luntian niyang saya na binagayan ng dilaw niyang baro ay napaluhod siya sa lupa at ibinaba niya sa damuhan ang sanggol na bitbit at hinayaang umiyak ito nang umiyak. Pero kahit na ganoon mas nangingibabaw ang kaniyang pighati at kasawiang dinaranas.

Tinanaw niya ang katarikan ng talampas patungo sa nagngangalit na alon ng tabing dagat. Sa isip niya ay ito na ang katapusan, iyon na ang katapusan ng kanilang mag-ina.

Ngunit sa hindi inaasahan ay may naalala siyang nilalang na tanging nakakaalam ng kaniyang mga dinidimdim. Tumingala siya sa maulap na kalangitan, umaasang madidinig ng diwata ang kaniyang pagluha maging ang pagiyak ng kaniyang musmos na sanggol.

"Davialtiem, naririnig mo ba ako?!"

Sa sigaw niyang iyon ay may nakarinig sa kaniya. Kumpol ng mga guadia sibil at ang mga yabag ng mga kabayong papalapit sa kanila. Sa mga iyon ay naroroon ang isang lalaking kaniyang pinakasalan.

Napa-lingon siya doon ngunit hinayaan niyang salubungin siya ng mga ito. Pinaling niya ang kaniyang paningin sa anak na sanggol at hinagkan ito sa noo. Napagdesisyunan niyang hindi nito marapat na magdusa katulad ng kaniyang padurusa.

"Sa mga susunod na panahon, batid kong may bagong pag-asa, bagong pagkakataon,"

"Sa salamin, sa likod ng entablado ng teatro, sa silid kung saan naroroon ang paborito kong instrumento,"

"Muli kong hinihiling na tapusin ang nasimulan naming tinahak na landas."

Humakbang siya malapit sa dulo ng talampas. Walang pag-aalinlangan siyang tumalon. Buo na ang loob niya na wakasan ang kaniyang paghihirap.

"Ito na ang sukdulan, ngunit hindi ito ang katapusan."

Bulong niya sa sarili bago siya lamunin ng malalakas na hampas ng alon sa batuhan ng tabing dagat. Doon na siya nalagutan ng hininga.

Kasabay noon ay ang pagsapit ng grupong humahabol sa kanila. Huli na sila, wala na ang kanilang pakay. Tanging ang saggol na lamang ng Kolonel ang nandoon. Dali-daling bumaba ang matikas na lalaking iyon at niyakap ang basang anak na sanggol, hindi niya mapigilang maluha.

"Kolonel Lorenzo Atienza, nagpatiwakal ang inyong asawa." anunsyo ng isa sa mga guardia sibil sabay lingon sa bangin ng talampas. Hawak nito ang nag-iisa nilang lampara.

Napaluhod ang lalaki. Tila nawalan siya ng lakas nang marinig iyon. Hindi iyon ang totoo sabi niya sa isipan ngunit hindi maikaila ang kunklusyon sa kaniyang isipan na ginawa nga ito ng kaniyang asawa.

"NADIA.....!"

Sigaw niya, iyon lang ang tangi niyang magagawa. Sa huli ay niyakap niya ang kaniyang anak.  Mahigit anim ba buwan pa lamang ito mula ng ipinanganak kung kaya't mahina ito sa lamig dulot ng mga patak ng ulan.

"Maricar, wala na ang iyong ina. Wala na ang iyong ina!" hagulhol nito sabay yakap sa nag-iisa nilang anak na patuloy pa rin sa pag-iyak. Walang kamalay-malay na iniwan na ng inang nagluwal sa kaniya.

Doon na nagtatapos ang lahat. Ang pagdurusa at kasaiwan ay nawakasan na. Ngunit isa iyong simula, simula sa bagong hamon na lilipasan ng nagkukubling panahon.

****
Mirror of Past and Present

Mirror of Past And PresentWhere stories live. Discover now