Kabanata 7

24 3 0
                                    

[Chapter 7]

Roselia's P.O.V.

"ANAK..." nagulat ako sa sinabing iyon ng lalaki. Inilahad niya ang dalawang braso na parang hinihintay na salubungin ko siya ng yakap.

Napalingon ako kay Lola Isyang. Umiwas siya ng tingin. Mula sa masiyahing matanda ay naging isa siyang tao na puno ng paglilihim. Ito ba ang nililihim niya? Bakit niya nililihim ito?

"Mr. Henry Llamoso..." napakinggan kong saad ni Khali mula sa pintuan sa likod-bahay. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak. Nilingon ko siya at sinenyasan niya akong humarap sa lalaking binanggit niya. At nang lumingon ako sa lalaking nag-iintay ng aking yakap ay naalala ko kung sino siya.

"Anak, maupo ka muna. Handa na ang tanghalian." biglaang paanyaya ni Lola Isyang dahilan upang magbalik ang aking isipan sa reyalidad. Nakita kong lumapit sila sa hapag kung kaya't wala akong nagawa kundi ang pumunta na lamang sa kusina para kumuha ng kubyertos.

Hindi ko batid kung ano ang marapat kong ikilos. Nasabi rin noon sa akin ni Khali na galit si April Jane sa ama nito. Paano ako haharap sa taong kinagagalitan ng katawang ito gayong ako mismo, hindi alam ang mga nangyari?

Napahawak ako sa aking puso dahil sa lubhang kaba at pagkalito. Napakabig ang kabila kong kamay sa tukador na kinalalagyan ng kubyertos. Tinignan ko ang kutsara at tinidor mula sa nakabukas na tukador.

Kung parating magkasama ang dalawang ito sa pagkain, marahil ang ama at anak din ay parating magkasama sa bawat pagsasalo-salo. Ngunit bakit tila malayo ang loob nila sa isa't isa? May dapat ba akong gawin, dapat ipaintindi?

"Hindi gagalaw ang mga 'yan kung tititigan mo lang. Wala kang telekinesis." napalingon ako sa bandang likuran ko kung saan naroroon na pala si Khali. Isinasalin niya ang mga talong sa mas maayos na pinggan na nakapatong sa lamesang pabilog. Hindi ko namalayan ang kaniyang pagdating.

"Hindi magiging maayos ang lahat kung hindi kayo gagawa ng paraan upang maisaayos ang bawat gulong pumapagitan. Natutunan niyo nang ayusin ang inyong bawat sarili, sana'y maayos niyo na rin ang isa't isa."

Sa mga sinabi ni Khali habang may ginagawa ang nagdulot sa akin upang maging malalim ang pag-iisip. Sa paraan ng pagsasalita niya ngayon, malayong-malayo ito sa nakilala kong pagkatao niya.

Ang mga sinaad niya ay tumagos sa aking puso. Naalala ko ang aking mga magulang, kaibigan at si Miguel. Kung magagawa kong ayusin ang aking sarili, magiging maayos din kaya kami?

"Huwag kang tumitig diyan. Baka matunaw ako, Aling Jane. Ang gwapo ko talaga 'no?" muli nanamang lumitaw ang mapaglaro niyang ngisi. Natawa ako sa kaniya. Nagagawa niya talagang pagaanin ang bawat mabibigat na bagay. Kahit papaano, nagagawa niya akong mapangiti.

"Hindi. Hindi lamang ako makapaniwala na ang huli mong mga tinuran ay malayong-malayo sa pagkataong pinapakita mo ngayon."  saad ko kabay ng pagiling-iling ko. Muli na naman akong napangiti sa bagay na iyon, bukas ang kaniyang isipan sa mga bagay-bagay.

"Kapag kailangan mo ng taong magpapalinaw ng mga malalabong bagay, naririto lang ako. Khali Gabriel, at your service." sumaludo pa siya bago bitbitin ang malaking plato. Ang kabila niyang kamay ay may hawak na sawsawan.

Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti ng matamis, "Salamat, Mang Gabriel." saad ko dahilan upang matawa kami pareho. Tinatawag niya ako sa ikalawang pangalan ng katawang ito, marahil ay gayahin ko rin siya.

"Parati mong ipakita ang 'yong matatamis na ngiti. Mas gumaganda ka." ngiti niyang muli saka tuluyang lumabas ng kusina. Nagsilbi iyong hudyat upang matigilan ako.

"M-maganda?" bulong ko sa sarili ko. Pakiramdam ko'y nag-iinit ang aking pisngi kung kaya't humarap muli ako sa nakabukas na tukador.

"Madalas kong gamitin ang salitang iyon kapag may nakikita akong obra ng magagaling na pintor at mga tanawin sa mga lugar kapag ipinapasyal ako ni ama sakay ng kalesa. M-maganda... a-ako?!"

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jan 22, 2022 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Mirror of Past And PresentWo Geschichten leben. Entdecke jetzt