Kabanata 4

25 5 0
                                    

[Chapter 4]

Third Person's P.O.V.

MABILIS na pininid ni Aling Isyang ang busol(doorknob) ng pinto ng silid kung saan naka confine ang apo niyang si Haide Jane. Naabutan niya si Khali na naalimpungatan sa paghimbing sa sofa at ang apo niyang nakahiga sa hospital bed. Wala pa ring malay ang dalaga.

Mula nang malaman niya kaninang alas tres ng madaling araw ang nangyari sa apo niya sa pamamagitan ng pagtawag ni Khali sa naiwang cellphone ni April Jane sa tahanan nila ay naalarma siya. Pumunta agad siya sa lokasyon ng hospital sa pamamagitan ng pagsakay ng arkilahang tricycle.

"Kamusta ang aking apo, hijo?" aligagang tanong ni Aling Isyang saka hinipo ang noo ni April Jane na may bendang nakapalibot sa ulo nito. Tumayo si Khali mula sa pagkakaupong pagtulog at iniabot sa matanda ang puting purse na dala ng dalaga buong araw.

"Mabuti na lamang po at nakita ko ito sa sidewalk malapit sa teatro. Iyan po ang dahilan kung bakit ko po siya natunton sa loob. Nandiyan pa po lahat ng kinita ni April sa Manila." sagot ni Khali. Tila iniiwasan ang tanong ng matanda at iniiba ang usapan.

"K-khali?" tanong muli ng matanda na tila naguguluhan. Hindi ito mapalagay ngunit sa huli, tinanggap din niya ang bagay na iniaabot sa kanya ng binata.

"M-mabuti na po ang kalagayan niya, sabi po ng doktor. May kaunting sugat po sa likuran ng ulo niya dahilan upang magka-head trauma. Wala pong skull fracture o brain damage. Hintayin na lang po natin siyang magising within 48 hours." paliwanag ni Khali matapos niyang magbuntong hininga. Nakokonsensya na rin siya kung hindi niya sasabihin ang results ng findings ng doktor matapos niyang idala ang dalaga sa emergency room kanina.

"Dalawang araw? Ang tagal naman noon, sigurado ba sila?" tila nasisindak na sunod-sunod na tanong ni Aling Isyang. Hindi rin siya makapaniwala, ngayon lamang nangyari ito sa kaniyang apo. Sa tanan ng pagdadalaga nito, hindi ito napahamak o napinsala ng malalang aksidente.

"N-nang makita ko po si Aprol sa loob ng kwarto sa loob ng teatro ay nakahandusay na po siya. Naamoy ko rin po ang alak sa kaniya. Sabi ng katiwala ng teatro ay iniwan niya talagang bukas iyon upang hindi pamahayan ng daga. Nagulat din po siya sa ingay sa loob. Siguro po, talagang napalakas ang pagkabagok ng ulo niya kaya ganyan po..."

Napayuko si Aling Isyang sa malumanay na pagpapaliwanag ni Khali. Sa tono ng pananalita nito, mababakas din ang pag-aalala. Nalinawan na rin siya sa paliwanag nito sa insidente kanina. Ganoon din naman ang kinuwento ng binata sa kaniya kanina sa tawag. Ngayon niya lamang naintindihan ng lubusan.

"Noong umaga po, nainis po siya sa'kin. Umalis po siya at sinabing gusto niyang mapag-isa. Ilang oras po ang lumipas ay hindi ko po siya makita pa. Dumilim na pero hindi ko po siya nakikitang umuwi sa inyo sa buong paghihintay ko sa tapat ng gate niyo. Hanggang sa napagdesisyunan ko pong maghanap,"

"Patawarin niyo po ako, Lola Isyang. Kasalanan ko po kasi kung bakit naiinis siya. Dahil sa ginawa kong pabibigay ng location ni Haids sa dad niya kaya nagalit siya sa'kin,"

"Hindi ko po kayang humingi ng sorry. Alam niyo naman po, hindi po ako sanay humingi ng tawad sa iba. Ngayon po, lalakasan ko na ang loob ko."

Tahimik na nakikinig lang si Aling Isyang sa mga sinasalaysay ni Khali sa likuran niya. Nararamdaman niya nang may hindi pagkakaunawaan ang dalawa mula kaninang umaga. Gusto niyang marinig ang sanhi nito mula sa kung sino man sa magkababata. Hinayaan niya ang dalawa kaya napagdesisyunan siyang magsama ito upang mag-ayos. Ngunit nauwi naman sa ganitong sitwasyon.

Mataman niyang tinitigan ang apo. Hinawakan ang kamay nito at umupo sa dulo ng kama. Hinagkan niya ang kaliwa  nitong kamay. Para sa kaniya, si April Jane ang pinakamagandang apong dumating sa kaniyang buhay.

Mirror of Past And PresentWhere stories live. Discover now