Kabanata 2

22 6 0
                                    

[Chapter 2]

April Jane's P.O.V.

"KUNG nakakain ka na raw?" tapik sa'kin ng isang babae mula sa ibaba ng higaan ko. Isa siya sa kasama ko rito sa isang kwarto ng dorm. Sa isang kwarto, may isang double deck. Ako sa itaas, sa ibaba siya... Si Maira Enriquez.

Nursing ang kinukuha, mabait, No Boyfriend Since Birth, laking probinsya, at study first daw siya para sa tatay, nanay at mga kapatid niyang lalaki na magsasaka.

"Busog pa 'ko. Kumain ako sa karinderya." pagsisinungaling ko kay Maira kahit na ang totoo ay ayokong kumain at wala akong gana. Narinig ko siyang nagpalatak. "Alam ni Aling Nida na hindi ka pa kumakain. Hindi mo ugaling gumastos kaya ka sumasabay sa pagkain natin sa mga luto niya."

Narinig ko siyang napa-upo sa kama niya sa ibaba. Nandito ako sa itaas at nakatalikod kaya hindi niya napapansin ang pagpatak ng mga luha ko. Madalas nga palang magluto ni Aling Nida para samin. Gusto niya raw na makatipid kami sa pagkonsumo ng pagkain. Libre naman iyon at malaya kami kung gusto naming mag-ambag sa ulam at bigas o hindi.

"Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo." dagdag pa niya. Napa-irap na lang ako ng patago sa sinabi niya. "Hindi ba obvious na lagi akong tahimik?" tanong ko sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Ako naman, napatitig na lang sa bedsheet kong kulay green na may mga bulaklak na dilaw.

"Hindi kasi. Ang point ko, iba ang pagiging tahimik mo ngayon. Dati, lumalabas ka naman ng kwarto natin kapag kakain na tayo. Ngayon, ewan ko sa'yo." tila naiirita niyang saad. Oo, mabait siyang tao pero huwag mo siyang ginugulo, mas mataray pa ang ipokritang ito.

"Alam mo bang narinig ko kanina ang pag-uusap niyo ng lalaki sa labas. Nalaman ko kay Aling Nida na daddy mo pala 'yun. Kaya pala gano'n na lang ang pagiging worried niya sa'yo. Nakita kong namumula ang mata mo, umiiyak---"

"Manahimik ka na nga lang, Maira. Wala ako sa mood makipag-usap." naiirita kong saad kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya. Tumayo siya sa kinauupuan at binuksan ang pinto. "Kapag handa ka nang mag-open sa problema niyo ng dad mo, sabihan mo ako."

At doon, iniwan niya muna ako pansamantala. Alam ko namang diyan lang siya sa baba para makipag-usap kay Aling Nida. Close kasi sila. Tapos na sila kumain ngayon sa mahabang lamesa sa first floor, sigurado akong tutulong 'yon kay Aling Nida sa pagliligpit ng pinagkainan.

Naiwan akong tulala. Paano kaya kung nabuhay si Mommy nang ipinanganak niya ako? Magiging masayang pamilya kaya kami? Hindi ba ako hahantong sa ganito kakumplekadong sitwasyon?

Habang nag-iisip sa kawalan ng mag-isa, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

***

ILANG araw na ang lumipas. Ito ang panahon kung saan ang lahat ng kolehiyo ay nagkukumahog sa pare-review ng kanilang mga naging klase. Ngayon ang final exams, pagkatapos nito ay summer break na.

Nandito ako ngayon sa library habang nakasalpak ang earphones ko sa aking mga tainga. Katulad ng lahat ng mga college students, nagre-review din ako ng mga inaral namin sa buong semester. Ayokong bumagsak, second year na kaya ako. Gusto kong patunayan sa lahat na kaya kong tumayo gamit ang sarili kong mga paa.

"Ang sipag naman mag-aral ni Aling Jane. Ang aming future Civil Engineer!" napahinto ako sa aking ginagawang pagbabasa at pagno-notes nang marinig ang pamilyar na boses ng isang demonyong gumagambala sa'kin sa araw-araw. Anak ng tinapa naman, oh!

"Kumain ka na ba? Tanghali na kaya!" patuloy pa ni Khali sabay upo sa tabi ko. Tinignan niya ang mga librong binubuklat ko. Samantalang ako, deadma lang siya sa'kin. Kunwari, hindi ko siya napapansin kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat.

Mirror of Past And PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon