Kabanata 6

11 3 0
                                    

[Chapter 6]

April Jane's P.O.V.

PANAY ang palitan ng usapan ng mga taong nasa paligid ko. Sinamahan pa ito ng ilang tunog ng kitchen utensils at mga yabag ng mga katulong dito sa tahanan nina Roselia. Wala ako sa wisyo para pagtuonan sila ng pansin. Bago ako lumabas sa silid ay binabagabag ako ng sulat na nabasa ko kanina.

Dahil ba roon kaya kami nagkapalit ng katawan ni Roselia?

"Anak, kanina mo pang hindi ginagalaw ang iyong mga pagkain. Hindi mo ba ibig ang gulay?" natauhan ako sa pagpunang iyon ni Donya Maricar na nasa tabi ko. Nilingon ko siya dahil doon. "Kung hindi mo ibig ay magpapaluto ako ng adobo kina Juana at Bonita." dagdag pa niya saka ngumiti ng marahan. Hinimas niya pa ang kamay ko.

"H-hindi na po, masarap naman ito e." palusot ko saka sinubo ng pagkakalaki ang kutsarang puno ng pagkain. Dahilan upang mapuno ang bibig ko para hindi na ako makapagsalita pa ng kung ano-ano. Ayokong magmukhang spoiled brat sa harapan nila. Hindi naman siguro ganoon si Roselia, 'di ba?

"Anak, dahan-dahan. Batid ko naman na paborito mo ang putaheng iyan." natatawang saad ni Donya Maricar saka pinunasan ang magkabilang sulok ng labi ko gamit ang puting tela. Ngumisi na lang ako kahit na puno pa rin ang bunganga ko at nagsimula nang ngumuya.

"Pansin kong kanina ka pang tuliro, anak. May masakit ba sa iyong ulo?" puna naman ni Don Inosencio na nasa pinaka sentro ng mahabang lamesa. Nilingon ko na lang siya ng may ngiti sa labi. Nang mamalayang wala na akong kinakain, sumubo ulit ako. Ayokong may masabi sa kanila na against naman sa personality ni Roselia.

"Kanina mo pang hindi pinapansin ang iyong kabiyak. Kinukumusta ka ni Miguel." dagdag pa niya. Napalingon naman ako sa lalaking nakasuot ng uniform na nasa gawing kaliwa ni Don Inosencio. Napahinto ako sa pagkain ko.

"Ayos lang po iyon, Don Inosencio." saad ni Miguel sa malamig nitong tono. Bahagya pa itong yumukod. Samantalang ako, nakatitig lang sa kanya. Tinatamasa ang taglay niyang ka-pogi-an. Omyghad! Ganito ba ka-gwapo ang magiging husband ni Roselia? Haba ng hair niya, ha! Pero snob siya sa'kin. Hindi naman ako maharot, duh!

"Roselia!" nagulantang ako sa sigaw na iyon ni Donya Maricar. Katabi ko lang siya sa bandang kanan ni Don Inosencio pero parang gumamit siya ng mega phone sa sobrang lakas ng boses niya. Dahil doon, napagtanto kong nanlimahid na pala sa bunganga ko ang pagkain. Nakanganga pala ako, sa harap ni Miguel.

Shete, nakakahiyang pangyayari! My bad!

"Susmaryosep, ika'y umayos sa pagkain. Kalapastanganan iyan sa grasya!" pangaral ni Donya Maricar sabay kuha ng tela na nakapatong sa mga hita ko. Siya na mismo ang pumahid sa nalaglag na pagkain sa mukha at suot kong baro.

Hindi iyon ang mas inalala ko, ang tagpong ito ang main highlight sa nakakalokang scene na ito. Gusto ko nang mahimatay, gusto kong kainin ng lupa, gusto kong mangumpisal ngayon ng wala sa oras. OMG! They saw it! Ang baboy ko, huhu!

"S-sorry po, hindi ko po sinasadya." wala sa wisyo kong saad saka kinuha kay Donya Maricar ang tela. Ako na mismo ang naglinis ng kahihiyan ko. Nakita kong tumayo si Miguel at siya na mismo ang kumuha ng tubig.

Inilapag niya pa iyon sa harap ko. Nagpasalamat na lang ako. Nakakailang din ang mga titig niya. I think I'm melting... oh, shut up, April Jane!

"Mabuti na ba talaga ang iyong pakiramdam?" nakita kong nag-aalala ang ekspresyon ng mukha ni Don Inosencio. Tumango na lamang ako at bahagyang ngumiti. Sana sa ngiti kong 'yon ay may powers na kayang mag-hypnotize ng mga tao. Gusto kong kalimutan na nila ito, huhu.

"S-sino po ang nagbigay ng mail... este, s-sulat po na nasa sa silid ko?" pag-iiba ko na lang ng usapan. Ayokong mas maging awkward ang air na pumapalibot sa amin. I swear, this is the most dumbest part I've done!

Mirror of Past And PresentWhere stories live. Discover now