Kabanata 3

18 5 0
                                    

[Chapter 3]

April Jane's P.O.V.

ABALA ako sa pag-iimpake ng mga damit ko sa isang malaking travel bag, umaga pa lang naghahanda na ako. Dala ko rin ang isang medyo may kaliitang maletang itim na pinaglagyan ko ng ilang gamit na sigurado akong magagamit ko sa patutunguhan ko. Ilang araw na rin nang matapos ang final exams. Ilang linggo ko na ring hindi nakikita si Khali kahit na nasa iisang dorm lang kami. Iniiwasan namin ang isa't isa.

Ilang saglit pa natigilan ako sa ginagawa ko nang magbukas ang pintuan ng dorm. "Sigurado ka bang magbabakasyon ka sa probinsya niyo?" tanong ni Maira na ngayon ay nakapambahay lang. Wala yata itong balak na umuwi muna sa pamilya niya.

"Siguro naman obvious 'no?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya saka inilahad ang mga kamay ko panukoy sa mga bagahe ko. Para ako ngayong dancer sa Wowowin na sumasayaw katabi ng ine-endorse nilang produkto.

"Ikaw ba?" maikli kong tanong. Sure naman akong mage-gets niya ang tanong ko ano. Hindi naman siya gano'n ka-boba. "Hindi muna, magtatrabaho na lang muna ako. Wala kasi akong pamasahe pauwi sa amin. May alam ka bang puwedeng pasukan?"

Napaisip ako bigla. Naalala ko 'yung naging usapan namin ni Mr. Leonard Patulot, ang manager ng branch na pinagtrabaho-han ko. Noong nakuha ko ang salary ko sa kanila kahapon bilang pamasahe ko sa pag-uwi, nabanggit nila na kailangan talaga nila ng kapalit kong staff habang wala pa ako. Inutusan niya akong maghanap ng papalit sa'kin.

May isa na namang bright idea ang pumasok sa aking matalinong brain.

"Mayroon, magdala ka lang ng ilang papeles. Doon sa pinagtatrabaho-han ko na fast food chain. Kailangan nila ng ilang staff doon." wika ko. Agad naman siyang tumango at nagpasalamat. Sinabihan niya pa akong mag-ingat sa biyahe.

Nang makatapos ako ng aking pag-iimpake ay inihatid na niya ako papalabas ng gate. Tatanggi pa sana ako kaso mapilit ang bruha. Nakasalubong namin si Aling Nida na nagwawalis sa labas at sinabihan akong mag-iingat. Nakapag-advance na ako ng pagbabayad ng renta sa kaniya para sa next year na pagpasok ko.

Muli akong lumingon sa first floor ng dorm, baka sakaling nandoon pa sina Khali o Oliver pero wala naman siguro. Gusto ko sana na magkaayos kami ng tukmol na 'yon.

Natigilan ako sa iniisip ko. Napa-iling ako sa aking sarili saka nagpara ng taxi papunta sa terminal ng bus. Hindi ko dapat iniisip si Khali, nakalimutan ko na yatang sinabi ko sa kaniya na hindi ko naman siya kailangan. Kaya siguro ganoon na lang. Bahala na siya, tse! Arte!

Sumakay na ako sa taxi at walang lingon na pinaandar ng driver iyon nang sabihin ko kung saan ako pupunta.

***

NASA kalagitnaan ako ng pagsa-sound trip nang mapagawi ang tingin ko sa isang matayog na building dito sa kalagitnaan ng Makati. Naririto na ako sa bus na sinasakyan ko papunta sa Batangas port. Halos isang oras na ang nakalipas nang makasakay ako rito.

Napatulala ako building na 'yon. 'Llamoso Publishing, Inc.' iyon ang nakasulat sa bukana ng malaking gusali. Hindi ko maitatanggi na successful na talaga si Dad. Walang nakakaalam sa mga kasama ko dito sa bus na isa akong anak ng CEO sa isang kilalang Publishing Company. Pero wala akong paki-alam, war kami ni Dad.

Bigla kong naisip ang sinabi noon nina Sandra at ng kaniyang alipores. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba ng sandaling iyon, hindi na ako umimik noon at hinayaan na silang magsasalita ng kung ano-ano. Umalis ako sa harapan nila noon ng may pangamba.

Muli akong tumingin sa naglalahong building dahil sa paglayo ng sinasakyan ko. Kung may masama mang mangyayari sa pinaghirapan ni Dad, sana maprotektahan ko iyon kahit na masama ang loob ko sa kaniya.

Mirror of Past And PresentWhere stories live. Discover now